Linggo, Abril 20, 2014

Animalandia

Nakasanayan ko na naman
Na may hayop sa aming tahanan
Nakakagulat nga lang
Makakita ng kalapating lumilipad na parang wala lang

Dati may mga kulungan pa sila
Ngayon pakalat-kalat na
Muntik ko nang matapakan ang isang kuting
Na rumoronda sa sala namin

Nagampon na naman sila
Si Koby at Kassy na kinaawaan nila
Itatapon na sana ng kapitbahay
Kaya inuwi na lang daw nila sa aming bahay

Si Justine at Chu-chu ganun pa din
Maharot pa rin at nagaagawan sa pagkain
Si Justine ang masigla naming aso
Paghinagis ang pagkain nasasalo

Si Chu-chu yung matanda na
Na sabi ng mga kapatid kong doctor ay may katarata na
Sabi ko paano nyo nalaman?
Tingnan ko daw ng mapatunayan

Ayoko na lang makipagtalo
Sabi din kasi nila dati manganganak ito
Ilang taon na ang nakalipas
Walang nangayari sa hinihintay na oras

Si Alexa Abuda ang paborito ko
Na pinangalanan ng bunsong kapatid ko
 Supervisor siya na nagpaparoo’t parito sa loob ng bahay
Mga pakpak niya’y  walang humpay sa pagkampay

May mga bago ding dating na kalapati
Kaya sa paggawa ng bahay sila’y di nagatubili
Si Lucy, Ersa, Grey, at Natsu ang kumukumpleto
Apat na bagong miyembro ng pamilya namin ito

Muntik ko na malimutan ang mga manok
Unahin na natin si Ok-ok
Nagiisang inahin
Na nagbibigay samin ng makakain

Si Strokey ang pangalawa
Na para daw nastroke pag-umiinom siya
Itinataas ang leeg niya
At para bang hirap sa paghinga

Ganito man kami karami
Mga hayop ang nakasasaksi
Sa kasiyahang mayroon kami
Na kahit kaila’y di mabibili.

9:16 pm - 9:44 pm
April 19, 2014
Cavite
-Sa tulong ni Rexainne-


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento