Hindi ako magaling magkwento pero gusto kong
isalaysay ang buhay ng isang taong malayong-malayo sa tatay ko, pero napahanga
niya ako. Isa siyang taong sa paningin ng mga anak nya ay walang kwentang ama.
Sugarol,mabisyo at walang direksyon ang buhay, yan ang mga deskripsyong
karaniwan kong naririnig sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sumasangayon naman
ako dahil yun din naman talaga ang pinapakita nya,aminado pa nga siya at minsa'y nagyayabang pa. Ganun pa man kahit kailan di
nawala ang respeto ko sa kanya dahil mas nakakatanda siya at hindi kami tinuruan
manghusga ng iba.
“Bakit pa kasi namatay si Tita Au eh dapat si
Daddy na lang”,sabi ng isa sa mga anak niya. Nalungkot man ako sa
narinig wala naman akong nagawa.
Nakakalungkot na manggagaling sa bibig ng sarili mong anak ang mga ganung
salita.
Dumating sa puntong nagbakasyon ng ilang
buwan ang buong angkan nya at naiwan siyang magisa. Naisasama siya o naaalala
pag walang drayber ang pamilya.
Sinubukan kong kausapin ang isa sa mga anak
nya. Puro hinanakit lang ang narinig ko at walang kahit kaunting liwanag sa
isip nya. Wala akong nagawa. Lalo lang akong nanghina.
Kakaunti lang kaming nakakaintindi sa kanya
kaya siguro naisipan nyang lumayo at hanapin ang sarili nya. Ilang buwan siyang
nawala. Nagtatanungan kami ng mga kapatid ko kung asan na sya. Kami lang naman
ata kasi ang may pakialam sa kanya.
Kahapon, natunton na niya ang pinapasukang
trabaho ng kapatid ko. Namimiss nya na daw kaming tatlo. Hindi sya makaalis
dahil stay in sya sa trabaho. Maraming kwento pero isa lang ang pumukaw sa
atensyon ko.
Bago sya umalis nagiwan siya ng sulat sa
kapatid ko. Pakibigay daw sa asawa niyang matagal na niyang di nakikita. At ito
ang nilalaman nito:
“The
mind can easily forget.. but the heart can always remember..
I
love you..
I
miss you ..
I
need you..”
At dito umiyak na kaming tatlo..humanga
ako..mas minahal ko pa ang taong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento