Oh hooh oh oh hooh oh!
Bakit kasi
inimpluwensyahan mo ko
Ayan tuloy
nagsusulat na naman ako
Napupuyat
kada gabi
Nagsasalita
kahit walang masabi
Naging
nocturnal na naman ako
Hindi
makatulog dahil sa bisyo
Ang bisyong
pagiisip
Na
naipagpapatuloy hanggang sa panaginip
Hinidi ko
mapigilan ang mga salita
Labas ng
labas kahit ayaw ipakita
Ayaw ko
namang pigilan ito
Baka naman
sumakit pa ang ulo
Ito na siguro
ang baliw days ko
Tipa ng tipa
sa tahimik na kwarto
Wala na naman
dapat akong sabihin pa
Kaso di
mapigilan ang pagtipa
Nagising pa
kasi ang pagkatao kong ito
Ako tuloy ang
di pinatutulog nito
Dapat sisihin
dito ang isang tao
Hay! Kasalanan
mo talaga to!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento