Martes, Disyembre 30, 2014

Leader of the Band
            Noong buhay pa si tatay tuwang-tuwa siyang nakikita kaming sabay sabay na kumakanta..ang totoo nyan naiiyak pa yan..tears of joy syempre..fulfilling para sa kanya ang makita kaming sama-sama..yung pamilyang binuo nya at pinaghirapan..
            Di biro ang mga pinagdaanan nya pero dahil sa matinding pagmamahal nya eto kami ngayon..proud akong maging parte ng pamilyang to..ng bandang to..
            Gusto kong magpasalamat sa umaaapaw na pagmamahal na pinaramdam nya samin..sa mga aral nya..sa mga mukha ng buhay na ipinakita nya..ang dami di ko mabilang..kulang ang mga tala sa kalawakan..o ang hibla ng buhok ng lahat ng tao sa mundo para pakapagpasalamat ako..
            Pero alam ko yung makakapagpasaya sa kanya..yung iparamdam ko din sa iba yung pagmamahal nya hindi lang sa mga kapatid ko at kay nanay  kung hindi pati na rin sa ibang tao..ganun kasi sya nung nabubuhay pa..
            Kaya naniniwala ako sa forever..dahil ang pagibig walang katapusan..dumadaloy..umaagos..lumalago..nabubuhay..maswerte ako dahil sya ang naging tatay ko..naranasan ko na yung infinity..



            Bago matapos ang taon gusto kong tumayo muli..magpatuloy..gusto kong makita nya yung magagaling na anak nya na lumalaban sa buhay..kinailangan ko lang talaga maghybernate..parang naging upos na sigarilyo kasi ako..umabot sa kasukdulan..

            Pero dahil nga sa pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.. sa mga taong iniwan sakin ni tatay..kailangan maging Superbudang para makalipad sa pangarap! Yung pinangarap samin ng lider ng aming banda..


The leader of the band is tired and his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument and his song is in my soul
My life has been a poor attempt to imitate the man
I'm just a living legacy to the leader of the band

Ang Nakatagong Kabanata
Di ko na alam kung paano magsisimula muli..pero isa lang ang alam ko..it is not starting over but continuing without…di ko na kayang simulan ulit ang buhay ko dahil ayokong magsimula na wala sya..pero kaya kong magpatuloy para sa kanya..
Hapon noong araw na yun..kinakausap ako ng principal gusto nyang i-handle ko yung girls scout sa school namin..pagtapos ng paguusap na yun balik agad ako sa faculty para sana umuwi na kaso nabasa ko yung text ng kapatid ko. “ Ate umuwi na kayo ayaw na kumain ni tatay.” Hindi ko alam kung bat iba yung pakiramdam. Umiyak na ko at nagpaalam na di na ko papasok kinabukasan. Tahimik kami paguwi sa bahay..walang kibuan..si ate nagaayos papasok sa trabaho nya..gabi na nung makarating kami sa Cavite. Dumaan pa kami sa isang mall para bumili ng pang salad at iba pang pagkain na pwede kay tatay. May sakit kasi sya sa kidney sabi naman ng doktor kahit di daw ipa-dialysis kaya nang gamot dahil di naman daw ganun kalala. Pero nung gabing yun ibang-iba si tatay kung ikukumpara nung huli namin syang makita.
Nagwalk-out na si Gara nung binibilinan sya ni tatay. Halos lahat kami kinakausap na. Pinakain ko sya nung salad.. pakonti-konti lang yung nguya nya..sabay inom ng tubig na nakastraw dahil hirap na syang iangat ang katawan nya.
Lahat kaming magkakapatid nakapaligid sa kanya, maliban kay ate na pumasok sa trabaho. Lahat nagaasikaso, nagaabot ng kailangan, pero tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nya. Bihirang matahimik ang bahay namin pero sa pagkakataong yun tahimik. May kaba. Kanya-kanyang tingin sa bawat sulok ng kwarto. Walang umiiyak. Nakikinig lang. Nagpipigil.
Hawak ko yung kamay ni tatay..nasa gilid nya ko..di na ko umalis dun pagdating namin..” Tay, dalin ka na namin sa ospital ah.” Umiling sya. Wag na daw kaming magabala dahil alam nya kung hanggang kailan na lang. Feeling ko naninigas yung mukha ko kakapigil ng luha sa mga sinasabi nya.
“Magagaling kayong magkakapatid..ipagpatuloy nyo ang nasimulang pangarap..” sabi nya sakin..gusto ko ng sumabog..isa yun sa mga pinakamahirap na punto sa buhay ko. Hindi na ko nakapagsalita dahil alam kong pagsinubukan ko tutulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigil.
Mas lalo kaming pinatatatag. Dahil palala ng palala yung lagay nya. Naghanap si nanay ng ambulansya habang kami salitan sa paghaplos sa katawan ni tatay. Nakapaligid kami habang hinahaplos yung mga bahagi ng katawan ni tatay na unti-unti ng lumalamig. Alam ko naman yung nararamdaman nila..namin..takot. Kaya tahimik lahat.
Di mapakali si tatay..palibot-libot yung mga mata nya. “Matulog na kayo..wag nyo na kong intindihin..” Kunwari yumuyuko kami at pagpumikit na tayo ulit.
 Pagdilat nya nahuli na naman nya kaming gising sabi nya, “ Matulog na kayo!” Sa galit na tono ng boses nya. Higa at bangon na naman kami dahil di mapakali.
            Bigla syang nagsalita, “ Dang tulog na tayo..” Di ko na kaya..tumabi na ko sa gilid nya at umiyak..hinalikan yung ulo nya at kamay habang hinahaplos dahil nanlalamig na..pakiramdam ko sinsabi nyang sumusuko na sya..
            Mas matindi pa yung mga sumunod na nangyari. Sumisigaw na sya. Huminto ako sa pagiyak dahil lahat kami nagpapakalma na. Anu daw bang nangyayari sa kanya?Uminom daw ba sya ng alak? Sabi nya pa, “Pasaway ba ko?Pasaway ata ako eh..”
            Lahat kami sumagot ng hindi. Sabi ko, “ Napalaki mo nga kami ng maayos eh..” sabay yakap sa kanya..
            Hindi ko alam kung nararanasan to ng lahat ng tao bago mamatay ..pero nakikita nya na daw si Lola..sampung taon ng patay si Lola..pinapakuha nya na yung sapatos nya at tsinelas..para bang aalis na sya..
            Nagpapaupo sya dahil di nya na kayang buhatin yung sarili nyang katawan..di nya na kayang iangat ang paa’t kamay nya..bangon higa sya..hindi mapakali..pinatataas yung paa..maya-maya ipabababa..gusto daw nyang madumi at umihi..hindi nya daw maintidihan ang sarili nya..
            Sabi ni Mary, matulog ka na kasi..sige ipikit mo yung mata mo..sabay hawak nya sa mga mata ni tatay..makakatulog saglit pero magigising ulit..pauli-ulit na nangyari yun..
            Hindi ko alam pero inis na inis ako sa ambulansya sa sobrang tagal..hindi ko maiwasang masabi na akala ko sa pelikula lang nalelate ang ambulansya pati pala sa totoong buhay..
            Humina na ang pagsasalita nya..hanggang sa hindi na..pagiling at pagtungo na lang ang nagagawa nya..pumalibot na kaming lahat  habang hinahaplos ang bahagi ng katawan nya..na lumalamig..palamig ng palamig..pinaupo namin sya habang lahat na kami yumayakap..lahat nagsasalita..nagaantay ng sagot nya..
         Lahat may ginagawa..nakaikot kami kay tatay..nagpapatawa pa si Mae at Mary..hanggang sa di na rin sya makatungo at makailing..mata na lang nya ang gumagalaw..kaya sabi ni Mae “ Tay tingin ka sa maganda wag kang tumingin dyan kay Budang..tay..” hanggang dun na lang..yung huling pag galaw ng mata ni tatay..pahina na ng pahina ang pulso nya..at paghinga..
            Pakiramdam ko nun ako na ang  pinakawalang kwentang Mapeh teacher na nagseminar ng first aid pero di magamit yung natutunan..
            At tulad nga sa mga teleserye dadating ang tulong pagwalang wala na..di na umabot sa ospital si tatay..iyak na kami ng iyak sa sasakyan..
            May mas sasakit pa dun..yung paguwi mo at ibabalita mo sa mga kapatid mo ang nangyari..na wala na..wala na talaga si tatay..sa mga panahong yun dun na umagos ang luha..palitan ..walang tigil..parang di na matatapos..
            Kinaumagahan kailangan ng asikasuhin ang burol..kakadating lang din ni ate galing sa trabaho..tulala..di nakakausap..tahimik na umiiyak sa jeep habang itinatago ang mukha sa likod ko..papunta na kami sa funeraria..at pagdating dun pinapipili kung anu ang kabaong na gagamitin ni tatay..ang sakit din pala pag tatay mo na yung pinipilian mo ng kabaong mas masakit pa sa iniisip mo..pero sa panahong yun parang wala akong karapatan maging mahina..dahil si nanay sinusuntok ang pader at di na nya daw kaya.. si ate naman di na makausap..
           Hindi lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Ang haba ng kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..
            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin para sa kanya..lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Mahaba pa ang kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..

            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin ..para sa kanya..

Lunes, Nobyembre 3, 2014

    Ano? Paano? Saan? Sino?
         Ano?..Ano na bang nangyayari sa mundo? Nagkulong kasi ata ako. Nagtago. Hindi ko alam kung paano. Minsan kasi nakakaduwag na. Nakakapanghina. Nakakatakot. Puro lungkot. 
     Paano? Paano magsimula..o baka magpatuloy. Kaya pala natatakot na kong tumipa baka kasi mailabas ko pa ang nadarama. Wala rin naman. Wala ring matatakbuhan. Hindi maikukubli ng pagbabasa ang lahat. Hindi maipapahinga ng pagtulog ang mga mata. Hindi mapapalitan ang mga oras na marami kang ginagawa. 
     Saan? Nasaan na nga ba kasi ako? Nawawala na. Nawawala sa pagkatao. 
     Sino na nga ba ko? Nakakalito.





Sabado, Setyembre 20, 2014




Huling Pahina

Ayoko nang tapusin ang libro
Matatapos din kasi ang bawat yugto nito
Gusto ko munang namnamin
Bawat salita ay damhin

Bilang lamang kasi ang mga talata
Tulad ng mga oras na ika’y nakikita
Bawat letra ay dapat lasapin
Na parang diyamanteng mamahalin

Natatakot ako sa huling pahina nito
May mabubuklat pa kaya akong ganitong libro?
Siguro nga wala na..
Dahil sa puso ko ika’y nagiisa.




Nasaan Ka Na?

Mas mabuti pa nga sigurong di muna kita makita
Kaysa mawala ka na parang si Elisa
Matagal nga siguro kitang aantayin
At pagdumating ang araw na yun ay aking susulitin

So ngayon chillax muna ko
Magliliwaliw muna sa mundo
Baka nga siguro late lang ang pagdating mo
Kasi baka nais “grand entrance” ang senaryo

Sige magpatagal ka pa
Pag ako nainip maghahabol ka
Nagiisa lang akong Budang
Siguradong buhay mo’y magiging kulang J haha

Isang gabi sa LRT..
paano ba naman lahat may katabi..

September 15, 2014





Tulaan ang ulan..
I-emote mo yan..


Nakikidalamhati din siguro sayo ang ulan
Kaya ngumiti ka na at tumahan
Pasikatin mo ang araw sa iyong bintana
Hayaan mong sigla ang sayo’y tumalima

Wag mong itago ang sarili sa madilim na ulap
Magpalutang-lutang sa hangin ng pangarap
Wag mong pabigatin ang buhos ng ulan
Pagaangin ang loob, hanapin ang kasiyahan

Baha man at bagyo ang dumaan
Lilipulin at tutuyuin ito ng araw ng kalakasan
Isaisip mong pansamantala lamang ang lahat
Wag linlangin ang sarili, wag magpaawat.


8:00 am


Alam mo ba kung gaano ako kalakas?
Ako yung lumalaban hanggang wakas
Oo nga at ako’y humihinto
Nagpapahinga lang upang sarili’y mabuo

Kailangan naman kasi ay huminga
Pahupain ang damdamin na nadarama
Minsan kailangan mong magisa
Para malaman mo kung nasaan ka na nga ba


Words fall through me
And always fool me
And I can't react..

9:19 am

Buti na lang may gitara
Ako’y nagiging abala
Idadaan sa musika
Ang lahat ng nadarama

Nailalabas lahat ng kanta
Na wari’y nagkukwento sa kasama
Kahit pa ika’y nagiisa
Maaaliw sa pampalubag na melodiya


Ikanta mo na lang..

9:57 am

September 19, 2014

Linggo, Agosto 24, 2014

Para Din Kay B
         Kahit naman di mo ako binati ok lang sakin yun..inisip ko na lang nahiya ka..at saka hindi ka rin naman talaga pala bigay ng regalo..sanay na kami sayo..kaya ok lang..consistent ka lang sa pagiging ikaw kaya wag mong isipin yun..baka nakokonsensya ka pa ha..kung meron ka haha :)
      Special tactics ko nga yun haha ikaw lang ang nakapansin..di napansin nung iba tuwang-tuwa pa sila..haha :) pero sa mga bagay na yun kayo ang naaalala ko..dahil lagi akong magisa gumala yun na lang ang paraaan ko para isipin kong nasa tabi ko lang kayo..oo na ang korni ko..haha :)
      Di naman sa korni pero ganun na nga haha..pangbata na lang talaga ang bertdey baka nagsawa na lang tayo dahil ilang taon na nating sinecelebrate..di naman nakakapressure ang edad kasi mukha pa rin naman akong bata haha ewan ko lang sayo..ehem..natuwa naman ako nung pumunta ka..di ko na ineexpect na pupunta ka mahirap ka kasi ayain..paimportante ka di ka pa sikat :-P kaya salamat din naman talaga kahit walang regalo o bati sapat na yung mala multo mong presensya..saka di naman sinusumbat sayo ang pagpunta mo sa handaan..masaya na ang lahat na nagkakasama tayo ulit..umaarte ka pa..mas nakakainis kaya yun..
     1. Binulong ko nga yun..pero tsismoso ka kaya narinig mo :-P
     2. Oo na top 2 na ko at naging top 9..nahiya naman ako sayo ikaw rin naman ah top 1 na naging top 3 pa sayang naman haha :)
     3. Hindi ka makagetover sa linya kong yun..nainggit ka lang! :-P
     4. Ganun talaga kailangan palakasin ang sarili. Try mo.
      Salamat sa mga lait pinabongga mo ang bertdey ko..extended tuloy..at least nasurprise ako..unexpected kasi ibang araw na..natuwa naman ako dahil naappreciate mo ang stressball..ang pangit naman bat Orang pinangalan mo? anyway kaya pala di ka na mukhang stress magpasalamat ka sakin lagi ka ng nireremind ni Orang na magsmile..ang cute ni Bayeng..sino nga ba sya?..ang pangit ng pagpapakilala mo sa kanya bubwit ka pa ah kutusan kita eh..buti naman umaalis ka na..hay salamat mabibigyang buhay na din si jepbuendia..sige lang ipagpatuloy mo pa..gumaganda na yung kulay mo hindi na parang dull, pale, o unhealthy tingnan haha :)  
     Ang daya pag ako may taga deliver ng regalo haha :) Sige sa susunod na pagkikita. 

      Ito ay para din kay B...Buendia the bald haha :) peace!

P.S. Nabasa mo na yung Para Kay B na book? mukhang maganda yun nakalimutan ko na hiramin dun sa estudyante..pag meron ka peram ako..natapos ko na yung book na bigay ni Rolando..nabanggit dun yung Sunken Garden na sinasabi mo..taga UP kasi yung sumulat..mukhang magandang puntahan panghalili sa Luneta..bayie! goodnyt! salamat ulit!

      Wow idol na pala kita kailan pa? Di mo naman ako ininform sana nalaman ko ng mas maaga haha :)

Your avid fan,
Budangskie :)





8:26 pm

Si Ian..yung absent ng isang buwan..

“Ma’am nandyan na po yung bago naming klasmeyt!” Bungad ng isang estudyante ko habang papasok ako ng klasrum nila. “Sino?” sabi ko.Si Ian po yung isang buwan ng di pumapasok”.
Nilapitan ko siya. Isang maliit na maputing bata na parang di pa ayon ang edad bilang grade 8. ”Bakit ngayon ka lang pumasok?” pagtatanong ko. Takip-takip niya ang bibig niya ng bimpo habang sinasabing, “Wala po akong baon.”
Ayoko namang sabihing wala ka lang baon di ka na pumasok? Gusto ko sanang sabihing mula elementary hanggang high school naglalakad kaming magkakapatid papasok sa skul kahit walang baon. Kaya mababaw lang na dahilan sakin yun. Pero di naman dapat husgahan lahat dahil sa kakatiting na sagot nya. Syempre di ko na sinabi yung nasa isip ko. Sabi ko na lang papuntahin nya magulang nya para makausap ko.
Kinahapunan dumating ang nanay nya. Isang magandang ina, yung para bang mayaman pa kasama yung kapatid ni Ian na kutis mayaman din. Nakakapagtaka ang dahilan nya kasi walang baon pero mukha silang mayaman. Pero kailangan talagang marinig muna ang istorya. Sabi niya pasensya na po marami lang naging problema.
Noong nakaraan po pabalik-balik sa ospital ang tatay niya. Kaya kinulang talaga kami sa pera. Hindi nga po nakayanan ng tatay niya binalak pong magpakamatay. Nakita na lang po naming nakabigti. Buti na nga lang po nakita ko po agad at tinulungan kami ng kapitbahay.
Nanlumo ako sa kwento. Buti na lang di ko talaga nasumbatan yung bata. Hindi lang naman pala baon ang problema mas malaki pa.
Ilang araw ang nakaraan lumiban ulit sya sa klase at dahil malapit lang ang bahay nila sa skul pinuntahan ko na. Nakilala ko ang tatay nya na tulad ng nanay nya mukhang mayaman din. Marahil di talaga sila sanay sa hirap ng buhay kaya naisip nyang magpakamatay. Ang asawa niya kasi nagtatrabaho dati sa division office ng Manila at dahil lumipat sila nagresign na sya. Balak niyang lumipat dito pero dahil nga sa mga nangyari di na nya nagawang asikasuhin ang trabaho.
Tumalikod ang tatay niya nung makita ako. Nahiya siguro dahil alam niyang alam ko yung kwento.
Sabi ko na lang sa nanay nya bakit absent po ulit si Ian? Maam 50 pesos na lang po kasi ang pera ko dito pinapili ko sila kung ipangkakain na lang ba namin o ibabaon nila sa skul. Kaya di po sila nakapasok.
Tanggap na raw sa trabaho ang tatay nya. Kaso sa pamasahe at pangkain kinukulang sila. Di ko na talaga kaya. Nagpaalam na ko at inabutan ang nanay nya kung anu mang halaga na nasa aking bulsa.
As usual nagmoda na ko sa jeep. Naiyak na ko. Naalala ko lang yung high school days naming magkakapatid.  Pinaka-ironic na naranasan namin ay wala kaming ulam kanin lang at asin pero may chocolate kisses kami galing sa tito ko. Natatawa kami pag naaalala to. Pito kasi kaming magkakapatid at dahil si nanay di pa marunong magbudget kinukulang yung sahod ni tatay. Umaabot kami sa puntong yun. Ok lang maglakad, kahit pa walang baon. Sinanay kaming pumasok hindi lang dahil sa baon kung hindi para matuto. Pagnaaalala ko yung mga napagdaanan namin humahanga ako kay tatay.
Kasi di niya naisip sumuko.  Magbigti o kahit anu man. Maswerte talaga ko. Mas naaappreciate ko lalo ang buhay ko dahil sa kwento ng mga batang to.
Araw-araw nagaabang na ko ng bagong istorya. Yun bang pang maalaala mo kaya ang tema. Napupuno ang isip ko..kakaisip sa mga batang to. Sana  lang makatulong ako.


Sabado, Agosto 23, 2014

10:58 pm
How are you? I’m fine. Thank you!
                Sobrang daming araw na ang nagdaan..at feeling ko ang daming nangyari..aligaga ako sa lahat ng gagawin at parang nawalan ako ng oras sa sarili..yung tipong pati kuko ko di ko magupitan..at di na magawang tumingin sa salamin ng matagalan..”haggardous days” talaga pero salamat at ako’y buhay pa..at para ipaalam sa utak ko kung anung mga nangyari.eto ikukwento ko..para naman kahit konti magising ako..
·         Natapos na nung Tuesday ung “Wellness Dancercise na pinagpapraktisan ng mga batang tinuruan ko. Isa yun sa nakagaang sa buhay ko..yun lang naman ang dahilan kung bakit ginagabi ako ng uwi nung nakaraang linggo..at dahil tapos na ang laban..tapos na din ang laban ko! :D Achievement to dahil nagturo ako ng sayaw kahit di naman ako sumasayaw. May himala talaga basta maniwala ka! Haha :D
·         Bigla bigla kang gagawing emcee dahil nagkaturuan na..wooh! wala akong magawa kung hindi masanay sa turuan portion ng mga teacher dito...yun bang ang dami nyong English teacher  pero lahat ayaw magemcee..sa huli sa baguhan ang bagsak kahit na Mapeh pa ang itinuturo mo..wag ka magalala di ka pinagtulungan..pinagkaisahan..naisip ko na lang sige lang sanayin nyo ko..malaking tulong to..narealize ko din na pag wala pala yung mga kaibigan ko sa harap ko di na ko nagkakamali..ni di na ako nakakatawa kaya seryoso sa pageemcee..
·         Ngayong araw niread ung mga grades na kinompute ko at isinulat ko sa card at form 137..kya sobrang nakahinga na ko..another successful story ito! Mapapangiting wagas ka pag binasa na ung pangalan ng huling bata sa listahan.
·         Pag wala kang friends susubukan mong aliwin ang sarili mo. Libutin ang palengke ng Concepcion at kumain doon. Kailangan matuto magisa. Wag sumandal sa iba. Kaya kumakain na ko ngayon ng lunch. Naging parokyano na ko ng Mcdo..chicken fillet with fries at green apple sprite mcfloat ok na ang tanghalian ko. Namumukhaan na nga ata ako ng mga crew..kabisado na rin ata ang order ko. Hanggang ngayon na lang to next week maaga na ulit uwi ko. Normal na ang buhay ko.
·         Natapos din ang bday..sa totoo lang napansin ko laging pagod ako pag bday ko..kaya di ko na inaanticipate napapagod lalo ako..maaappreciate mo naman lahat ng babati sayo..pero mas maganda sigurong maalala ka nila kahit di mo bday..un bang kahit di mo special day papasok ka bigla sa isip nila at kakamustahin..para kasing nagiging gawi lang pag bday..kaya pagpaulit ulit ang korni..sabagay dapat na ring magpasalamat kasi naalala ka din naman nila sa kabila ng ibang bagay na ginagawa nila sa araw na yun..anyway naisip ko lang naman un..un bang naaalala din kaya ako ng mga to kahit di ko bday?!? Just a thought.

·         Yun bang may magtatanong  sayo anu bang problema? Tas pag sinagot mo iiyak.. ang hirap magsabi ng totoo lalo na pagkatapos mong magsalita iiyak yung sinabihan mo dahil di nya matanggap yung sinabi mo..minsan o laging pahamak yung bibig ko..nahihirapan akong itago ung totoo..kaya nakakasakit ako..sa una nakakakonsensya pero napapanatag talaga ko pag nasasabi ko na..di nga lang lahat kayang tumanggap ng katotohanan..well the truth hurts..sareeh!


           Marami pang susunod na adventures. Pero ngayong weekend I’ll give myself a time to rest. Kinulang ako sa tulog..babawi ako! Namiss ko yung ilang oras na tuloy tuloy na tulog..yung pagbuo ng malawakang mapang nabubuo sa unan dahil sa laway..un  ang masarap na tulog.. nagpapatunay na pagod ka..haha J

                Nakakatakot ang pagbabago. Pero sa kinalalagyan ko ngayon. Mukhang nasasanay ako. Adventures here I come! Try me! I’m not ready but I’ll give you what you want!

And now if you’re going to ask me how are you? Well, I’m fine. Thank you!
Goodnight! J


Huwebes, Hulyo 31, 2014

Ako si Echo...ito ang istorya ko..

Nagtatrabaho ako sa Dubai
Para sa mga kapatid ko at aking tatay
Matatapos na ang kontrata ko
Kaya heto pinagmedical ulit ako

Pinauwi ako ng bansa
Kinakabahan at balisang-balisa
Nakaposas ang mga kamay ko
Nakatingin ang mga tao sa paligid ko

Umiiyak akong nagtungo sa aming bahay
Sa pagdating ko'y nagulat ang aking tatay
Pinagpahinga niya agad ako sa kwarto
Akala niya'y bunga lang ng pagod ang panginginig ko

Nagtapat ako sa kanya
Tumahimik siya bigla ng marinig niya
Mahal pa din daw niya ako
Kahit anu pa ang kalagayan ko

Ako nga pala si Echo
HIV positive ako
Patuloy akong lumalaban
Kasama ang mga taong nakakaintindi sa aking kalagayan.

Biyernes, Hulyo 25, 2014



“Carpe Diem”

                Sa dami ng namamatay araw-araw paano mo nasusulit ang araw mo? Hindi naman sa inoorasan kita pero ganoon na nga..haha J May nadaanan kasi kami kanina ang bata pa..parang uso lang kasi. Pagnamatay ka ba nagawa mo na kaya ang mga gusto mong gawin? Ewan ko. Suriin natin ang mga araw na dumaan sa buhay ko.
May mga dumaan na pagod na pagod ako. Sulit na sulit ba dahil lupaypay ang katawan mong ayaw ng kumain pa. Mas gugustuhin mong matulog na lang.  Yun bang pag kagaling sa skul punta ng Divisoria, Monumento o kaya South Supermarket. Maituturing mo bang sulit ang isang araw pag you’re so TIRED! (all caps with exclamation point pa)? Yun bang nagamit mo yung isang daang porsiyento ng lakas mo.
Paano yung ibang nagdaang araw na di ganun katindi ang experience mo? Nasayang na lang ba yun? Iko-consider mo na lang bang waley ang araw na yun. Zero to the point na walang magandang nangyari. Weakest day ever! Eh kung laging ganun sayang naman ang pagtira mo sa napakagandang mundo na ito.
Kung ganyan ang tingin mo sa usaping ito may sasabihin ako sayo. Sekreto lang to. Naisip ko to minsan pag gising ko ng gabi dahil mula tanghali tulog ako. Nasusulit ko ba ang araw ko sa pagtulog kong ito? Siguro. Pag gising ko ugali ko ng tumingin sa salamin, at doon ko nakitang kumikinang yung mga mata ko. Yung kinang na may saya. Satisfaction. Yung mapapasabi kang “Oh sarap!” nakapagpahinga kasi.
Nabubuo ang bawat araw sa ayaw man o sa gusto mo..kaya buuin mo ito sa parang nais mo..yung makakapagsaya sa puso mo. Hindi naman nasasayang ang lahat basta alam mong naging maligaya ka. Nasatisfy mo ang sarili mo. Mas maganda sana kung kasama mo yung mga taong mahal mo..o kaya naman nakatulong ka sa ibang tao. Kahit anu mang paraan ang gusto mo sulitin mo ang bawat araw na bigay sayo.

Carpe diem! Seize the day! 
LOST!
             Nagsimba kami noong Linggo..at doon nawala ang cellphone ko. Akala ko makikita ko pa, kaya parang ok lang. Sigurado kasi akong sa tricycle ko naiwan kaso wala na talaga. Medyo nakakahinayang ang cellphone kong pangkalso daw ng trak sabi ni tito. Sayang lang talaga yung sim. Naawa naman ako sa nakapulot di na kasi nagriring yun at namamatay-matay pa. Maswerte sya. Sa ilang araw na pagkawala nito marami akong napagisipan.
            Una, parang naging malaya ako. Wala na kasi akong iba pang iniisip na baka may nagtext na nangangailangan sakin. Tulad ng, “Dang wala pang ulam bili ka.” O kaya naman, “ Dianne nagkatampuhan na naman kami ni….anung gagawin ko?” Minsan naman, “Dee nagtext na naman siya..mga lalaki talaga.” At ang di pumapalyang, “Dang kamusta na kayo jan?” Naging malaya ako sa mga dating dumadagdag sa mga iniisip ko. Kaya worry free!
          Pangalawa, medyo nega. Muntik na ko masabon ng principal sa pangalawang beses. “ Tinatawagan ka namin kahapon di ka sumasagot.” Humirit na ako agad bago pa humaba ang sermon,”Maam nawala po kasi yung cellphone ko nung Linggo.” Naawa naman siya at huminahon ang boses ..bigla na lang niyang isiningit ang seminar na pupuntahan ko. Mahirap din pala pag walang means of communication.
            Pangatlo, noong mga araw na wala akong cp marami akong nagawa. Siguro nabawasan nga kasi ako ng iniisip. Nabawasan yung oras ko para sa iba. Narealize kong I’m always with them but not with myself. Mas marami na pala ang mga oras na ginugugol ko para sa iba kaysa sa sarili. Kaya sabi ko kailangan kong sulitin ang bakasyong ito. Yun bang di naman ako magaalala para sa ibang tao.
            Pangapat, masarap yung feeling na wala kang inaasahan. Inaasahang magtetext sayo kasi wala kang cellphone. Kaya malinaw na malinaw sa utak mong.. wag kang magassume walang magtetext sayo wala kang phone di ba? At least hindi feeling sawi.
Panglima, kailangan pa din naman itong gadget na ito. Lalo na kung may kailangan ka talagang itanong sa ibang tao..yung importante talaga. Kinailangan ko pang makitext sa co teacher ko para malaman ang sagot. Medyo feeling kawawa lalo na ng magtanong ang principal, ”Maam di naman sa minamadali kita ah pero bago ba kayo magseminar magkakacellphone ka na?” Sana nga. Sabi ko,” Sige po manghihiram na lang po ako sa kapatid ko.”  Hay. Buhay.
         Hindi naman sa nangbibintang ako. Susubukan ko kasi sanang tanungin yung tricycle driver kaso pagtapos ng araw na yun tatlong araw pa bago namin siya nakita ulit. Nagkakasalubong kami sa palengke at iniiwas ang tingin niya. Minsan sasakay sana sa kanya ang kapatid ko biglang humiga at parang walang nakita. Nung huling makita namin  siya humaharurot pa wag lang kaming makita. Pag sakay kasi namin ng jeep wala na kaya kung di sa bahay nawala malamang sa tricycle. Whatever. Kung may nawala man sayo. May matatagpuan kang bago.

                Ang pag-ibig hindi parang cellphone..pag naluma..papalitan L

                For donations just call me. Kaso nga walang phone. Kulit. J

Martes, Hulyo 15, 2014

Rescuers: Love and Hope

“Mahirap man at mabigat ang buhay mayaman pa rin ito sa pagibig.. at napapagaan ito ng pag-asa..”

 Naalala ko lang yung mga linya ni Sabrina Ongkiko isang public school teacher. Narinig ko ulit ang mga linya niya dahil sa pinapanuod sa aming video kahapon sa orientation ng mga bagong teachers. Hindi naman tungkol sa pag-aaral ang punto ko..iba kasi yung naalala ko nung narinig ko to. Medyo marami kasi akong palpak na nagawa. Na para bang 1 out of ten lang ang tama kaya nakukunsume din ako sa sarili ko lalo na if I’m not doing the right thing. Hindi sa di ko ginagawa yung tama..hindi ko lang sinasadya na di magawa. Ewan siguro dahil paglutang ang utak ko naoover-power ng mga katangahan ko ang isip ko. Kaya ayun talo.
Nakakatuwa lang na pag may nangyayaring di maganda dun makikita ang pagmamahal nila..at yun ang magbibigay sayo ng pag-asa. Nababalewala lahat dahil sa pag-ibig. Parang kaya mo na. Ok na. Wala ka ng hahanapin pa. Buhay ka na ulit at puno na ng pag-asa.

7:40 pm
July 15, 2014



Happy ever after did exist..it really does!

  “Ikaw ang bigay ng maykapal..tugon sa aking dasal..” Mangiyak-ngiyak ako ng marinig ko ito nung Sabado doon sa kasal ng kaibigan ko. Ewan ko ba naisip ko kasi parang kailan lang gumagawa pa kami ng projects noong high school ngayon papalapit na siya sa altar para tumungo sa ibang parte ng kanyang buhay. Ang nakakatuwa pa niyan medyo napressure ako. Mas lalo akong namumulat  sa edad ko. Ngayong buwan yung co-teacher ko dati ang ikakasal  at next year yung isang kaibigan ko pa sa Cavite. Nakakalokang iba na ang dahilan ng pagsasama-sama namin..panibagong stage ng buhay..parang pelikula.
            Sa mga naranasan nila minsan parang imposible na. Pero sa huli may nakalaan talagang happy ending. Kaya medyo nabuhayan ako ng loob..kahit na ang totoo niyan buhay na buhay ang loob ko..nadagdagan lang pala. Ang korni kasi talaga ng mga babae. Sila talaga ang laging nasa fantasy side ng storya. Sa kabila ng lahat..ito ang nasa isip ko..narealize kong happy ever after do exist..it really does!

7:13 pm
July 2, 2014