"Ang Panyo"
Pinulot niya ang panyo
At iyon ang unang tagpo
Ibinigay sa akin ito
At siya'y nagsimula nang magkwento
Marumi man ang bagay na ito at di alam kung kanino
Buong puso ko itong tinanggap at itinago
Sabi nila ang magbibigay sayo nito
Ay magiging dahilan din ng pagluha mo
Di naman ako naniniwala doon
Kaya aking nilabhan at sa bulsa'y baon-baon
Doon ko siya unang nakilala
Naikwento nya na ata pati buhay ng pamilya
Lumago pa ang paguusap na yun
Tila ba hinahanap-hanap na maghapon
Tumubo na at namunga
Punong-puno ito ng pag-asa
Ilang taon na ang nagdaan
Nasanay akong laging may sinasandalan
Yung tipong pag-iiyak ako
Uupo lang siya sa tabi ko
Alam niya naman kasing kaya ko
Kailangan lang iiyak ang mga problema ko
Nawalay man ako sa mga kaibigan ko
Siya naman ang pumuno sa bawat minuto
Pero totoo nga at ang kasabihan
Napalayo siya at ako'y naiwan
Naiwan akong magisa at luhaan
Akala ko nga'y di na ko tatahan
Simula noon nawala na ang pagkahilig ko sa panyo
Iiyak na lang ako kahit luha'y tumutulo
Parang ayoko ng may kapitan pa
Baka masanay na naman at sa huli'y puro panghihinayang na
Isa sa mga senaryong dumurog sa aking puso
Ay nang malaglag ang panyo mula sa jeep na sinasakyan ko
Walang kalaban-laban habang ito'y aking pinagmamasdan
Lumalayo ang jeep at ang panyo'y di na mahahawakan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento