Sabado, Marso 22, 2014

Panzolito Magnifico

                Takbo dito, takbo doon. Nakakalat na mga papel kung saan-saan. Basag na bintana. Sirang pinto. Mga normal na senaryo sa klasrum ko na minsan pa nga’y may bonus pang asaran at sapakan, pangbubully at kung anu-ano pa.

            Ilang lingo lang ang nakalipas matapos ang unang araw ng pasukan, tuluyan ng nawalan ng hiya ang mga anak-anakan ko nagtatatakbo at kung anu-anung ginagawa sa kwarto. Ito ang ordinaryong araw ko at larawan sa paningin ko. Nakakapagtaka lang nang isang araw  ang top 1 ko sa kakulitan ay nasa labas ng kwarto at malayo ang tingin. Nilapitan ko siya at tinanong.
“Bakit Panzo?”  Wala lang naman siyang nakita o narinig at pumasok sa kwarto.
            Makalipas ang ilang minuto lumapit sakin ang isang anak ko at ibinigay ang sulat na to.

Sa harap ng papel..



At sa likod nito..



       "Maam minusan nyo na ko total pang extra lang ako sa room na ito parang hangin ang gusto ko ay lahat ng papagawa niyo sa amin minusan mo ako at ibigay mo sa akin sa card ay “75” ayos na maam. Masaya na akong maging hangin."

              Siyempre alam ko na. Alam ko na na may problema. Nalungkot ako pero natuwa dahil nagawa nya ang sulat na to. Nailabas nya kung anung nararamdaman nya. Pero iniisip ko pa din yung pinagdadaanan niya kung bakit may ganung bagay sa isip niya. Sumulat ako pero nakalimutan ko na kung anung eksaktong nilagay ko ang natatandaan ko lang sinabi ko yung sayang naidudulot nya sa mga klasmeyt nya. Ipinaabot ko to sa delivery boy nya. Nasilip ko namang binasa nya at ibinulsa.
            Sa totoo lang kakaiba siya di naman siya bastos tulad ng iba hilig nya lang talagang magtatakbo at gumawa ng mga bagay na malilibang niya ang sarili nya. Minsan drinowing nya pa yung klasrum namin at sa architectural design nya napakalaki ng space sa likod at may label na “PLAYGROUND.” Tuwang-tuwa yung mga kaeskwela nya ng makita yun. Mahilig siyang magdrowing ng mga dragon at mga taong nagaaway-away. Hindi siya pala recite pero pagtinawag may maisasagot. May kakaiba siyang talino malalim kasi siya magisip. Hindi literal ang mga bagay sa kanya kahit bata pa siya. Kaya nga tinitignan ko lagi ang mga mata nyang nangungusap. Nakikipagsuntukan siya lagi nagiingay at kung anu-ano pa. Batang-bata talaga.
            Minsan ang topic namin sa English ay “Symbolism” kaya naisip kong ipadrowing sa kanila ang simbolo ng kanilang “JOY at ANGER” at dito mas naging malinaw ang lahat.


              
JOY: I'm happy because we are together loving each other.
ANGER: I'm sad because we broke up together and never to be come back.

                Maiyak-iyak na ko nung nabasa ko to. Mas lalo ko pa siyang naintindihan at minahal. Pinatawag ko yung mga magulang niya dahil na din sa napakaraming kaso niya  wala namang pumunta. Isa ito sa dahilan kung bakit masaya ako sa pagiging guro ko, dahil sa mga buhay ng mga batang nasasaksihan ko. 

2 komento:

  1. Nakakatuwa na nakakaiyak.
    Ituro mo sa akin si Panzo bukas, parang hindi ko pa siya nakikita :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nung pinipicturan ko nga nakita ni mae..nakwento ko tuloy umiyak din ang bruha haha :)

      naituro ko na sayo yan naipakita ko pa nga yung sulat eh..baka nakalimutan mo lang..

      kamukha siya ni aidan :)

      Burahin