Miyerkules, Abril 9, 2014



Ika’y Tumula

Gusto mo ba ng may ginagawa?
Kumuha ka ng papel at maging makata
Ika’y tumula wag pigilan ang salita
Ipakilala ang sarili   sa iyong mga gawa

Para ka lang namang kumakanta
Mas maganda kung dadaigin pa ang Adarna
Ilabas ang sarili sa iyong paraan
Sige lang basta magdahan-dahan

Bigyan ng kulay ang iyong mundo
Pagtagpi-tagpiin ang mga nawawalang tao
Isipin at isulat kung bakit ganito
Basahin mo’t malalaman mo

2 komento:

  1. tula na rin ang peg mo
    at tagalog na ah lols :)

    go, tumula ka lang ng tumula :)

    TumugonBurahin
  2. weh kanina ka pa ah kutos ka talaga..
    pakialamero eh

    yobong! :-P

    TumugonBurahin