Adik Ito!
Pag sa isang
bagay ba ika’y nasarapan
Hindi mo na
ba ito titigilan?
Hihinahon ka
pa kaya?
Kung sa buhay
mo ito’y mawawala
Hahanap-hanapin
mo ba ito?
At
kalilimutan ang limitasyon mo
Makakapagpigil
ka pa kaya?
Kung ang
laway mo’y tumutulo na parang luha
Iba-iba man
tayo ng pagkatao
May mga
tanong pa rin sa isip ko
Kung bakit ba
sa mundong ito
Parang walang
kontrol ang mga tao
Yung tipong
alam mo na na mali
Isisiksik pa
rin sa sulok at ikukubli
Ang mga
maling bagay na nagpapasarap
At sumisira
din naman sa iyong pangarap
Di naman sa
nagmamalinis ako
Pero bakit ba
kasi nagpapakatanga tayo
Pwede namang
iayon ang lahat sa tama
Nang buhay
natin ay guminhawa
Hawak mo ang
isip mo
Patakbuhin mo
sa tama ito
Wag ng
ipagpabukas pa
Simulan mo na
habang maaga
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento