Linggo, Mayo 18, 2014


"Reality"

Minsan kahit gising ka na
Ayaw pang idilat ang mata
Paara bang ayaw makita
Ang lungkot ng umaga

Magbibisi-bisihan sa tanghali
Kahit init ng araw ay naghahari
Humanap pa ng ibang dapat gawin
Upang magisip ay di na naisin

Sa gabi nama'y nakapikit na
Ngunit isip ay mulat pa
Gising ang diwa at inuunawa
Ang mga pangyayaring nagwawala

Akala mo naman maloloko mo ang sarili mo
Ikaw lang naman ang higit na nakakakilala dito
Wag ka nang magtangka
Ibukas na lang ang puso't magsalita.


2 komento:

  1. epekto lang yan ng panunuod mo ng mga pelikula hahaha :)

    TumugonBurahin
  2. nge pinipigilan ko na nga manuod eh..
    nagbabasa na lang ako..

    di lang mapigilan na magstay minsan sa fantasy side ng buhay..
    kaya kailangan gisingin ang sarili..

    TumugonBurahin