Uhaw..
Nagalingan ako sa batang to..
Pero pag nakikita ko siya iba ang naiisip ko
Yung matadang pulubi kanina sa gitna ng kalsada
Na kumakain ng palabok at walang pakialam sa iba
Wala namang mali doon
Kaso nga lang baka masagasaan siya sa ganoong posisyon
Nakasakay ako ng tricycle kaya walang nagawa
Naiisip ko tuloy siya sa mukha ng iba
Naglalaro kami ng volleyball kanina
May matanda na naman kaming nakita
nakahiga siya at mukhang doo'y matagal na
Kaya nanghihingi ng tubig dahil uhaw na
Binigyan siya ng kapatid ko ng iinuming tubig
May isang lalaking naglagay ng tinapay malapit sa kanyang bibig
Habang nakahiga nahihirapan siyang uminom
Kaya't naisipan kong tulungan para mapawi ang uhaw at gutom
Binuhat ko ng dahan-dahan ang kanyang ulo
Ngunit sumigaw siya ng gawin ko ito
Sinigawan na lang ako ng mga kapatid ko
Kaya tuloy lumayo na lamang din ako
Iniisip ko tuloy kung nagalit ba siya
Dahil sa tulad kong pakialamera
Nahirapan lang naman kasi ako nung makita
Na yung tubig ay tumatapon na sa kanyang mga mata
Puro pasa ang kanyang mukha
Madungis ang katawan na tila walang nagaaruga
Sabi ng mga bata doon
Nung Lunes pa daw yung matandang yon
Ilang araw na siyang doon nakahiga
Tubig at pagkain binibigyan ng makakakita
Palaisipan pa din kung anung nangyari sa matanda
Na hirap na hirap din sa pagsasalita
Itsura nito'y pumapasok sa aking ulo
Lagi ko tuloy naaalala ito
Hay matutulog na nga ko
Baka sumama pa siya sa panaginip ko
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento