Martes, Abril 29, 2014

Ang mukha mo boom!
Ang hininga mo panes!
BOOMPANES!

Pag gising ko kaninang ala sais ng gabi nakasulat na to sa whiteboard sa kwarto. Natawa naman ako sa pangiinis ng kapatid ko. Medyo rude pero totoo haha J Nakakapanibago na ganito ang buhay ngayong bakasyon. Halos tulog na ata ang bumubuo sa araw ko. Unproductive. Feeling ko ang tamad ko kaya pag nagigising ako ng mga alas nuebe ng umaga maghahanap na ko ng gagawin para may maipagmalaki naman ako sa nagsusungit kong konsensya.
Ang totoo niyan ang hirap maghintay, lalo na’t hindi ka sure sa inaantay. Hindi mo alam kung may pinanghahawakan ka ba o wala. Para kang tanga dahil sa pag-asa. Hindi naman masama ang umasa, binibigyan mo lang ang sarili mo ng pagkakataong maging panatag. Walang pagaalinlangan. Walang iniisip. Kaakibat nga lang nito ang posibilidad na maging sawi. Kaya paghandaan na lang din. No choice naman. Mangyayari ang dapat mangyari hindi naman ito mapipigilan.
Trabaho..ang tagal mo..lawit na ang dila ko kakaantay sayo..
Fate! Give me a break!
Ang kakapitan mo na lang talaga sa mga panahong ito ay tiwala..tiwala na marami ka pang magagawa..tiwalang laging may nakalaan para lang sayo..hindi man ngayon baka bukas pagtapos nito..at siyempre tiwala sa Kanya..sa Kanya na nagbibigay kahit hindi mo na hilingin pa..
Kaya wag ka na magdrama..stagnant na nga ang buhay mo lagi ka pang nganga..gumawa ka ng mga bagay na sayo’y magpapasaya..sayang naman ang bawat umaga..


12:37 am – 1:00 am
April 30, 2014


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento