Martes, Abril 29, 2014


Moments of Love..Full of Love!



Take this sinking boat and point it home

We've still got time
Raise your hopeful voice you have a choice

You've made it now
Falling slowly sing your melody
I'll sing it loud

     Well I just wanna share this lovely song "Falling Slowly" from the movie "Once". Hay! Breathtaking. Masarap na pampatulog to. I hope so. I'm falling slowly..


Everything happens for a reason..

Just wait and see of what will happen next..
Waiting in Vain from the movie Serendipity

     Jonathan Trager, prominent television producer for ESPN, died last night from complications of losing his soul mate and his fiancee. He was 35 years old. Soft-spoken and obsessive, Trager never looked the part of a hopeless romantic. But, in the final days of his life, he revealed an unknown side of his psyche. This hidden quasi-Jungian persona surfaced during the Agatha Christie-like pursuit of his long reputed soul mate, a woman whom he only spent a few precious hours with. Sadly, the protracted search ended late Saturday night in complete and utter failure. Yet even in certain defeat, the courageous Trager secretly clung to the belief that life is not merely a series of meaningless accidents or coincidences. Uh-uh. But rather, its a tapestry of events that culminate in an exquisite, sublime plan. Asked about the loss of his dear friend, Dean Kansky, the Pulitzer Prize-winning author and executive editor of the New York Times, described Jonathan as a changed man in the last days of his life. "Things were clearer for him," Kansky noted. Ultimately Jonathan concluded that if we are to live life in harmony with the universe, we must all possess a powerful faith in what the ancients used to call "fatum", what we currently refer to as destiny.

You know the Greeks didn't write obituaries.
They only asked one question after a man died:
"Did he have passion?".



Way Back Into Love from Music and Lyrics
Love it! <3

This is going to be the last one..bye for now :)
Ang mukha mo boom!
Ang hininga mo panes!
BOOMPANES!

Pag gising ko kaninang ala sais ng gabi nakasulat na to sa whiteboard sa kwarto. Natawa naman ako sa pangiinis ng kapatid ko. Medyo rude pero totoo haha J Nakakapanibago na ganito ang buhay ngayong bakasyon. Halos tulog na ata ang bumubuo sa araw ko. Unproductive. Feeling ko ang tamad ko kaya pag nagigising ako ng mga alas nuebe ng umaga maghahanap na ko ng gagawin para may maipagmalaki naman ako sa nagsusungit kong konsensya.
Ang totoo niyan ang hirap maghintay, lalo na’t hindi ka sure sa inaantay. Hindi mo alam kung may pinanghahawakan ka ba o wala. Para kang tanga dahil sa pag-asa. Hindi naman masama ang umasa, binibigyan mo lang ang sarili mo ng pagkakataong maging panatag. Walang pagaalinlangan. Walang iniisip. Kaakibat nga lang nito ang posibilidad na maging sawi. Kaya paghandaan na lang din. No choice naman. Mangyayari ang dapat mangyari hindi naman ito mapipigilan.
Trabaho..ang tagal mo..lawit na ang dila ko kakaantay sayo..
Fate! Give me a break!
Ang kakapitan mo na lang talaga sa mga panahong ito ay tiwala..tiwala na marami ka pang magagawa..tiwalang laging may nakalaan para lang sayo..hindi man ngayon baka bukas pagtapos nito..at siyempre tiwala sa Kanya..sa Kanya na nagbibigay kahit hindi mo na hilingin pa..
Kaya wag ka na magdrama..stagnant na nga ang buhay mo lagi ka pang nganga..gumawa ka ng mga bagay na sayo’y magpapasaya..sayang naman ang bawat umaga..


12:37 am – 1:00 am
April 30, 2014


Lunes, Abril 28, 2014



Share Something Bizarre About Yourself

The art of conversation? Don’t let it die!
Put your gadgets down and talk to your friends.
Here’s something to get you started

McDo + Coca Cola
#bettertogether

ü  Kaya kong magdownload ng daan-daang kanta sa loob ng isang araw.
ü  Magrecord ng boses habang naggigitara maghapon kahit hanggang gabi.
ü  Hindi nabubuo ang araw ko ng hindi kumakanta.
ü  Mahilig akong magbasa tungkol sa karanasan ng iba.
ü  Nagdadrama pag nagiisa.
ü  Ngumiti ng tagumpay.
ü  Manakit ng may pagmamahal.
ü  Magsulat ng letters for someone.
ü  Nahihirapan akong kontrolin ang emotions ko kaya dapat malabas in some way.
ü  Pag English ang naisusulat ko iritable ako. Inis ako sa sarili ko.
ü  Pagtagalog naman cool lang.
ü  Pagnahampas ko o nasaktan ang isang tao palagay na ang loob ko sa kanya.
ü  Ayoko ng matamis na ulam.
ü  Namamantal ako sa lamig.
ü  Nahihilo ako sa maraming tao pero gusto kong inoobserbahan ang mga ito.
ü  Mahal ko ang init kaysa lamig.
ü  I love to love.
ü  Love ko ang kahit anung shade ng blue.
ü  Narerelaks ako pagtumitingin sa ulap, bulaklak, at hayop.
ü  Hindi ako matatakutin pero magugulatin.
ü  Mababaw lang ako.
ü  Mas gusto ko ang park kaysa mall.
ü  Pag napressure ako panigurado sablay na.
ü  Nagbibisi-bisihan ako o kaya natutulog pag may tinatakasan.
ü  Mas gusto kong magisa pag maraming iniisip.
ü  Nagiisleep walk ako nung 8 years old ako.
ü  Iiyak ako pag galit na galit na.
ü  Mabilis akong maniwala pero hindi magtiwala. Ang gulo haha J
ü  Gusto ko ang mata,ngiti at boses.
ü  Ayoko  sa mga macho feeling ko manyakis haha J
ü  Napapapikit ang mga mata ko pag nagsusuklay, nagtutoothbrush at pag naglilinis ng tenga.
ü  Mahal ko ang pagakyat sa puno at ang volleyball kahit trying hard ako.
ü  Hangin! Aylabet.
ü  I love movies, short stories and poems.
ü  Napapangiti ako sa mga kanta. J
ü  Napakasaya kong ginagawa ang mga bagay na gusto ko…and that made me feel great! J


Ang astig ng McDo + Coca Cola..naisip nila ang mga ganitong bagay..haha hindi naman halatang nasiyahan ako ..Actually di naman bizarre yung mga pinagsasabi ko pero pag pinagsama-sama tinutukoy na ko..and I love it..ganito talaga pag walang magawa..

Linggo, Abril 27, 2014

Queer Feeling..

     "When I was a child I can't imagine myself that I would be someone like this. Everytime I look forward in my life it is somewhat a life full of thorns and wounds which suddenly turns into a scar. Imagine a life with a butterfly and T-rex inside your heart. I often see myself as a "JOKE" half meant half truth..and always half.."
    
     This is an excerpt taken from my classmate's work. He was my friend and my companion in my creative writing class in college. I just saw his work yesterday when I was cleaning our room. And I had the chance to read and realized why did I kept it for years. Well, I think I got fancied on his work for the way he describes what he feels about being someone who's queer. Then a sudden flashback of his stories returned into my head..
     What struck me the most was the last line..

     That's why my name is "Shunam" I'm  the blue demon. Curse to cry till I have my one..

Stairway to Heaven

     "If I ever had a line to heaven I swear I'll be there tonight.."  

     Heaven, as what all of us know is a paradise, a place of wonder, an enchanting world where every human wants to go. It is like Charlie's Chocolate Factory where a golden ticket is needed to go inside that amazing dreamland. Some says that a certain religion could be the visa to heaven, but is it really the powerful thread that connects us to our Almighty God?
     Let's think. What does every religion can offer? It can be the assurance that you will have your own space in heaven, a soul cleansing prayer, or maybe a promise that you will never see the soul destructing hell. Churches, sects, cults and any other kind of religion may lead us to the enlightenment we need to get closer to God. They provide ways on how to live with God's purpose. In my own  perspective, our religion is not enough  to save our souls. We have our own choices. We are all responsible for our own deeds. We manage our own lives. We should think first before we act to prevent doing evil things that won't nourish  our God-fearing souls. Prioritizing God in our lives leads us to an unachievable success - contentment of our hearts and souls.
     In analyzing all of our beliefs in attaining the long term goal - heaven, I can say that the only way to reach heaven lies within our own hands, with the choices we make and most especially  a personal relationship with God through our prayers. Living a life without God is a clueless line to heaven, it is like stepping on a stairway down to hell. So after reading this, give yourself a time to think, to meditate, and to realize. Be brave enough to do the right thing. God is always with you. Live a clean life without sins..climb into the stairway to heaven..meet God and feel His love for you!  

RDPA
BSE-4B Irregular

Martes, Abril 22, 2014


Libutin Natin Ang Mundo Ko :)




          Nakakatamad na lumilipas ang bawat araw..
at salamat sa mga bagay na ito nagkakaroon ng kabuluhan ang pagtunganga ko..
Nakaka-survive ako sa  mga nganga days dahil sa mga ito :)




Ipininta ito ng pinsan ko..mahilig ako sa ulap kaya hiningi ko..
Pag gusto kong mapahinga ang isip ko dito ko tumitingin..
Dati simple lang ito.. 
 Dumating ang isang araw..
 Naisipan kong magdikit ng mga pampalakas loob dito..
Kaya ngayon medyo natatabunan na ang mga ulap..
Pero yan ang mga bubuo sa aking mga pangarap :)




Ipinaskil ko din dun sa painting itong gawa ng isang katangi-tanging bata..
Lagi niya talaga akong napapahanga..
Isa ito sa mga pinakamagandang regalong natanggap ko..




Pag may gusto kaming ipaalala sa isa'-isa sinusulat namin dito
At dahil magkakasama naman kami ngayong tatlo..
Ayan tumambay na yang paborito kong mga linya..


Kaya mahal ko ang Papemelroti eh..
Naeexpress nito ang mga bagay na dito ko masabi..
Yung mga nakalagay dyan..
Yan din ang kahulugan ng happiness para sakin :)


Eto ang mundo ko..
At ang mga bagay na kumukonsumo sa oras ko..

Lunes, Abril 21, 2014


Being Good?!? He Defines It..

He gets nothing..
He won't be richer..
Won't appear on tv..
Still anonymous..
And not a bit more famous..

What he does receive are emotions..
He witnesses happiness..
Reaches a deeper understanding..
Feels the love..
Receives what money can't buy..


These lines struck my heart
and left it with  never ending gladness..
Hope that this will inspire us to do good things :)

Linggo, Abril 20, 2014

Baclaran to Monumento Sakay na Kayo!

            Mahaba-haba ang biyahe mula Baclaran hanggang Monumento..kaya naman napakaraming kwento ang nasaksihan ko..

Station 1
            Nakasakay kami sa isang napakasikip at mainip na jeep. Kaya nga nagtaka ko ng may dalawang Intsik pa ang sumiksik. Sumabit ang lalaki at naupo naman sa gitna ng mga pasahero ang babae. Mahirap ang pwesto ng babae dahil nakasiksik siya sa mga tuhod namin ng kaharap kong lalaki. Binulungan ko ang kapatid ko na kandungin na lamang ako para makaupo yung babae. Naisip ko paano ko sasabihin sa kanya mukhang di kasi marunong magtagalog. Narinig ko kasi na lenggwahe nila ang ginagamit nila habang naguusap sila ng kasama niya.
            “Miss you may sit here.” Ang pageepal ko habang tinuturo yung pwestong inalisan ko (kasalukuyan na ko noong nakakandong sa kapatid ko).
            Nakangiti siya habang sinasabi na “ Sige,sige ok lang.”
            Natameme ako at para bang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko. Medyo pahiya lang. Kainis tinawanan na ko ng mga kapatid ko. Nag-English pa ko marunong pa lang magtagalog. Kaloka! Hindi ko rin naman napigilan ang pagtawa ko habang hinahampas ang mga kapatid ko. Nakakahiya naisip ko baka isipin nung ibang pasahero ang arte naman ng babaeng to nag-English pa nagtatagalog pala yung kausap. Pero bahala sila inakala ko lang naman talagang di marunong magtagalog haha :) Nakakabuo naman ng araw kahit nakakahiya.
            So ang lesson magtanong muna kung marunong magsalita ng Ingles yung tatanungin bago umepal.
Naobserbahan ko lang habang  nagbabayad na yung kasama niyang lalaki nasa kultura na nila talaga yung pagiging masinop sa pera. Sabi kasi niya sa kapatid ko, “ Miss pakisabi nga dun na yung 25 galing Sta. Cruz hanggang 5th Ave .” Medyo nakakainis yung dating ng pananalita niya kasi nakasimangot saka parang nagko-command hindi nagre-request. At noong binigay yung sukling piso sabi ko na lang, ”Ah ok.”

Station 2
            Hindi ko alam kung nasaang istasyon na kami sa baba ng LRT sarado kasi kanina kaya ang haba talaga ng biyahe. May pumasok na batang nagpupunas ng sapatos kahit karamihan samin naka-tsinelas. At as usual may dala siyang papel na nakasulat ang karaniwan nitong laman. Wala namang bago dun, kahit saan kasi huminto yung jeep namin may pumapasok na bata na di na malaman kung saan nanggagaling. Napakaproductive talaga ng Pinas kahit maraming nganga at gutom.
Gabi na mukhang pagod na ang bata kaya umupo siya sa pagitan namin (doon sa inupuan ng Intsik na babae kanina)  naramdaman niya sigurong walang may balak magbigay. Kaya habang nakayuko ito ang narinig namin..
                        “Dito ay umaga at diyan ay gabi ang oras natin ay magkasalungat..” napakanta ang bata. Natuwa kami ng kapatid ko at sinabayan siya sa pagkanta. Nagkasoundtrip sa masikip at mainit na jeep. Ok lang wala namang pakialam yung iba. Bumaba siyang masaya at may limang pisong dala.

Station 3
            Nasa R. Papa na ata kami ng may makasalubong kaming malalaking trak ng bumbero. Kaya pala mas lalong tumagal ang trapik. Nakakalungkot na may madadaanan kang mga pamilyang nakalabas ang mga gamit sa gilid ng kalsada. Electric fan, sako, banig, damit, at ibang pang mga gamit nila ang nakabalandra sa kalsada.
Naisip ko anu kaya ang laman ng mga sako? Naisip ko yung tanong sa isang kompanyang inaplyan ko dati. “ Ano ang mga bagay na isasalba mo kung masusunog ang bahay nyo?”
Biglaan ang pagbagsak ng mga tanong at nasabi ko na lang “pictures.”
Bakit nga ba? Sabi ko, “kasi di na maibabalik ang nakaraan.” At pagtapos ko tinanong na yung iba..pera, cellphone, appliances, pagkain at iba pa ang mga sinagot nila. Napatanong tuloy ako kung bakit yung mga bagay na  bubuhay sakin ang di ko naalala. Sabi nga ni Maslow sa kanyang “hierarchy of needs” mas kailangan daw ang “physiological needs” tulad ng pagkain, tubig at iba pa. Nakalimutan ko ata.
Muling bumalik sa akin ang tanong na iyon. Mukhang di pa din nagbabago ang sagot ko. Nadagdagan nga lang ng mga artworks na pinaggagawa ko (scrapbook,notebooks at kung anu-anu pang mga bagay na naiisip kong gawin pag mag-isa). Marahil iba-iba nga lang siguro tayo ng pinapahalagahan. Mga bagay na sa iba walang kwenta pero sa atin mahalaga.

11:18 pm - 12:21 am

April 21, 2014
Animalandia

Nakasanayan ko na naman
Na may hayop sa aming tahanan
Nakakagulat nga lang
Makakita ng kalapating lumilipad na parang wala lang

Dati may mga kulungan pa sila
Ngayon pakalat-kalat na
Muntik ko nang matapakan ang isang kuting
Na rumoronda sa sala namin

Nagampon na naman sila
Si Koby at Kassy na kinaawaan nila
Itatapon na sana ng kapitbahay
Kaya inuwi na lang daw nila sa aming bahay

Si Justine at Chu-chu ganun pa din
Maharot pa rin at nagaagawan sa pagkain
Si Justine ang masigla naming aso
Paghinagis ang pagkain nasasalo

Si Chu-chu yung matanda na
Na sabi ng mga kapatid kong doctor ay may katarata na
Sabi ko paano nyo nalaman?
Tingnan ko daw ng mapatunayan

Ayoko na lang makipagtalo
Sabi din kasi nila dati manganganak ito
Ilang taon na ang nakalipas
Walang nangayari sa hinihintay na oras

Si Alexa Abuda ang paborito ko
Na pinangalanan ng bunsong kapatid ko
 Supervisor siya na nagpaparoo’t parito sa loob ng bahay
Mga pakpak niya’y  walang humpay sa pagkampay

May mga bago ding dating na kalapati
Kaya sa paggawa ng bahay sila’y di nagatubili
Si Lucy, Ersa, Grey, at Natsu ang kumukumpleto
Apat na bagong miyembro ng pamilya namin ito

Muntik ko na malimutan ang mga manok
Unahin na natin si Ok-ok
Nagiisang inahin
Na nagbibigay samin ng makakain

Si Strokey ang pangalawa
Na para daw nastroke pag-umiinom siya
Itinataas ang leeg niya
At para bang hirap sa paghinga

Ganito man kami karami
Mga hayop ang nakasasaksi
Sa kasiyahang mayroon kami
Na kahit kaila’y di mabibili.

9:16 pm - 9:44 pm
April 19, 2014
Cavite
-Sa tulong ni Rexainne-



Si Kuya..

            Bata pa lang kami gustong-gusto na naming magka-kuya kasi naman puro kami babae. Kaya nung dumating yung kaisa-isa naming lalaki excited kami lahat. Iniisip namin kung anung pakiramdam na may kapatid na lalaki. Yung may makakasama kang aalis ng bahay na proprotektahan ka kung anu mang pwedeng mangyari..mag-aayos ng kung anu mang sira sa bahay na dapat lalaki ang gumagawa..yung may ibang view sa buhay na hindi tulad sa kadramahan naming mga babae..at eto na nga siya…
            Pag-uwi namin ngayon sa Cavite wala si Kuya. Nakasanayan naming ganyan ang tawag namin sa kanya kahit mas matatanda kami dahil nga frustrated kaming magkaroon ng nakatatandang kapatid na lalaki. Wala siya dahil busy sa church nila kung saan nakahiligan niyang sumayaw at kumanta. Nakakalungkot na kung kailan nandito kami wala naman siya. May camping daw kasi sa Batangas.
            Ilang araw siyang wala kaya sabi ko humanda talaga siya paguwi nya. May nagbukas ng gate kanina..malaki yung boses at mukhang masaya. Napatingin ako si Kuya pala. Pinigilan ko ang sariling kong magsalita. Kunwari galit ako. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa loob ng bahay na parang di kami nakita. Parang wala pa sa hulog biglang lumabas ulit nung napansing walang kumakausap sa kanya. Sinuntok niya ko sa braso..at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Siyempre gumanti na ko at niyakap siya. Namiss ko talaga si Kuya. At yung dalawa ko pang kapatid na kanina pa din nagpipigil sa pagsasalita di na rin nakatiis niyakap na din siya.
            Naisip ko yung sinabi ni Mae nung isang araw. Tapos na kasi yung kontrata niya sa pinapasukan niya ngayon at sumagi sa isip niyang mangibang-bansa. Pero nung umuwi siya sa Cavite at narinig yung boses ni Kuya nabago ang isip niya. Feeling niya daw marami na kaming namiss sa paglaki ng tatlo naming kapatid dito at kung lalayo pa siya baka mas lumalala pa.
            Habang kinakausap ko si kuya kanina marami na ngang nagbago. Sanay na naman ako sa mga salita niyang parang kay tatay pero kanina binata na talaga siya. Nahihiya na siya pagniyayakap namin siya at nilalambing. Iba na kaysa dun sa tinuturing naming baby boy dati. Yung laging napag-tritripan dahil nagiisa nga lang siyang lalaki. Ang hirap talagang pigilan ng oras.

            Kung may mas malaki nga sigurong kita sa ibang bansa nararapat lang yung ganoong halaga. Binabayaran kasi ang mga oras na di mo kasama ang pamilya mo. At yun yung mga panahong sigurado akong panghihinayangan mo.

8:33 pm - 9:11 pm
April 19, 2014
Cavite

            

Lunes, Abril 14, 2014


Ang Natatanging Gabi 

Abong kuneho ang nakikita ko
Sa buwang nagliliwanag sa gabing ito
Pinalilibutan ito ng mga ulap
Na nagbibigay misteryo sa pagilaw nitong aandap-andap

Alam mo ba ang dulot ng dilim?
Ito'y tila nagkukubli sa bawat lihim
Sumasabog ang mga tala't nagpapakita
Ng mga natatanging ning-ning na bihirang masilayan pa

Lahat ay may kanya-kanyang kwento
Gaano man kadilim ito
Salamat sa buwan at sarili'y nakita
Aninong nagtatago ay tila nakalaya



Linggo, Abril 13, 2014


Uhaw..

Nagalingan ako sa batang to..
Pero pag nakikita ko siya iba ang naiisip ko
Yung matadang pulubi kanina sa gitna ng kalsada
Na kumakain ng palabok at walang pakialam sa iba

Wala namang mali doon
Kaso nga lang baka masagasaan siya sa ganoong posisyon
Nakasakay ako ng tricycle kaya walang nagawa
Naiisip ko tuloy siya sa mukha ng iba

Naglalaro kami ng volleyball kanina
May matanda na naman kaming nakita
nakahiga siya at mukhang doo'y matagal na
Kaya nanghihingi ng tubig dahil uhaw na

Binigyan siya ng kapatid ko ng iinuming tubig
May isang lalaking naglagay ng tinapay malapit sa kanyang bibig
Habang nakahiga nahihirapan siyang uminom
Kaya't naisipan kong tulungan para mapawi ang uhaw at gutom

Binuhat ko ng dahan-dahan ang kanyang ulo
Ngunit sumigaw siya ng gawin ko ito
Sinigawan na lang ako ng mga kapatid ko
Kaya tuloy lumayo na lamang din ako

Iniisip ko tuloy kung nagalit ba siya
Dahil sa tulad kong pakialamera
Nahirapan lang naman kasi ako nung makita
Na yung tubig ay tumatapon na sa kanyang mga mata

Puro pasa ang kanyang mukha
Madungis ang katawan na tila walang nagaaruga
Sabi ng mga bata doon
Nung Lunes pa daw yung matandang yon

Ilang araw na siyang doon nakahiga
Tubig at pagkain binibigyan ng makakakita
Palaisipan pa din kung anung nangyari sa matanda
Na hirap na hirap din sa pagsasalita

Itsura nito'y pumapasok sa aking ulo
Lagi ko tuloy naaalala ito
Hay matutulog na nga ko
Baka sumama pa siya sa panaginip ko









Sabado, Abril 12, 2014



 Magningning Ka Tulad ng Iba!

Sabi ng isang co-teacher ko
Ang galing ni anu no..yung kumanta sa ano..
Sabi ko ano nga bang pinagkaiba niya sa akin at sayo?
Eh sikat lang naman siya sa ibang tao

Marunong ka din namang kumanta
Siya nga lang yung tinitilian ng iba
Magaling naman kasi lahat tayo
Sa iba’t –ibang paraan nga lamang ito

Kung tutuusin mas magaling pa tayo sa iba
Iba nga lang din ang kapalaran niya
Tao lang rin naman siya
Kumikilos at nabubuhay na kapareha

Wag sana nating maliitin ang sarili
Mahalin ito at ipagmalaki
Mapalad ka sa katayuan mo
Wag ikumpara ang sarili sa ibang tao

Lahat tayo’y may sariling kinang
Wag hayaang takot at pangamba’y humarang
Sa pagniningning mong parang  bituin
Pakislapin ang sarili’t pangarap ay abutin


Adik  Ito!

Pag sa isang bagay ba ika’y nasarapan
Hindi mo na ba ito titigilan?
Hihinahon ka pa kaya?
Kung sa buhay mo ito’y mawawala

Hahanap-hanapin mo ba ito?
At kalilimutan ang limitasyon mo
Makakapagpigil ka pa kaya?
Kung ang laway mo’y tumutulo na parang luha

Iba-iba man tayo ng pagkatao
May mga tanong pa rin sa isip ko
Kung bakit ba sa mundong ito
Parang walang kontrol ang mga tao

Yung tipong alam mo na na mali
Isisiksik pa rin sa sulok at ikukubli
Ang mga maling bagay na nagpapasarap
At sumisira din naman sa iyong pangarap

Di naman sa nagmamalinis ako
Pero bakit ba kasi nagpapakatanga tayo
Pwede namang iayon ang lahat sa tama
Nang buhay natin ay guminhawa

Hawak mo ang isip mo
Patakbuhin mo sa tama ito
Wag ng ipagpabukas pa
Simulan mo na habang maaga

Huwebes, Abril 10, 2014

Oh hooh oh oh hooh oh!

Bakit kasi inimpluwensyahan mo ko
Ayan tuloy nagsusulat na naman ako
Napupuyat kada gabi
Nagsasalita kahit walang masabi

Naging nocturnal na naman ako
Hindi makatulog dahil sa bisyo
Ang bisyong pagiisip
Na naipagpapatuloy hanggang sa panaginip

Hinidi ko mapigilan ang mga salita
Labas ng labas kahit ayaw ipakita
Ayaw ko namang pigilan ito
Baka naman sumakit pa ang ulo

Ito na siguro ang baliw days ko
Tipa ng tipa sa tahimik na kwarto
Wala na naman dapat akong sabihin pa
Kaso di mapigilan ang pagtipa

Nagising pa kasi ang pagkatao kong ito
Ako tuloy ang di pinatutulog nito
Dapat sisihin dito ang isang tao
Hay! Kasalanan mo talaga to!