Ok Lang Naman! Sana..
May punto sa buhay kong niloloko ko
ang sarili ko, yung pakiramdam ko ok lang ako pero hindi naman pala. So, wag na
dapat akong magsinungaling stage of
denial to! Naisip ko kasi nung mga nakaraang araw nakikita ko na yung ibang
sintomas ng di pagiging ok..at ito ang iba sa kanila..
1.Paglilinis ng
locker - na
sobrang kinatatamaran ko dahil ang daming tambak na dagdag sakit ulo.
2.Pakikinig sa music nang todo ang volume – minsan nakakabingi na
pero ang sarap sa feeling. Ayokong makarinig ng mga pampa-bad vibes kaya sa mga
sarili kong music na lang.
3. Pagbisibisihan kahit busy naman talaga – Gusto ko busy ako kunwari
para mawaglit ang mga iniisip na nakakastress lang.
4. Pagkanta ng
malakas-
basta nakakalabas kasi ng inis yan..mas maganda nga sana yung makapatid litid
na pag sigaw
5. Magdrowing – nakakatuwa kahapon sa sobrang ewan sa
pakiramdam nakapagdrowing na ko ulit..so happy lang! kaya ko pa pala ang tagal
ko na kasing natigil..
6. Magsulat- ng kung anu-ano.. yung mga
iniisip ko para mabawasan
7. Gumupit - ng kung anu-ano din basta cute nung high
school naging koleksyon ko yung mga pinaggugupit ko na ginagamit ko sa scrap
book ko..
8. Tumulala – ng ilang minuto para
maipahinga ang utak..
9. Magbasa – ng kung anu-ano na
makapag-papagaan sa loob ko..yung nakakainspire..yung magpapatawa sakin..buti
na lang marami dyan sa tabi-tabi..
10. Kaskasin ang gitara ng malakas – isa to sa pinakadabest
gawin..siyempre pag magisa ka lang sa kwarto..yung napipigtas-pigtas na yung
string ng gitara sa lakas..
11. Tumingin ng
seryoso sa salamin
- na kinakausap ang sarili at tinatanong kung anung nararamdaman
ko..naipapakita naman nito..lalo na pag nakatitig ako sa mga mata ko..
Alam ko naman napansin ko na
din matagal na..ito ang paraan ko para makatakas sa kung anu mang bumababagabag
o gumugulo sa kakaunti kong pagiisip. Ayoko lang magisip nakakapagod na..pwede
namang maging masaya..magpakapagod..at matulog na…bukas na naman ay umaga…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento