Sa
unang pagtapak ko sa silid-aralang iyon napuno ng emosyon ang puso ko. Pakiramdam
na hindi ko maipaliwanag. Nakakakaba. Hindi ko alam kung anung dapat kong
asahan. Lahat ng bagay ay bago at mga mukha ng iba’t-ibang tao. Tinatanong ko
minsan ang sarili ko sino nga ba ako? Bakit ako nandito? Hala! Guro nga pala ko
kaya ako naririto. Minsan lang kasi o sa simula ang hirap intidihin na guro na
pala ako. Ang taga-pagbago, ang bigat no?
Hindi ko alam kung sa lumipas bang
dalawang taon na inilagi ko sa paaralang ito ay naging kapaki-pakinabang ba ko.
Nasulit ko kaya ang pagiging guro o baka nagpraktis lang ako? Maraming buhay akong
nasaksihan. Sila ang mga naging inspirasyon ko sa lahat. Akala siguro ng mga
bata sila lang ang natututo, hindi lang nila alam na sila ang bumubuo sa
pagkatao ko. May mga panahon mang lagi akong umiiyak hindi ko pinagsisisihan
ang lahat. Naisip ko kung hindi ko sila nakilala hindi naman ako magiging
ganito. Alam ko marami ng nabago sa sarili ko. Iyakin pa din naman ako pero mas
matatag na dahil sa inyo.
Sa huling pagpasok sa silid-aralang
iyon nanariwa ang kahapon. Ang simula ng lahat na siya ring naging katapusan.
Nasabi ko sa sarili ko, “Bakit ganun pareho yung pakiramdam?” Nandoon pa rin
kasi yung kaba na sa katapusang ito may magsisimula na namang bago. Mahirap
iwan ang lahat, lalo na yung bumuo sa dalawang taon ng buhay mo. Minsan gusto
kong maglupasay na parang bata at magiiyak tapos sasabihin kong “ Ayoko!
Ayokong umalis dito!” Pero wala namang mangyayari pag ginawa ko yun. Walang
magbabago.
Iniisip ko na lang hindi naman
mahalaga ang simula at katapusan…mas mahalaga ang paglalakbay. Ang
paglalakbay kung saan may mga nakilala kang mga katangi-tanging tao. Mahaba pa
ang daan. Hindi pa tapos ang paglalakad. Madadapa ka pa, tatayo, at muling
magpapatuloy. Hindi naman sila mawawala dadagdag lang sila sa mga koleksyon mo.
Sa napakahabang listahan ng mga taong nakasalamuha mo.
Ngumiti ka na naging makulay naman
ang una mong paglalakbay di ba?
- - Taga-pagbago
nga kami pero kami din naman nababago nyo.
- - Gusto
ko talagang yakapin sila isa-isa kaso nakakahiya. Gusto kong iparamdam kung
gaano ko sila kamahal.
- - Sana
ganoon lang kadali ang lahat.
hangdrama :) paano ka nagulat nung malaman mo na guro ka? lols
TumugonBurahintama ka sa iyong sinabi. hindi lamang sila ang natututo, tayo rin! :)
hulaan mo..haha :)
TumugonBurahinsiyempre parang tanga lang na kausap ang sarili..
lagi naman eh..