Minsan
nakakapagod na, na ika’y laging mag-isa
Parang kulang
na kulang pa kahit kumpleto na
Yung feeling
mo na sayo na lahat
Hindi naman
dahil lungkot ay ayaw paawat
Wala naman
talagang problema
Yun nga ang
problema mo wala na
Para kasing mas
masarap kung may thrill
Kahit sabihin
pa ng ibang chill
Alam mo naman
pagkulang ka
So anung
gagawin mo para makumpleto ka?
Hindi ko din
naman alam
Tapos may mga
bigla pang mamamaalam
Isip ka nang
isip
Lalo na pag
ika’y naiinip
Gusto ko na
nga lang magkulong sa panaginip
Para
makatakas sa mga iniisip
Masaya naman
pag kayo’y magkakasama
Ayun pag
magisa nageemote na
Ilang
taludtod na aking nagagawa
Tila damdamin
pa ri’y nagwawala
Hindi na kasi
natuto
Nagdagdag pa
ng sakit sa ulo
Ayan madala
ka
Umiyak
hanggang umaga
Sabi mo
simula lamang ito
Oh anung
dinadrama mo?
Wala lang
naman
Wala lang
akong kalaban
Tama na ang
drama mo
Matulog na sa
kwarto
Ipikit na ang
mga mata
Laging may
bagong umaga..
10:36 pm
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento