LOST!
Nagsimba
kami noong Linggo..at doon nawala ang cellphone ko. Akala ko makikita ko pa,
kaya parang ok lang. Sigurado kasi akong sa tricycle ko naiwan kaso wala na
talaga. Medyo nakakahinayang ang cellphone kong pangkalso daw ng trak sabi ni
tito. Sayang lang talaga yung sim. Naawa naman ako sa nakapulot di na kasi
nagriring yun at namamatay-matay pa. Maswerte sya. Sa ilang araw na pagkawala
nito marami akong napagisipan.
Una, parang naging malaya ako. Wala
na kasi akong iba pang iniisip na baka may nagtext na nangangailangan sakin. Tulad
ng, “Dang wala pang ulam bili ka.” O kaya naman, “ Dianne nagkatampuhan na naman
kami ni….anung gagawin ko?” Minsan naman, “Dee nagtext na naman siya..mga
lalaki talaga.” At ang di pumapalyang, “Dang kamusta na kayo jan?” Naging
malaya ako sa mga dating dumadagdag sa mga iniisip ko. Kaya worry free!
Pangalawa, medyo nega. Muntik na
ko masabon ng principal sa pangalawang beses. “ Tinatawagan ka namin kahapon di
ka sumasagot.” Humirit na ako agad bago pa humaba ang sermon,”Maam nawala po
kasi yung cellphone ko nung Linggo.” Naawa naman siya at huminahon ang boses ..bigla
na lang niyang isiningit ang seminar na pupuntahan ko. Mahirap din pala pag
walang means of communication.
Pangatlo, noong mga araw na wala
akong cp marami akong nagawa. Siguro nabawasan nga kasi ako ng iniisip. Nabawasan
yung oras ko para sa iba. Narealize kong I’m always with them but not with
myself. Mas marami na pala ang mga oras na ginugugol ko para sa iba kaysa sa
sarili. Kaya sabi ko kailangan kong sulitin ang bakasyong ito. Yun bang di
naman ako magaalala para sa ibang tao.
Pangapat, masarap yung feeling
na wala kang inaasahan. Inaasahang magtetext sayo kasi wala kang cellphone.
Kaya malinaw na malinaw sa utak mong.. wag kang magassume walang magtetext sayo
wala kang phone di ba? At least hindi feeling sawi.
Panglima, kailangan pa din naman itong gadget
na ito. Lalo na kung may kailangan ka talagang itanong sa ibang tao..yung importante
talaga. Kinailangan ko pang makitext sa co teacher ko para malaman ang sagot. Medyo
feeling kawawa lalo na ng magtanong ang principal, ”Maam di naman sa minamadali
kita ah pero bago ba kayo magseminar magkakacellphone ka na?” Sana nga. Sabi
ko,” Sige po manghihiram na lang po ako sa kapatid ko.” Hay. Buhay.
Hindi
naman sa nangbibintang ako. Susubukan ko kasi sanang tanungin yung tricycle
driver kaso pagtapos ng araw na yun tatlong araw pa bago namin siya nakita
ulit. Nagkakasalubong kami sa palengke at iniiwas ang tingin niya. Minsan
sasakay sana sa kanya ang kapatid ko biglang humiga at parang walang nakita.
Nung huling makita namin siya
humaharurot pa wag lang kaming makita. Pag sakay kasi namin ng jeep wala na
kaya kung di sa bahay nawala malamang sa tricycle. Whatever. Kung
may nawala man sayo. May matatagpuan kang bago.
Ang pag-ibig hindi parang
cellphone..pag naluma..papalitan L
For donations just call me. Kaso
nga walang phone. Kulit. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento