Magningning Ka Tulad ng Iba!
Sabi ng isang
co-teacher ko
Ang galing ni
anu no..yung kumanta sa ano..
Sabi ko ano
nga bang pinagkaiba niya sa akin at sayo?
Eh sikat lang
naman siya sa ibang tao
Marunong ka
din namang kumanta
Siya nga lang
yung tinitilian ng iba
Magaling
naman kasi lahat tayo
Sa iba’t –ibang
paraan nga lamang ito
Kung tutuusin
mas magaling pa tayo sa iba
Iba nga lang
din ang kapalaran niya
Tao lang rin
naman siya
Kumikilos at
nabubuhay na kapareha
Wag sana
nating maliitin ang sarili
Mahalin ito
at ipagmalaki
Mapalad ka sa
katayuan mo
Wag ikumpara
ang sarili sa ibang tao
Lahat tayo’y
may sariling kinang
Wag hayaang
takot at pangamba’y humarang
Sa pagniningning
mong parang bituin
Pakislapin
ang sarili’t pangarap ay abutin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento