Miyerkules, Marso 26, 2014

Let's Play! Namiss Ko To! :)

     Isa sa pinakamatamis na parte ng buhay natin ang pagkabata. Wala nang mas sasaya pa sa pakikipaglaro sa mga super-duper-ever-megang-mega na masasayang kalaro mo! Well dahil hindi naman kami pinapayagan lumabas ng bahay sila ang mga kalaro ko, sila ring mga kapatid ko. Ayan kami dati..sila ang mga best buddies ko. Anyway naalala ko lang naman to dahil sa mga kalokohan namin kanina.
     Ang pagiging bata ay ang pinaka "worry free life" dahil wala kang iisipin kung hindi paglalaro. Kaya ang sarap balik-balikan ng parteng ito na konti pa lang ang stressors natin.. baka nga wala pa. Paminsan-minsan nakakatulong ang paglalaro. Bumabalik ang puso natin sa pagkabata at naisasantabi  ang ibang isipin natin sa buhay.  Siyempre andyan na rin ang mga alaala na nagturo satin ng ibat-ibang bagay. Ipinakikilala rin sa atin nito ang ibat-ibang pagkatao ng mga kalaro mo. May mga pikon at ayaw magpatalo..may mga mangiyak-ngiyak na sa sakit..may mga mapaghiganti..at may mga cool lang at nageenjoy sa nangyayari. Nakakatuwa man ang reaksyon nila ipinakikilala nito kung sino sila. Simpleng mga bagay lang ito..pero siguradong mapapahinga ang puso mo. Mapapalitan ng ngiti ang lahat. Hindi ka man manalo o lagi ka mang matalo ang sayang mararamdaman mo ang pupuno dito.
     Hindi na mauulit to kaya sulitin mo! Tara laro ulit tayo! :)
   




2 komento:

  1. hahaha, well ang swerte ko sa laro, at talagang hindi titigil hanggat di ako napapalo...
    nakakatuwa yung mapaghiganti at ayaw patalo, talagang nilulubos ang pagkakataon lols...

    TumugonBurahin
  2. haha :) nakakatawang tignan yung mga itsura nyo..
    para ka ngang tanga pagnaiiwang nakikipagsapalaran eh haha :)

    hindi pa ko nakakaganti sayo..
    may galit ka sakin ah..sama mo!

    bida ka ba eh tagal mataya..

    well fate nating lahat yun..
    kaya tanggap na tanggap ko ang pagkatalo :)

    TumugonBurahin