Linggo, Mayo 18, 2014


"Fragile"

Babasagin ang puso ko
Tila ba marupok na ito
Hindi na matagalan ang sakit
Hindi alam kung saan kakapit

Sa isang segundo ay maaaring manghina ako
Mawala sa pagkapit at maging ibang tao
Hindi ko na makilala ang sarili ko
Para ding nasa iba na kong mundo

Patuloy pa rin naman akong nangangarap
Na ang paraiso ko'y mahagilap
Ngunit malungkot ang paglalakbay na ito
Nasa kwebang kinakausap ang sarili ko

2 komento:

  1. pagsawaan mo muna ang mga tagpong di mo gusto... malay mo magsawa rin ito sa 'yo :)

    TumugonBurahin
  2. mahal ata akong ng mga tagpong ito..
    binabalik-balikan ako..



    TumugonBurahin