Sabado, Marso 8, 2014

This is it! Pansit!

          Ito ang pagkaing pinaka-inaayawan ng ate ko. Dalawa lang naman ang dahilan nya. Una, dahil sobrang naumay siya dito noong pilit na ipaubos sa aming dalawa ng tita ko ang tira-tirang pansit dahil pinagsabay ang kaarawan naming dalawa. Pangalawa, dahil sa isang alaala na di namin makakalimutan..isa lang sa napakarami naming pinagsamahan..
            Tuwing may handaan sa barangay namin at imbitado ang aming pamilya as usual hindi ako sumasama. Mas gugustuhin kong maiwan sa bahay kasama si tatay. Nakakahiya kasing makisalamuha sa mga taong di ko araw-araw nakakasama kaya ang ending nagpapabalot si nanay para saming dalawa  ni tatay. Minsan paguwi nila nanay galing sa handaan may uwi silang pansit. Siyempre tuwang –tuwa ako at nilagay na ito sa plato para kainin. Ginawa ko ang unang pagsubo at nang papangalawahan ko na may kumuha ng tinidor..si ate pala..
            Sabi ko na lang, “ Anu ba yan kumain na nga kayo dun nakikiagaw pa kayo dito!”  
            Hinawakan niya bigla ang buhok ko at nginudngod ang mukha ko sa plato habang sinasabi, “ Eh di kainin mo!”
            Wow ang sarap ng pansit! Damang –dama ko.Hindi ko nalasahan pero naramdaman. Buong mukha ko ba naman ang kumain eh. Tumulo na lang ang luha ko. Akala ko kasi dati sa mga teleserye lang talaga nangyayari yun, nakakaiyak pala talaga sa totoong buhay. Siyempre sa huli wala ni isa samin ang kumain ng pansit. Natapos ang araw na nasa magkabilang sulok kami ng kwarto at umiiyak. Siya, dahil napagalitan ni tatay sa nangyari. Ako, dahil sa pagkakangudngod at nakokonsensya na rin siyempre. Naisip ko kung hinatian ko kasi si ate hindi siya mapapagalitan ni tatay. Pwede naman kasing magbigay nagdamot pa ko. Mula noon mas natuto pa akong magbigay, lalo na sa mga kapatid ko.
            Kaya ngayon sa tuwing makakakita ako ng pansit ito ang naaalala ko. Natatawa na lang ako. Siyempre super laughtrip pag andyan din yung mga kapatid ko na nakakaalam sa nangyari. Nagrerequest pa silang ireplay namin. AYOKO NGA!  Masyado ng pamilyar ang mukha ko sa lasa ng pansit. J


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento