Happy ever after did
exist..it really does!
“Ikaw ang bigay ng maykapal..tugon sa aking dasal..”
Mangiyak-ngiyak ako ng marinig ko ito nung Sabado doon sa kasal ng kaibigan ko.
Ewan ko ba naisip ko kasi parang kailan lang gumagawa pa kami ng projects noong
high school ngayon papalapit na siya sa altar para tumungo sa ibang parte ng
kanyang buhay. Ang nakakatuwa pa niyan medyo napressure ako. Mas lalo akong namumulat sa edad ko. Ngayong buwan yung co-teacher ko
dati ang ikakasal at next year yung isang
kaibigan ko pa sa Cavite. Nakakalokang iba na ang dahilan ng pagsasama-sama
namin..panibagong stage ng buhay..parang pelikula.
Sa mga naranasan nila minsan parang imposible na. Pero sa
huli may nakalaan talagang happy ending. Kaya medyo nabuhayan ako ng
loob..kahit na ang totoo niyan buhay na buhay ang loob ko..nadagdagan lang
pala. Ang korni kasi talaga ng mga babae. Sila talaga ang laging nasa fantasy
side ng storya. Sa kabila ng lahat..ito ang nasa isip ko..narealize kong happy
ever after do exist..it really does!
7:13 pm
July 2, 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento