Leader of the Band
Noong buhay pa si tatay tuwang-tuwa
siyang nakikita kaming sabay sabay na kumakanta..ang totoo nyan naiiyak pa
yan..tears of joy syempre..fulfilling para sa kanya ang makita kaming
sama-sama..yung pamilyang binuo nya at pinaghirapan..
Di biro ang mga pinagdaanan nya pero
dahil sa matinding pagmamahal nya eto kami ngayon..proud akong maging parte ng
pamilyang to..ng bandang to..
Gusto kong magpasalamat sa umaaapaw
na pagmamahal na pinaramdam nya samin..sa mga aral nya..sa mga mukha ng buhay
na ipinakita nya..ang dami di ko mabilang..kulang ang mga tala sa kalawakan..o
ang hibla ng buhok ng lahat ng tao sa mundo para pakapagpasalamat ako..
Pero alam ko yung makakapagpasaya sa
kanya..yung iparamdam ko din sa iba yung pagmamahal nya hindi lang sa mga
kapatid ko at kay nanay kung hindi pati
na rin sa ibang tao..ganun kasi sya nung nabubuhay pa..
Kaya naniniwala ako sa
forever..dahil ang pagibig walang katapusan..dumadaloy..umaagos..lumalago..nabubuhay..maswerte
ako dahil sya ang naging tatay ko..naranasan ko na yung infinity..
Bago matapos ang taon gusto kong
tumayo muli..magpatuloy..gusto kong makita nya yung magagaling na anak nya na
lumalaban sa buhay..kinailangan ko lang talaga maghybernate..parang naging upos
na sigarilyo kasi ako..umabot sa kasukdulan..
Pero dahil nga sa pagmamahal ng mga
tao sa paligid ko.. sa mga taong iniwan sakin ni tatay..kailangan maging
Superbudang para makalipad sa pangarap! Yung pinangarap samin ng lider ng aming
banda..
The leader of the band is tired and his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument and his
song is in my soul
My life has been a poor attempt to imitate the man
I'm just a living legacy to the leader of the band
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento