10:58 pm
How
are you? I’m fine. Thank you!
Sobrang daming araw na ang nagdaan..at feeling ko ang
daming nangyari..aligaga ako sa lahat ng gagawin at parang nawalan ako ng oras
sa sarili..yung tipong pati kuko ko di ko magupitan..at di na magawang tumingin
sa salamin ng matagalan..”haggardous days” talaga pero salamat at ako’y buhay
pa..at para ipaalam sa utak ko kung anung mga nangyari.eto ikukwento ko..para
naman kahit konti magising ako..
·
Natapos na nung Tuesday ung “Wellness
Dancercise na pinagpapraktisan ng mga batang tinuruan ko. Isa yun sa nakagaang
sa buhay ko..yun lang naman ang dahilan kung bakit ginagabi ako ng uwi nung
nakaraang linggo..at dahil tapos na ang laban..tapos na din ang laban ko! :D
Achievement to dahil nagturo ako ng sayaw kahit di naman ako sumasayaw. May
himala talaga basta maniwala ka! Haha :D
·
Bigla bigla kang gagawing emcee dahil
nagkaturuan na..wooh! wala akong magawa kung hindi masanay sa turuan portion ng
mga teacher dito...yun bang ang dami nyong English teacher pero lahat ayaw magemcee..sa huli sa baguhan
ang bagsak kahit na Mapeh pa ang itinuturo mo..wag ka magalala di ka
pinagtulungan..pinagkaisahan..naisip ko na lang sige lang sanayin nyo
ko..malaking tulong to..narealize ko din na pag wala pala yung mga kaibigan ko
sa harap ko di na ko nagkakamali..ni di na ako nakakatawa kaya seryoso sa
pageemcee..
·
Ngayong araw niread ung mga grades na
kinompute ko at isinulat ko sa card at form 137..kya sobrang nakahinga na
ko..another successful story ito! Mapapangiting wagas ka pag binasa na ung
pangalan ng huling bata sa listahan.
·
Pag wala kang friends susubukan mong aliwin
ang sarili mo. Libutin ang palengke ng Concepcion at kumain doon. Kailangan
matuto magisa. Wag sumandal sa iba. Kaya kumakain na ko ngayon ng lunch. Naging
parokyano na ko ng Mcdo..chicken fillet with fries at green apple sprite mcfloat
ok na ang tanghalian ko. Namumukhaan na nga ata ako ng mga crew..kabisado na
rin ata ang order ko. Hanggang ngayon na lang to next week maaga na ulit uwi
ko. Normal na ang buhay ko.
·
Natapos din ang bday..sa totoo lang napansin
ko laging pagod ako pag bday ko..kaya di ko na inaanticipate napapagod lalo
ako..maaappreciate mo naman lahat ng babati sayo..pero mas maganda sigurong
maalala ka nila kahit di mo bday..un bang kahit di mo special day papasok ka
bigla sa isip nila at kakamustahin..para kasing nagiging gawi lang pag
bday..kaya pagpaulit ulit ang korni..sabagay dapat na ring magpasalamat kasi
naalala ka din naman nila sa kabila ng ibang bagay na ginagawa nila sa araw na
yun..anyway naisip ko lang naman un..un bang naaalala din kaya ako ng mga to
kahit di ko bday?!? Just a thought.
·
Yun bang may magtatanong sayo anu bang problema? Tas pag sinagot mo
iiyak.. ang hirap magsabi ng totoo lalo na pagkatapos mong magsalita iiyak yung
sinabihan mo dahil di nya matanggap yung sinabi mo..minsan o laging pahamak
yung bibig ko..nahihirapan akong itago ung totoo..kaya nakakasakit ako..sa una
nakakakonsensya pero napapanatag talaga ko pag nasasabi ko na..di nga lang
lahat kayang tumanggap ng katotohanan..well the truth hurts..sareeh!
Marami
pang susunod na adventures. Pero ngayong weekend I’ll give myself a time to
rest. Kinulang ako sa tulog..babawi ako! Namiss ko yung ilang oras na tuloy
tuloy na tulog..yung pagbuo ng malawakang mapang nabubuo sa unan dahil sa laway..un
ang masarap na tulog.. nagpapatunay na pagod
ka..haha J
Nakakatakot ang pagbabago. Pero
sa kinalalagyan ko ngayon. Mukhang nasasanay ako. Adventures here I come! Try
me! I’m not ready but I’ll give you what you want!
And
now if you’re going to ask me how are you? Well, I’m fine. Thank you!
Goodnight!
J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento