Si Kuya..
Bata pa lang kami gustong-gusto na naming magka-kuya kasi
naman puro kami babae. Kaya nung dumating yung kaisa-isa naming lalaki excited
kami lahat. Iniisip namin kung anung pakiramdam na may kapatid na lalaki. Yung
may makakasama kang aalis ng bahay na proprotektahan ka kung anu mang pwedeng mangyari..mag-aayos
ng kung anu mang sira sa bahay na dapat lalaki ang gumagawa..yung may ibang
view sa buhay na hindi tulad sa kadramahan naming mga babae..at eto na nga
siya…
Pag-uwi namin ngayon sa Cavite wala si Kuya. Nakasanayan
naming ganyan ang tawag namin sa kanya kahit mas matatanda kami dahil nga
frustrated kaming magkaroon ng nakatatandang kapatid na lalaki. Wala siya dahil
busy sa church nila kung saan nakahiligan niyang sumayaw at kumanta. Nakakalungkot
na kung kailan nandito kami wala naman siya. May camping daw kasi sa Batangas.
Ilang araw siyang wala kaya sabi ko humanda talaga siya
paguwi nya. May nagbukas ng gate kanina..malaki yung boses at mukhang masaya.
Napatingin ako si Kuya pala. Pinigilan ko ang sariling kong magsalita. Kunwari
galit ako. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa loob ng bahay na parang di kami
nakita. Parang wala pa sa hulog biglang lumabas ulit nung napansing walang
kumakausap sa kanya. Sinuntok niya ko sa braso..at hindi ko na napigilan ang
sarili ko. Siyempre gumanti na ko at niyakap siya. Namiss ko talaga si Kuya. At
yung dalawa ko pang kapatid na kanina pa din nagpipigil sa pagsasalita di na
rin nakatiis niyakap na din siya.
Naisip ko yung sinabi ni Mae nung isang araw. Tapos na
kasi yung kontrata niya sa pinapasukan niya ngayon at sumagi sa isip niyang
mangibang-bansa. Pero nung umuwi siya sa Cavite at narinig yung boses ni Kuya
nabago ang isip niya. Feeling niya daw marami na kaming namiss sa paglaki ng
tatlo naming kapatid dito at kung lalayo pa siya baka mas lumalala pa.
Habang kinakausap ko si kuya kanina marami na ngang
nagbago. Sanay na naman ako sa mga salita niyang parang kay tatay pero kanina
binata na talaga siya. Nahihiya na siya pagniyayakap namin siya at nilalambing.
Iba na kaysa dun sa tinuturing naming baby boy dati. Yung laging
napag-tritripan dahil nagiisa nga lang siyang lalaki. Ang hirap talagang
pigilan ng oras.
Kung may mas malaki nga sigurong kita sa ibang bansa
nararapat lang yung ganoong halaga. Binabayaran kasi ang mga oras na di mo
kasama ang pamilya mo. At yun yung mga panahong sigurado akong panghihinayangan
mo.
8:33 pm - 9:11 pm
April 19, 2014
Cavite
naalala ko tuloy yung mga ate ko :)
TumugonBurahinganun din kaya yung pakiramdam nila nung dumating ako sa mundo hahaha :)
malamang siguro..maeexcite ka kasi sa bago..
TumugonBurahinpero kung ikaw siguro malamang di sila naexcite haha :)