Sabado, Mayo 31, 2014

Lalong Tumatagal..Mas Sumasarap..       
Nung mga nakaraan araw talaga naging duwag ako. Itinago ko ang sarili ko sa mga libro at mga pelikulang nagpapakalimot sakin ng lahat. Wala rin namang saysay. Tumakbo lang ako at tinalikuran ang lahat. Wala din namang nabago. Ganun po din naman ang nararamdaman ko. Nagbabasa ko para makalimot. Nanunuod ng kung anu-ano para sa gabing di ako makatulog sa mga iniisip ok lang kasi may pinapanuod ako nawawaglit lahat ng iniisip. Pero “It’s not working!” naalala ko minsan sabi yan ng isang pari.
            Kaya rin ginusto kong hindi magsulat kasi ayokong mabasa yung mga saloobin ko. Baka dumagdag din kasi sa hirap na dinadala. Ganun din pala di ko lang nailalabas, napupuno. Di ko makanta yung “Oh yes I’m a great pretender..” kasi di ko kaya. Ang hirap magsinungaling sa sarili. Nagmamatigas kahit di naman. Habang naliligo ako minsan gusto ko ng umiyak kaso walang tumutulong luha. Sabi ko pati luha ko nagyayabang na din na kaya ko. Nakalimutan ko na hindi lahat ng matapang kinakaya lahat. Pwede ring tanggapin ang pagsuko.. mas magaang. Acceptance lang naman pala bakit pa kinailangan ko pa magdrama.
            Sabi ni Brida dun sa binabasa kong gawa ni Paulo Coelho nasa sa atin na kung pipiliin nating snakes and scorpions o strong protecting force ang nakapaligid sa atin. Sa huli choice natin lahat. Ang buhay parang Dark Night unexpected lahat kailangan lang nating maniwala sa kabila ng dilim nating nakikita. Sa maliit na paraan na yun mapapamper natin ang sarili nating ok ang lahat. When you are at your weakest and lowest point you have no choice but to stand  up! Wala ka na rin naman kasing pupuntahan pa nasa baba ka na eh ang possibility na lang ay umangat ka.
            Pag gising ko kanina..  napangiti ako ng maisip kong “ Mabuburo na ata ko kakaantay.” Then a sudden thought came, “ Masarap ang buro habang tumatagal.”  Naalala kong sabi ni Tita Malou. Oo nga naman hindi lahat ng tumatagal nasisira, napapanis o nabubulok yung iba sumasarap. Gusto kong maging alak o kaya adobo habang tumatagal sumasarap. Mas nagiging better. So I’ll just need to be better.
We are not worthy of the things we have but we should make ourselves worthy of something! Nakakahiya naman sa ibang blessings na bigay Niya if we are going to be a loser. So tayu-tayo din pag may time. Di pwedeng langing nakahandusay sa sahig. Ito na ang climax ng buhay. Enjoy!
           
It’s just the way how we see things.
Namiss ko to! Ang paglalabas ng tunay na ako.
What a great day! Ngayon ko na lang ulit nasabi to.

Nakalimot akong laging may magandang umaga. Ngiti na. J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento