Naisip ko lang maraming taong bulag,
minsan ako rin naman. Pero bulag tayo sa iba’t-ibang paraan.
§
Una,
pagbubulag-bulagan kahit alam mo naman at nararamdaman. Todo deny ka lang at niloloko
ang sarili.
§
Pangalawa,
bulag talaga. As in hindi makakita, walang alam at wala sa isip. Wala
ding pakiramdam.
§
Pangatlo,
bulag na feeling nakakakita hindi naman
pala. Akala niya alam niya hindi naman pala.
§
Pangapat,
may bulag din sa sariling paniniwala. May mga sariling imahe siyang nakikita.
Pansarili lang ang lahat, yung iba nawawala na sa paningin nya.
§
Panglima,
ang nakakakita ng lahat pero siya ang di nakikita. Magbubulag-bulagan na lang
siya kasi no choice na.
-
May
mga bagay talagang mas nakikita ng puso..hindi ng mga mata..
The best and most beautiful things in the world
cannot be seen or even touched - they must be felt with the heart. –
Helen Keller
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento