Huwebes, Marso 27, 2014

Listen..



I was swept away
Without a warning
Like night when the morning begins the day
I was swept away


     Wala namang masyadong epekto ang musika sa akin..wala naman talaga..yan..yang lalaki diyan hindi naman siya kagalingan sa pagkanta..ni hindi man lang tumatagos sa puso yung boses niya..mahinang klase..hindi lang naman ako pinatulog ng mga ganitong tao..paulit-ulit kong pinapakinggan yung mga kanta niya sa soundcloud..hay! hindi man lang ako narelaks..medyo konting himatay lang..para lang naman akong pinana sa puso..yung parang gusto mo ng humimlay forever at makinig na lang..hay kaya ayokong may naririnig na bago napupuyat ako..
     Ang pinakasexy sa lalaki ay ang mga mata nito..yung nagsasabi ng totoo..ang ngiti..yung kakaiba..saka da best ang boses..yung nakakamatay..yung nakakaspeechlees na mapapabuntong-hininga ka na lang..hindi ko na maexpress pa..wooh! I don't know how to sleep now! 
         Ang sarap makinig sa boses ng mga taong di mo kilala..naniniwala kasi akong "Music is the language of the soul" so parang pag nakarinig ako ng ibang boses ng ibang taong kumakanta ipinapakilala sakin ng taong yun yung kaluluwa nya ang buong pagkatao niya..haha at sinasabing "Hi! Ako to!" at dun ko mas nakikilala pa ang isang tao sa natatanging paraan..

          Well I enjoyed listening to these videos..nakakapuyat..panuorin nyo pa yung iba nilang kanta..ang astig..iba't-ibang personalities..


                 
       Siguro naman makakatulog na ko..I wish..goodnight :)

Miyerkules, Marso 26, 2014

Let's Play! Namiss Ko To! :)

     Isa sa pinakamatamis na parte ng buhay natin ang pagkabata. Wala nang mas sasaya pa sa pakikipaglaro sa mga super-duper-ever-megang-mega na masasayang kalaro mo! Well dahil hindi naman kami pinapayagan lumabas ng bahay sila ang mga kalaro ko, sila ring mga kapatid ko. Ayan kami dati..sila ang mga best buddies ko. Anyway naalala ko lang naman to dahil sa mga kalokohan namin kanina.
     Ang pagiging bata ay ang pinaka "worry free life" dahil wala kang iisipin kung hindi paglalaro. Kaya ang sarap balik-balikan ng parteng ito na konti pa lang ang stressors natin.. baka nga wala pa. Paminsan-minsan nakakatulong ang paglalaro. Bumabalik ang puso natin sa pagkabata at naisasantabi  ang ibang isipin natin sa buhay.  Siyempre andyan na rin ang mga alaala na nagturo satin ng ibat-ibang bagay. Ipinakikilala rin sa atin nito ang ibat-ibang pagkatao ng mga kalaro mo. May mga pikon at ayaw magpatalo..may mga mangiyak-ngiyak na sa sakit..may mga mapaghiganti..at may mga cool lang at nageenjoy sa nangyayari. Nakakatuwa man ang reaksyon nila ipinakikilala nito kung sino sila. Simpleng mga bagay lang ito..pero siguradong mapapahinga ang puso mo. Mapapalitan ng ngiti ang lahat. Hindi ka man manalo o lagi ka mang matalo ang sayang mararamdaman mo ang pupuno dito.
     Hindi na mauulit to kaya sulitin mo! Tara laro ulit tayo! :)
   




Martes, Marso 25, 2014

There's a Blue Sky Waiting For Us!



Hale

When do stars fade their light?
Does the moon and the sun make it right
For you the world maybe
Like an endless storm chasing a mystery

Is there hate in your heart?
Does your body drop and tell you to stop
Loving you or loving me
When it all falls down you just sing with me

Chorus:
Coz there's a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it’s all we need

Oh don't you wash away that smile
You just look out the window and see the light
It's beautiful to be alive
It’s wonderful to live a life

The sun is sure to shine
For you and me for everyone
So don't be sad it’s just the start
Of a new beginning in your life

Rain will keep on pouring
Some things you can’t control
And while the sun seems far and hard to hold
It will unfold

There will always be a blue sky
A blue sky waiting tomorrow full of hope
yeah, full of hope yeah..




Lunes, Marso 24, 2014

What's Bad About Being Good?

         

          What's bad about being good?!? ..Let me tell you.. 
        Many people would say that they hate being the way they were. Wearing their usual self. Being common. Living a typical life. Being a mediocre. An average person. Sometimes I'm feeling the same way too, but somehow I came to a point where I would ask myself what's wrong with me? And I really can't answer that question for I'm happy by just being me. Doing the things I love. Being blessed with the things I have. Living the life I wanted. Having the best persons in my life. Then, I realized I couldn't ask for more. I am living the best way I can. I may not be that person who's exceptionally good in different aspects of life but I am a mediocre being the best me. Well, this made me feel great! 
          
          What's bad about being good?..it's when you can be the best! :) 

Sabado, Marso 22, 2014

Panzolito Magnifico

                Takbo dito, takbo doon. Nakakalat na mga papel kung saan-saan. Basag na bintana. Sirang pinto. Mga normal na senaryo sa klasrum ko na minsan pa nga’y may bonus pang asaran at sapakan, pangbubully at kung anu-ano pa.

            Ilang lingo lang ang nakalipas matapos ang unang araw ng pasukan, tuluyan ng nawalan ng hiya ang mga anak-anakan ko nagtatatakbo at kung anu-anung ginagawa sa kwarto. Ito ang ordinaryong araw ko at larawan sa paningin ko. Nakakapagtaka lang nang isang araw  ang top 1 ko sa kakulitan ay nasa labas ng kwarto at malayo ang tingin. Nilapitan ko siya at tinanong.
“Bakit Panzo?”  Wala lang naman siyang nakita o narinig at pumasok sa kwarto.
            Makalipas ang ilang minuto lumapit sakin ang isang anak ko at ibinigay ang sulat na to.

Sa harap ng papel..



At sa likod nito..



       "Maam minusan nyo na ko total pang extra lang ako sa room na ito parang hangin ang gusto ko ay lahat ng papagawa niyo sa amin minusan mo ako at ibigay mo sa akin sa card ay “75” ayos na maam. Masaya na akong maging hangin."

              Siyempre alam ko na. Alam ko na na may problema. Nalungkot ako pero natuwa dahil nagawa nya ang sulat na to. Nailabas nya kung anung nararamdaman nya. Pero iniisip ko pa din yung pinagdadaanan niya kung bakit may ganung bagay sa isip niya. Sumulat ako pero nakalimutan ko na kung anung eksaktong nilagay ko ang natatandaan ko lang sinabi ko yung sayang naidudulot nya sa mga klasmeyt nya. Ipinaabot ko to sa delivery boy nya. Nasilip ko namang binasa nya at ibinulsa.
            Sa totoo lang kakaiba siya di naman siya bastos tulad ng iba hilig nya lang talagang magtatakbo at gumawa ng mga bagay na malilibang niya ang sarili nya. Minsan drinowing nya pa yung klasrum namin at sa architectural design nya napakalaki ng space sa likod at may label na “PLAYGROUND.” Tuwang-tuwa yung mga kaeskwela nya ng makita yun. Mahilig siyang magdrowing ng mga dragon at mga taong nagaaway-away. Hindi siya pala recite pero pagtinawag may maisasagot. May kakaiba siyang talino malalim kasi siya magisip. Hindi literal ang mga bagay sa kanya kahit bata pa siya. Kaya nga tinitignan ko lagi ang mga mata nyang nangungusap. Nakikipagsuntukan siya lagi nagiingay at kung anu-ano pa. Batang-bata talaga.
            Minsan ang topic namin sa English ay “Symbolism” kaya naisip kong ipadrowing sa kanila ang simbolo ng kanilang “JOY at ANGER” at dito mas naging malinaw ang lahat.


              
JOY: I'm happy because we are together loving each other.
ANGER: I'm sad because we broke up together and never to be come back.

                Maiyak-iyak na ko nung nabasa ko to. Mas lalo ko pa siyang naintindihan at minahal. Pinatawag ko yung mga magulang niya dahil na din sa napakaraming kaso niya  wala namang pumunta. Isa ito sa dahilan kung bakit masaya ako sa pagiging guro ko, dahil sa mga buhay ng mga batang nasasaksihan ko. 

Martes, Marso 18, 2014



Sana Sinabi Nyo..

Tao lang din naman ako
Na katulad lang ninyo
Oo nga nagkakamali ako
Pero sana sabihin nyo

Ayokong itinatago sa akin
ang katotohanan
Handa naman akong tumanggap
at wag lumaban

Pinalaki naman akong
sinasabihan ng totoo
Bat kailangang ilihim  nyo
Mas nasasaktan ako

Akala ko naman ok lang
Ngumingiti pa nga kayo na parang wala lang
Kung sana'y sinabi nyo
Eh di sana nasolusyunan ko

Matagal na pala
Bat naman ginawa nyo kong tanga
Binabati ko pa kayo tuwing umaga
Kaya pala may nararamdaman na kong iba

Malaki kasi ang respeto ko sa inyo
Kaya ako nagkakaganito
Kaya ko namang magadjust para sa inyo
Sana lang talaga sinabi nyo..


8:10- 8:15 am
March 19,2014
Pope Pius


Lunes, Marso 17, 2014

Shine Bright Like Her :)


          "Shine bright like a diamond
                                   We’re beautiful like diamonds in the sky "

         May kakaibang epekto sa akin ang mga taong katulad niya..sya na may kakaibang ngiti at kumikinang ang mga mata..isa sa mga taong nagniningning sa sarili niyang paraan..isa sya sa mga batang nagpakilabot sakin..nagpakita ng katangi-tanging galing..mararamdaman mo ang puso niya sa pagkanta..at pagmamahal sa ginagawa niya..yan siguro ang susi upang lumigaya..


              

Sabado, Marso 15, 2014

Sabi ni Tatay...

          Napatingin ako sa buwan kanina..namangha ako at napatitig sa kakaibang ningning ng mga bituin sa paligid nito, parang mga bata na ginagabayan ng isang pagkalakas-lakas na tao. Siyempre tatay ko ang naalala ko. Marami kasi akong natutunan sa buhay dahil sa kanya. Iminulat niya ako sa iba't - ibang bagay.
Sabi nga ni Tatay..

     1. Lagyan o samahan mo ng pagmamahal ang lahat ng mga bagay na ginagawa mo. Ikaw kasi ang unang magmamahal sa sarili mo at unang tatanggap dito. Saka sigurado daw na lahat ng mga bagay na gagawin mo ng may pagmamahal walang duda maganda ang kakalabasan. Super agree! Kaya kahit pagkapangit-pangit ng gawa ko basta alam kong I made it  with love naaappreciate ko na. 

2. Huwag magsumbatan. Huwag magbilangan. Di kasi maiiwasan na sa mga bagay na gagawin natin, yun bang mga pinagpaguran ay isumbat sa iba. Kaya nga pag nagaaway-away na kami dati sa mga gawaing bahay si tatay ang gagawa at mahihiya na lang kami. Sasabihin na lang niya yung linya niya na wag na kayong magturuan yung mga bagay na ginagawa nyo wag nyong isumbat. Dapat gawin ang mga bagay na may kusang loob, walang pagaalinlangan.

3. Magmahalan kayo. Sa tuwing may tampuhan kaming magkakapatid sasabihin ni tatay kayo-kayo na lang magkakapatid magaaway pa kayo. 

4. Maganda ka. Maniwala ka. haha :) Kaya kahit ano pang sabihin ng iba alam ko at alam ng mga kapatid kong katangi-tangi ang bawat isa sa amin. Hindi kasi nagkulang sila tatay na iparamdam kung gaano kami kahalaga. 

5. May dahilan ang bawat nangyayari. Kung may nangyayari man sayo ngayon may dahilan yan. Mas malaking dahilan higit pa sa inaakala mo.

6. Lahat may kabutihan. Kahit pa siguro pagkasama-samang tao may kakaunting kabutihan. Kaya sabi ni Tatay lagi naming tignan yung mga mabubuting bagay na ginawa samin hindi yung masama.

7. Wag magtanim ng sama ng loob. Sabi niya kami rin naman ang magdadala nun. Kanya-kanya nating burden kung sakaling magtanim tayo ng sama ng loob.

8. Pag wala, wala. Pag meron, meron. Makontento daw kami  kung anung meron kami. Pahalagahan ang mga bagay na  nasa  amin.

9. Maging masaya ka. Kung anu daw ang magpapasaya samin gawin namin basta alam namin ang limitasyon.

10. Magpakatotoo ka. Walang masama sa pagpapakita ng tunay na sarili.

           Tumawag minsan sila nanay at pinakausap sakin si Tatay. Sabi niya, " Oh kamusta na kayo dyan?" Gusto ko sanang magsumbong kaso ayokong dumagdag sa mga iniisip niya. Sabi ko ok lang kahit na naiiyak na ko dahil sakto yung tawag nila nanay dahil marami akong iniisip. Hindi ko alam pero alam kong kahit malayo nararamdaman kami ni Tatay. Isa sa mga itinuturin kong hiwaga ng buhay.
          Si Tatay ang buwan sa buhay namin ang nagbibigay liwanag at gumagabay sa aming mga bituin. Siya ang nagpapakinang samin gabi-gabi. Ang nagbibigay liwanag sa madidilim na parte ng buhay namin. Kaya basta sabi ni tatay..susundin namin dahil siya ang aming gabay..

Biyernes, Marso 14, 2014

Ok Lang Naman! Sana..

                                                     Ok Lang Naman! Sana..

            May punto sa buhay kong niloloko ko ang sarili ko, yung pakiramdam ko ok  lang ako pero hindi naman pala. So, wag na dapat akong magsinungaling stage of denial to! Naisip ko kasi nung mga nakaraang araw nakikita ko na yung ibang sintomas ng di pagiging ok..at ito ang iba sa kanila..
1.Paglilinis ng locker - na sobrang kinatatamaran ko dahil ang daming tambak na dagdag sakit ulo.
2.Pakikinig sa music nang todo ang volume – minsan nakakabingi na pero ang sarap sa feeling. Ayokong makarinig ng mga pampa-bad vibes kaya sa mga sarili kong music na lang.
3. Pagbisibisihan kahit busy naman talaga – Gusto ko busy ako kunwari para mawaglit ang mga iniisip na nakakastress lang.
4. Pagkanta ng malakas- basta nakakalabas kasi ng inis yan..mas maganda nga sana yung makapatid litid na pag sigaw
5.  Magdrowing – nakakatuwa kahapon sa sobrang ewan sa pakiramdam nakapagdrowing na ko ulit..so happy lang! kaya ko pa pala ang tagal ko na kasing natigil..
6. Magsulat- ng kung anu-ano.. yung mga iniisip ko para mabawasan
7. Gumupit -  ng kung anu-ano din basta cute nung high school naging koleksyon ko yung mga pinaggugupit ko na ginagamit ko sa scrap book ko..
8. Tumulala – ng ilang minuto para maipahinga ang utak..
9. Magbasa – ng kung anu-ano na makapag-papagaan sa loob ko..yung nakakainspire..yung magpapatawa sakin..buti na lang marami dyan sa tabi-tabi..
10.  Kaskasin ang gitara ng malakas – isa to sa pinakadabest gawin..siyempre pag magisa ka lang sa kwarto..yung napipigtas-pigtas na yung string ng gitara sa lakas..
11. Tumingin ng seryoso sa salamin - na kinakausap ang sarili at tinatanong kung anung nararamdaman ko..naipapakita naman nito..lalo na pag nakatitig ako sa mga mata ko..

Alam ko naman napansin ko na din matagal na..ito ang paraan ko para makatakas sa kung anu mang bumababagabag o gumugulo sa kakaunti kong pagiisip. Ayoko lang magisip nakakapagod na..pwede namang maging masaya..magpakapagod..at matulog na…bukas na naman ay umaga…

Linggo, Marso 9, 2014

This Is What I'm Feeling Right Now!

          What's annoying about myself is that there's a time when I don't want to do anything. I am so lazy that I hate myself for being like this stupid unproductive person. I'm supposed to be doing a lot of paper works today but I ended up singing and recording my voice all through out the day. I can't help it.I hate seeing myself like this, acting like a child and not considering the things that I must be doing. 
          I miss being a child! Having my parents here beside me and telling me what to do. I miss having someone who pushes me to do everything I need to do..someone who will tell me that I should do this and that..someone who can give me a lift..someone who can show me the things that I'm capable of doing..someone who trusts me..that I can do great things..
         Where are you now?!?
          I'm already here! 

          The best part is I really love myself..and I'm trying to get out of this feeling! So bye for now..I realized that I should stop acting like this.. there are so many things to do..and this seems to be a waste of time though it really helps me..its a great day but an unproductive one..

- You can do it! I know you can! Just don't sleep!


         

Sabado, Marso 8, 2014

Makrema Talaga :)


            Hindi naman ako mukhang katiwa-tiwala pero dahil maaga akong pumasok nung nasa  elementarya pa ako, kaya ako ang tagahawak ng susi ng room namin. Grade six ako noon, lagi akong huling umuuwi at unang pumapasok.
Naging teacher’s pet ako dahil sa pagiging early bird ko. Kaya kung may gagawin man ang adviser ko na si Ma’am Crema napapatulong ako ng di oras. Taga-rewrite ako ng mga sinusulat niya na ibinibigay niya sa principal namin. Tuwang-tuwa ata siya sa cursive handwriting ko o baka tinatamad lang, kasi pati Form 137 namin ako na ang nagsusulat kahit na napakaimportante nun.  Siyempre proud na proud naman ako kahit masakit na ang mga kamay ko.
Sabi niya pa “Wag kang magtiteacher ah alam mo na yung mga gawain!” Hindi ko man pinangarap nandito na rin ako ngayon. Marami pa kaming pinagsamahan kaya mas minahal ko pa siya hindi lang bilang isang guro kung hindi isang ina na rin. Nahilig ako sa Science at English dahil magaling siyang magturo. Nasa utak ko pa yung luma niyang chart na may drowing ng “Circulatory System” kaya pag dating ko ng high school interesado na ko sa biology alam na alam ko na kasi kung paano gumagana ang puso ko.Competent talaga siyang teacher siya pa nga ang may hawak ng school paper namin kaya madami talaga siyang ginagawa. Marami akong natutunan sa kanya.
May isang araw na aligaga siya sa mga gawain. Kaya ipinadikta niya sa akin yung answer key ng isang mahabang exam na puro letra lang naman. Nakakunot talaga ang noo niya. Noon ko lang siya nakitang ganoon kasungit. Nang simulan ko na ang pagdidikta ng mga sagot nabubulol ako sa takot. Nanginginig pa nga ang aking mga tuhod. Sa bawat mali kong pagdikta sorry ako ng sorry sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw..
 “Anu ba! Nasa honor ka ba talaga o kabisote ka lang!”
Wala na tumulo na..tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ngayon lang ako nasigawan ng isang guro. Iniwan ko ang susi at umuwi. Hindi na ko pumasok kinabukasan.Hindi ko na maalala kung paano kami nagkabati. Ang alam ko lang sumama talaga ang loob ko paborito ko kasi siya. Alam ko namang nararamdaman niya.
Bumalik naman kami sa dati. Naging mas matibay pa nga ang samahan namin. Alam na alam ko ang kwento ng buhay niya na lagi niyang ikinukwento pagdalawa na lang kami. May isa siyang anak at wala na ang kanyang asawa. Namatay daw dahil sa komplikasyon sa kidney. Mas lalo ko pa siyang hinangaan ng nalaman kong dinonate niya ang isa niyang kidney para sa asawa niya. Nakakalungkot  na namatay din ito makalipas ang isang taon. Ganoon siya katapang. Isa siya sa mga taong tinitingala ko.Kaya nga kahit high school na ko tuwing June 24 bumabalik ako sa kanya para batiin siya sa kaarawan niya.
Pagnahihirapan ako sa mga gawain ko ngayon iniisip ko siya. Kung gaano siya katatag sa mga nangyari sa kanya. Iniisip ko na lang na maliit pa yung mga problema ko. Marami pa kong mararanasan. Marami pa kong batang matuturuan. Isang mahaba pang pakikipagsapalaran.
Nakakatuwang sa paglalakbay ko may nagpakrema dito..ang nagpaputi sa kape ko..nagpasarap..nagpaliwanag sa isip ko..
-       Namiss ko si Maam Daisy Bago Crema. Nakikibalita nga daw siya kay nanay nagulat nang malamang naging teacher din ako.

-       Epekto iyo ng dalawang tasang kape. Sana makatulog na ko. Goodluck! 

Bulag Ka Ba? Sana Ika’y Makakita


            Naisip ko lang maraming taong bulag, minsan ako rin naman. Pero bulag tayo sa iba’t-ibang paraan.
§  Una, pagbubulag-bulagan kahit alam mo naman at nararamdaman. Todo deny ka lang at niloloko ang sarili.
§  Pangalawa, bulag talaga. As in hindi makakita, walang alam at wala sa isip. Wala ding pakiramdam.
§  Pangatlo, bulag  na feeling nakakakita hindi naman pala. Akala niya alam niya hindi naman pala.
§  Pangapat, may bulag din sa sariling paniniwala. May mga sariling imahe siyang nakikita. Pansarili lang ang lahat, yung iba nawawala na sa paningin nya.
§  Panglima, ang nakakakita ng lahat pero siya ang di nakikita. Magbubulag-bulagan na lang siya kasi no choice na.

-          May mga bagay talagang mas nakikita ng puso..hindi ng mga mata..

            The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched - they must be felt with the heart. – Helen Keller

This is it! Pansit!

          Ito ang pagkaing pinaka-inaayawan ng ate ko. Dalawa lang naman ang dahilan nya. Una, dahil sobrang naumay siya dito noong pilit na ipaubos sa aming dalawa ng tita ko ang tira-tirang pansit dahil pinagsabay ang kaarawan naming dalawa. Pangalawa, dahil sa isang alaala na di namin makakalimutan..isa lang sa napakarami naming pinagsamahan..
            Tuwing may handaan sa barangay namin at imbitado ang aming pamilya as usual hindi ako sumasama. Mas gugustuhin kong maiwan sa bahay kasama si tatay. Nakakahiya kasing makisalamuha sa mga taong di ko araw-araw nakakasama kaya ang ending nagpapabalot si nanay para saming dalawa  ni tatay. Minsan paguwi nila nanay galing sa handaan may uwi silang pansit. Siyempre tuwang –tuwa ako at nilagay na ito sa plato para kainin. Ginawa ko ang unang pagsubo at nang papangalawahan ko na may kumuha ng tinidor..si ate pala..
            Sabi ko na lang, “ Anu ba yan kumain na nga kayo dun nakikiagaw pa kayo dito!”  
            Hinawakan niya bigla ang buhok ko at nginudngod ang mukha ko sa plato habang sinasabi, “ Eh di kainin mo!”
            Wow ang sarap ng pansit! Damang –dama ko.Hindi ko nalasahan pero naramdaman. Buong mukha ko ba naman ang kumain eh. Tumulo na lang ang luha ko. Akala ko kasi dati sa mga teleserye lang talaga nangyayari yun, nakakaiyak pala talaga sa totoong buhay. Siyempre sa huli wala ni isa samin ang kumain ng pansit. Natapos ang araw na nasa magkabilang sulok kami ng kwarto at umiiyak. Siya, dahil napagalitan ni tatay sa nangyari. Ako, dahil sa pagkakangudngod at nakokonsensya na rin siyempre. Naisip ko kung hinatian ko kasi si ate hindi siya mapapagalitan ni tatay. Pwede naman kasing magbigay nagdamot pa ko. Mula noon mas natuto pa akong magbigay, lalo na sa mga kapatid ko.
            Kaya ngayon sa tuwing makakakita ako ng pansit ito ang naaalala ko. Natatawa na lang ako. Siyempre super laughtrip pag andyan din yung mga kapatid ko na nakakaalam sa nangyari. Nagrerequest pa silang ireplay namin. AYOKO NGA!  Masyado ng pamilyar ang mukha ko sa lasa ng pansit. J


Huwebes, Marso 6, 2014

Minsan...


            Minsan ayokong maglabas ng nararamdaman sa iba..alam ko kasing di nila ako maiintindihan..kakaunting tao lang kasi ang nakakaintindi sakin..mga nasa malayo pa..yung iba malapit nga pero malayo naman haha..ang ironic ng buhay..
            Minsan yung akala mong di ka maiintindihan yun pa pala yung makakaintindi sayo..
            Minsan akala mo mabigat yun pala magaang lang..pinabibigat mo lang..
       Minsan akala mo di ka niya maiintindihan yun pala..sobrang naiintindihan ka niya..pareho pa pala kayo ng iniisip..
            Minsan wala sa itsura..kasi laging nasa puso lang pala..nakakatakot lang talaga ang itsura nya..haha J pero may nasasabi siyang maganda..
            Minsan parang ok siya hindi naman pala..
           
            Minsan akala mo minsan lang pero palagi na naman pala.. pero gaano nga ba kadalas ang minsan?           

            a. paminsan-minsan
            b. minsan lang
            c. palagi

            Minsan para kang tanga yun pala hindi lang minsan araw-araw pala..haha J
Minsan lang to kaya pagbigyan nyo haha :) What a day!  
           


           


            

Ang Sulat

Hindi ako magaling magkwento pero gusto kong isalaysay ang buhay ng isang taong malayong-malayo sa tatay ko, pero napahanga niya ako. Isa siyang taong sa paningin ng mga anak nya ay walang kwentang ama. Sugarol,mabisyo at walang direksyon ang buhay, yan ang mga deskripsyong karaniwan kong naririnig sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sumasangayon naman ako dahil yun din naman talaga ang pinapakita nya,aminado pa nga siya at minsa'y nagyayabang pa. Ganun pa man kahit kailan di nawala ang respeto ko sa kanya dahil mas nakakatanda siya at hindi kami tinuruan manghusga ng iba.
“Bakit pa kasi namatay si Tita Au eh dapat si Daddy na lang”,sabi   ng isa sa mga anak niya. Nalungkot man ako sa narinig  wala naman akong nagawa. Nakakalungkot na manggagaling sa bibig ng sarili mong anak ang mga ganung salita.
Dumating sa puntong nagbakasyon ng ilang buwan ang buong angkan nya at naiwan siyang magisa. Naisasama siya o naaalala pag walang drayber ang pamilya.
Sinubukan kong kausapin ang isa sa mga anak nya. Puro hinanakit lang ang narinig ko at walang kahit kaunting liwanag sa isip nya. Wala akong nagawa. Lalo lang akong nanghina.
Kakaunti lang kaming nakakaintindi sa kanya kaya siguro naisipan nyang lumayo at hanapin ang sarili nya. Ilang buwan siyang nawala. Nagtatanungan kami ng mga kapatid ko kung asan na sya. Kami lang naman ata kasi ang may pakialam sa kanya.
Kahapon, natunton na niya ang pinapasukang trabaho ng kapatid ko. Namimiss nya na daw kaming tatlo. Hindi sya makaalis dahil stay in sya sa trabaho. Maraming kwento pero isa lang ang pumukaw sa atensyon ko.
Bago sya umalis nagiwan siya ng sulat sa kapatid ko. Pakibigay daw sa asawa niyang matagal na niyang di nakikita. At ito ang nilalaman nito:

“The mind can easily forget.. but the heart can always remember..
I love you..
I miss you ..
I need you..”

            At dito umiyak na kaming tatlo..humanga ako..mas minahal ko pa ang taong ito.