Miyerkules, Abril 9, 2014



Selda Sa Iyong mga Mata

Nakatayo na naman si Mang Lucio
Nakatingin sa malayo’t nilalagok ang bisyo
Napatanong ang tatlong bata sa tindero
Bakit po kaya ganyan si Mang Lucio?

Eh Mang Lucio anu po bang course ang kinuha nyo?
Wala lang naman po natanong ko
Criminology sabay halakhak
Sumabay ang lahat sa pagtawa ng batak

Eh bakit po kayo hindi nagpulis?
Nasabi ng labi kong tumatalilis
Eh kasi nga naging criminal ako
At nakabaril sa ulo

Bumilang ng ilang segundo
Bago lumabas ang reaksyon ko
Nang bumalik ako sa sarili ko
Nagtaka kung totoo ba ang lahat ng ito

Kaya pala laging may lungkot sa kanyang mata
Siya pala’y nakakulong sa isang selda
Hindi man sya nabilanggo
Kalaban naman niya ang kanyang puso

2 komento:

  1. ang galing! parang short story sa format ng isang tula :)

    TumugonBurahin
  2. may nakainspire ka sakin tumula ng tumula..
    lalo na pagtulala..haha :)

    kaso nasobrahan..hindi ko na mapigilan..

    TumugonBurahin