Martes, Disyembre 30, 2014

Ang Nakatagong Kabanata
Di ko na alam kung paano magsisimula muli..pero isa lang ang alam ko..it is not starting over but continuing without…di ko na kayang simulan ulit ang buhay ko dahil ayokong magsimula na wala sya..pero kaya kong magpatuloy para sa kanya..
Hapon noong araw na yun..kinakausap ako ng principal gusto nyang i-handle ko yung girls scout sa school namin..pagtapos ng paguusap na yun balik agad ako sa faculty para sana umuwi na kaso nabasa ko yung text ng kapatid ko. “ Ate umuwi na kayo ayaw na kumain ni tatay.” Hindi ko alam kung bat iba yung pakiramdam. Umiyak na ko at nagpaalam na di na ko papasok kinabukasan. Tahimik kami paguwi sa bahay..walang kibuan..si ate nagaayos papasok sa trabaho nya..gabi na nung makarating kami sa Cavite. Dumaan pa kami sa isang mall para bumili ng pang salad at iba pang pagkain na pwede kay tatay. May sakit kasi sya sa kidney sabi naman ng doktor kahit di daw ipa-dialysis kaya nang gamot dahil di naman daw ganun kalala. Pero nung gabing yun ibang-iba si tatay kung ikukumpara nung huli namin syang makita.
Nagwalk-out na si Gara nung binibilinan sya ni tatay. Halos lahat kami kinakausap na. Pinakain ko sya nung salad.. pakonti-konti lang yung nguya nya..sabay inom ng tubig na nakastraw dahil hirap na syang iangat ang katawan nya.
Lahat kaming magkakapatid nakapaligid sa kanya, maliban kay ate na pumasok sa trabaho. Lahat nagaasikaso, nagaabot ng kailangan, pero tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nya. Bihirang matahimik ang bahay namin pero sa pagkakataong yun tahimik. May kaba. Kanya-kanyang tingin sa bawat sulok ng kwarto. Walang umiiyak. Nakikinig lang. Nagpipigil.
Hawak ko yung kamay ni tatay..nasa gilid nya ko..di na ko umalis dun pagdating namin..” Tay, dalin ka na namin sa ospital ah.” Umiling sya. Wag na daw kaming magabala dahil alam nya kung hanggang kailan na lang. Feeling ko naninigas yung mukha ko kakapigil ng luha sa mga sinasabi nya.
“Magagaling kayong magkakapatid..ipagpatuloy nyo ang nasimulang pangarap..” sabi nya sakin..gusto ko ng sumabog..isa yun sa mga pinakamahirap na punto sa buhay ko. Hindi na ko nakapagsalita dahil alam kong pagsinubukan ko tutulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigil.
Mas lalo kaming pinatatatag. Dahil palala ng palala yung lagay nya. Naghanap si nanay ng ambulansya habang kami salitan sa paghaplos sa katawan ni tatay. Nakapaligid kami habang hinahaplos yung mga bahagi ng katawan ni tatay na unti-unti ng lumalamig. Alam ko naman yung nararamdaman nila..namin..takot. Kaya tahimik lahat.
Di mapakali si tatay..palibot-libot yung mga mata nya. “Matulog na kayo..wag nyo na kong intindihin..” Kunwari yumuyuko kami at pagpumikit na tayo ulit.
 Pagdilat nya nahuli na naman nya kaming gising sabi nya, “ Matulog na kayo!” Sa galit na tono ng boses nya. Higa at bangon na naman kami dahil di mapakali.
            Bigla syang nagsalita, “ Dang tulog na tayo..” Di ko na kaya..tumabi na ko sa gilid nya at umiyak..hinalikan yung ulo nya at kamay habang hinahaplos dahil nanlalamig na..pakiramdam ko sinsabi nyang sumusuko na sya..
            Mas matindi pa yung mga sumunod na nangyari. Sumisigaw na sya. Huminto ako sa pagiyak dahil lahat kami nagpapakalma na. Anu daw bang nangyayari sa kanya?Uminom daw ba sya ng alak? Sabi nya pa, “Pasaway ba ko?Pasaway ata ako eh..”
            Lahat kami sumagot ng hindi. Sabi ko, “ Napalaki mo nga kami ng maayos eh..” sabay yakap sa kanya..
            Hindi ko alam kung nararanasan to ng lahat ng tao bago mamatay ..pero nakikita nya na daw si Lola..sampung taon ng patay si Lola..pinapakuha nya na yung sapatos nya at tsinelas..para bang aalis na sya..
            Nagpapaupo sya dahil di nya na kayang buhatin yung sarili nyang katawan..di nya na kayang iangat ang paa’t kamay nya..bangon higa sya..hindi mapakali..pinatataas yung paa..maya-maya ipabababa..gusto daw nyang madumi at umihi..hindi nya daw maintidihan ang sarili nya..
            Sabi ni Mary, matulog ka na kasi..sige ipikit mo yung mata mo..sabay hawak nya sa mga mata ni tatay..makakatulog saglit pero magigising ulit..pauli-ulit na nangyari yun..
            Hindi ko alam pero inis na inis ako sa ambulansya sa sobrang tagal..hindi ko maiwasang masabi na akala ko sa pelikula lang nalelate ang ambulansya pati pala sa totoong buhay..
            Humina na ang pagsasalita nya..hanggang sa hindi na..pagiling at pagtungo na lang ang nagagawa nya..pumalibot na kaming lahat  habang hinahaplos ang bahagi ng katawan nya..na lumalamig..palamig ng palamig..pinaupo namin sya habang lahat na kami yumayakap..lahat nagsasalita..nagaantay ng sagot nya..
         Lahat may ginagawa..nakaikot kami kay tatay..nagpapatawa pa si Mae at Mary..hanggang sa di na rin sya makatungo at makailing..mata na lang nya ang gumagalaw..kaya sabi ni Mae “ Tay tingin ka sa maganda wag kang tumingin dyan kay Budang..tay..” hanggang dun na lang..yung huling pag galaw ng mata ni tatay..pahina na ng pahina ang pulso nya..at paghinga..
            Pakiramdam ko nun ako na ang  pinakawalang kwentang Mapeh teacher na nagseminar ng first aid pero di magamit yung natutunan..
            At tulad nga sa mga teleserye dadating ang tulong pagwalang wala na..di na umabot sa ospital si tatay..iyak na kami ng iyak sa sasakyan..
            May mas sasakit pa dun..yung paguwi mo at ibabalita mo sa mga kapatid mo ang nangyari..na wala na..wala na talaga si tatay..sa mga panahong yun dun na umagos ang luha..palitan ..walang tigil..parang di na matatapos..
            Kinaumagahan kailangan ng asikasuhin ang burol..kakadating lang din ni ate galing sa trabaho..tulala..di nakakausap..tahimik na umiiyak sa jeep habang itinatago ang mukha sa likod ko..papunta na kami sa funeraria..at pagdating dun pinapipili kung anu ang kabaong na gagamitin ni tatay..ang sakit din pala pag tatay mo na yung pinipilian mo ng kabaong mas masakit pa sa iniisip mo..pero sa panahong yun parang wala akong karapatan maging mahina..dahil si nanay sinusuntok ang pader at di na nya daw kaya.. si ate naman di na makausap..
           Hindi lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Ang haba ng kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..
            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin para sa kanya..lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Mahaba pa ang kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..

            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin ..para sa kanya..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento