“Carpe
Diem”
Sa dami ng namamatay araw-araw
paano mo nasusulit ang araw mo? Hindi naman sa inoorasan kita pero ganoon na
nga..haha J May nadaanan kasi
kami kanina ang bata pa..parang uso lang kasi. Pagnamatay ka ba nagawa mo na kaya ang mga gusto mong gawin? Ewan ko. Suriin natin ang mga araw na dumaan sa buhay ko.
May mga dumaan na pagod na pagod ako. Sulit
na sulit ba dahil lupaypay ang katawan mong ayaw ng kumain pa. Mas gugustuhin
mong matulog na lang. Yun bang pag
kagaling sa skul punta ng Divisoria, Monumento o kaya South Supermarket. Maituturing
mo bang sulit ang isang araw pag you’re so TIRED! (all caps with exclamation
point pa)? Yun bang nagamit mo yung isang daang porsiyento ng lakas mo.
Paano yung ibang nagdaang araw na di ganun
katindi ang experience mo? Nasayang na lang ba yun? Iko-consider mo na lang
bang waley ang araw na yun. Zero to the point na walang magandang nangyari.
Weakest day ever! Eh kung laging ganun sayang naman ang pagtira mo sa
napakagandang mundo na ito.
Kung ganyan ang tingin mo sa usaping ito may
sasabihin ako sayo. Sekreto lang to. Naisip ko to minsan pag gising ko ng gabi
dahil mula tanghali tulog ako. Nasusulit ko ba ang araw ko sa pagtulog kong
ito? Siguro. Pag gising ko ugali ko ng tumingin sa salamin, at doon ko nakitang
kumikinang yung mga mata ko. Yung kinang na may saya. Satisfaction. Yung mapapasabi
kang “Oh sarap!” nakapagpahinga kasi.
Nabubuo ang bawat araw sa ayaw man o sa gusto
mo..kaya buuin mo ito sa parang nais mo..yung makakapagsaya sa puso mo. Hindi
naman nasasayang ang lahat basta alam mong naging maligaya ka. Nasatisfy mo ang
sarili mo. Mas maganda sana kung kasama mo yung mga taong mahal mo..o kaya
naman nakatulong ka sa ibang tao. Kahit anu mang paraan ang gusto mo sulitin mo
ang bawat araw na bigay sayo.
Carpe diem! Seize the day!
"...may sasabihin ako sayo. Sekreto lang to."
TumugonBurahinsige gusto mo din bang sabihin dito?!? :) para secret na secret :D
TumugonBurahin