Dream! Believe! Survive!
Sabi sa amin
ni Maam Sanopo
Nabubuo ang
salita dahil may pangangailangan dito
Parang ikaw
lang at ako
Na siyang
bumubuo sa mundo
Mahirap man
itong isipin
Naghahanap ng dahilan at nakatingin sa hangin
Nandito ka at
ako
Maniwala tayo
may pagbabago
Hindi ko man
alam ang inaantay ko
Ngunit parang
may bumubulong sa puso ko
Nagsasabing
magtiwala ka
Pramis! Ika’y
magiging masaya
Minsan ang
tiwala’y nawawala
Nakatuon sa
malayo’t nakatulala
Buti’y may
konsensyang nagsasalita
Wag kang tanga
at maniwala
Dream!
Believe! Survive!
Tayo na’t mag
high five
Nakakatakot
man ang daan
Lagi para
sayo’y may nakalaan
Marami kang
magagawa
Wag ka nga
lang tumunganga
Halika na’t
maging gabay
Maging
inspirasyon sa iba at mag-akay
Wag magpatalo
sa nararamdaman mo
Tapusin ang
pagiisip kada minuto
Buhatin ang
sarili at magpakasaya
Palitawin ang
natatangi mong ganda
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento