Baclaran to Monumento Sakay na Kayo!
Mahaba-haba ang biyahe mula Baclaran hanggang
Monumento..kaya naman napakaraming kwento ang nasaksihan ko..
Station
1
Nakasakay kami sa isang napakasikip at mainip na jeep.
Kaya nga nagtaka ko ng may dalawang Intsik pa ang sumiksik. Sumabit ang lalaki
at naupo naman sa gitna ng mga pasahero ang babae. Mahirap ang pwesto ng babae
dahil nakasiksik siya sa mga tuhod namin ng kaharap kong lalaki. Binulungan ko
ang kapatid ko na kandungin na lamang ako para makaupo yung babae. Naisip ko
paano ko sasabihin sa kanya mukhang di kasi marunong magtagalog. Narinig ko
kasi na lenggwahe nila ang ginagamit nila habang naguusap sila ng kasama niya.
“Miss you may sit here.” Ang pageepal ko habang tinuturo
yung pwestong inalisan ko (kasalukuyan na ko noong nakakandong sa kapatid ko).
Nakangiti siya habang sinasabi na “ Sige,sige ok lang.”
Natameme ako at para bang gusto ko nang lumubog sa
kinauupuan ko. Medyo pahiya lang. Kainis tinawanan na ko ng mga kapatid ko.
Nag-English pa ko marunong pa lang magtagalog. Kaloka! Hindi ko rin naman
napigilan ang pagtawa ko habang hinahampas ang mga kapatid ko. Nakakahiya
naisip ko baka isipin nung ibang pasahero ang arte naman ng babaeng to
nag-English pa nagtatagalog pala yung kausap. Pero bahala sila inakala ko lang
naman talagang di marunong magtagalog haha :) Nakakabuo naman ng araw kahit
nakakahiya.
So ang lesson magtanong muna kung marunong magsalita ng
Ingles yung tatanungin bago umepal.
Naobserbahan
ko lang habang nagbabayad na yung kasama
niyang lalaki nasa kultura na nila talaga yung pagiging masinop sa pera. Sabi
kasi niya sa kapatid ko, “ Miss pakisabi nga dun na yung 25 galing Sta. Cruz
hanggang 5th Ave .” Medyo nakakainis yung dating ng pananalita niya kasi
nakasimangot saka parang nagko-command hindi nagre-request. At noong binigay
yung sukling piso sabi ko na lang, ”Ah
ok.”
Station
2
Hindi ko alam kung nasaang istasyon na kami sa baba ng
LRT sarado kasi kanina kaya ang haba talaga ng biyahe. May pumasok na batang
nagpupunas ng sapatos kahit karamihan samin naka-tsinelas. At as usual may dala
siyang papel na nakasulat ang karaniwan nitong laman. Wala namang bago dun,
kahit saan kasi huminto yung jeep namin may pumapasok na bata na di na malaman
kung saan nanggagaling. Napakaproductive talaga ng Pinas kahit maraming nganga
at gutom.
Gabi
na mukhang pagod na ang bata kaya umupo siya sa pagitan namin (doon sa inupuan
ng Intsik na babae kanina) naramdaman
niya sigurong walang may balak magbigay. Kaya habang nakayuko ito ang narinig
namin..
“Dito ay umaga at diyan ay gabi ang oras
natin ay magkasalungat..” napakanta ang bata. Natuwa kami ng kapatid ko at
sinabayan siya sa pagkanta. Nagkasoundtrip sa masikip at mainit na jeep. Ok
lang wala namang pakialam yung iba. Bumaba siyang masaya at may limang pisong
dala.
Station
3
Nasa R. Papa na ata kami ng may makasalubong kaming
malalaking trak ng bumbero. Kaya pala mas lalong tumagal ang trapik.
Nakakalungkot na may madadaanan kang mga pamilyang nakalabas ang mga gamit sa
gilid ng kalsada. Electric fan, sako, banig, damit, at ibang pang mga gamit
nila ang nakabalandra sa kalsada.
Naisip
ko anu kaya ang laman ng mga sako? Naisip ko yung tanong sa isang kompanyang
inaplyan ko dati. “ Ano ang mga bagay na isasalba mo kung masusunog ang bahay
nyo?”
Biglaan
ang pagbagsak ng mga tanong at nasabi ko na lang “pictures.”
Bakit nga
ba? Sabi ko, “kasi di na maibabalik ang nakaraan.” At pagtapos ko tinanong na
yung iba..pera, cellphone, appliances, pagkain at iba pa ang mga sinagot nila.
Napatanong tuloy ako kung bakit yung mga bagay na bubuhay sakin ang di ko naalala. Sabi nga ni
Maslow sa kanyang “hierarchy of needs” mas kailangan daw ang “physiological
needs” tulad ng pagkain, tubig at iba pa. Nakalimutan ko ata.
Muling
bumalik sa akin ang tanong na iyon. Mukhang di pa din nagbabago ang sagot ko.
Nadagdagan nga lang ng mga artworks na pinaggagawa ko (scrapbook,notebooks at
kung anu-anu pang mga bagay na naiisip kong gawin pag mag-isa). Marahil iba-iba
nga lang siguro tayo ng pinapahalagahan. Mga bagay na sa iba walang kwenta pero
sa atin mahalaga.
11:18 pm - 12:21 am
April 21, 2014
hahaha, sige go, english pa :)
TumugonBurahinat least may nadagdag sa experience :-P
TumugonBurahinyan ang mga tagpong di mo malilimutan :)