Biyernes, Marso 14, 2014

Ok Lang Naman! Sana..

                                                     Ok Lang Naman! Sana..

            May punto sa buhay kong niloloko ko ang sarili ko, yung pakiramdam ko ok  lang ako pero hindi naman pala. So, wag na dapat akong magsinungaling stage of denial to! Naisip ko kasi nung mga nakaraang araw nakikita ko na yung ibang sintomas ng di pagiging ok..at ito ang iba sa kanila..
1.Paglilinis ng locker - na sobrang kinatatamaran ko dahil ang daming tambak na dagdag sakit ulo.
2.Pakikinig sa music nang todo ang volume – minsan nakakabingi na pero ang sarap sa feeling. Ayokong makarinig ng mga pampa-bad vibes kaya sa mga sarili kong music na lang.
3. Pagbisibisihan kahit busy naman talaga – Gusto ko busy ako kunwari para mawaglit ang mga iniisip na nakakastress lang.
4. Pagkanta ng malakas- basta nakakalabas kasi ng inis yan..mas maganda nga sana yung makapatid litid na pag sigaw
5.  Magdrowing – nakakatuwa kahapon sa sobrang ewan sa pakiramdam nakapagdrowing na ko ulit..so happy lang! kaya ko pa pala ang tagal ko na kasing natigil..
6. Magsulat- ng kung anu-ano.. yung mga iniisip ko para mabawasan
7. Gumupit -  ng kung anu-ano din basta cute nung high school naging koleksyon ko yung mga pinaggugupit ko na ginagamit ko sa scrap book ko..
8. Tumulala – ng ilang minuto para maipahinga ang utak..
9. Magbasa – ng kung anu-ano na makapag-papagaan sa loob ko..yung nakakainspire..yung magpapatawa sakin..buti na lang marami dyan sa tabi-tabi..
10.  Kaskasin ang gitara ng malakas – isa to sa pinakadabest gawin..siyempre pag magisa ka lang sa kwarto..yung napipigtas-pigtas na yung string ng gitara sa lakas..
11. Tumingin ng seryoso sa salamin - na kinakausap ang sarili at tinatanong kung anung nararamdaman ko..naipapakita naman nito..lalo na pag nakatitig ako sa mga mata ko..

Alam ko naman napansin ko na din matagal na..ito ang paraan ko para makatakas sa kung anu mang bumababagabag o gumugulo sa kakaunti kong pagiisip. Ayoko lang magisip nakakapagod na..pwede namang maging masaya..magpakapagod..at matulog na…bukas na naman ay umaga…

Linggo, Marso 9, 2014

This Is What I'm Feeling Right Now!

          What's annoying about myself is that there's a time when I don't want to do anything. I am so lazy that I hate myself for being like this stupid unproductive person. I'm supposed to be doing a lot of paper works today but I ended up singing and recording my voice all through out the day. I can't help it.I hate seeing myself like this, acting like a child and not considering the things that I must be doing. 
          I miss being a child! Having my parents here beside me and telling me what to do. I miss having someone who pushes me to do everything I need to do..someone who will tell me that I should do this and that..someone who can give me a lift..someone who can show me the things that I'm capable of doing..someone who trusts me..that I can do great things..
         Where are you now?!?
          I'm already here! 

          The best part is I really love myself..and I'm trying to get out of this feeling! So bye for now..I realized that I should stop acting like this.. there are so many things to do..and this seems to be a waste of time though it really helps me..its a great day but an unproductive one..

- You can do it! I know you can! Just don't sleep!


         

Sabado, Marso 8, 2014

Makrema Talaga :)


            Hindi naman ako mukhang katiwa-tiwala pero dahil maaga akong pumasok nung nasa  elementarya pa ako, kaya ako ang tagahawak ng susi ng room namin. Grade six ako noon, lagi akong huling umuuwi at unang pumapasok.
Naging teacher’s pet ako dahil sa pagiging early bird ko. Kaya kung may gagawin man ang adviser ko na si Ma’am Crema napapatulong ako ng di oras. Taga-rewrite ako ng mga sinusulat niya na ibinibigay niya sa principal namin. Tuwang-tuwa ata siya sa cursive handwriting ko o baka tinatamad lang, kasi pati Form 137 namin ako na ang nagsusulat kahit na napakaimportante nun.  Siyempre proud na proud naman ako kahit masakit na ang mga kamay ko.
Sabi niya pa “Wag kang magtiteacher ah alam mo na yung mga gawain!” Hindi ko man pinangarap nandito na rin ako ngayon. Marami pa kaming pinagsamahan kaya mas minahal ko pa siya hindi lang bilang isang guro kung hindi isang ina na rin. Nahilig ako sa Science at English dahil magaling siyang magturo. Nasa utak ko pa yung luma niyang chart na may drowing ng “Circulatory System” kaya pag dating ko ng high school interesado na ko sa biology alam na alam ko na kasi kung paano gumagana ang puso ko.Competent talaga siyang teacher siya pa nga ang may hawak ng school paper namin kaya madami talaga siyang ginagawa. Marami akong natutunan sa kanya.
May isang araw na aligaga siya sa mga gawain. Kaya ipinadikta niya sa akin yung answer key ng isang mahabang exam na puro letra lang naman. Nakakunot talaga ang noo niya. Noon ko lang siya nakitang ganoon kasungit. Nang simulan ko na ang pagdidikta ng mga sagot nabubulol ako sa takot. Nanginginig pa nga ang aking mga tuhod. Sa bawat mali kong pagdikta sorry ako ng sorry sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw..
 “Anu ba! Nasa honor ka ba talaga o kabisote ka lang!”
Wala na tumulo na..tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ngayon lang ako nasigawan ng isang guro. Iniwan ko ang susi at umuwi. Hindi na ko pumasok kinabukasan.Hindi ko na maalala kung paano kami nagkabati. Ang alam ko lang sumama talaga ang loob ko paborito ko kasi siya. Alam ko namang nararamdaman niya.
Bumalik naman kami sa dati. Naging mas matibay pa nga ang samahan namin. Alam na alam ko ang kwento ng buhay niya na lagi niyang ikinukwento pagdalawa na lang kami. May isa siyang anak at wala na ang kanyang asawa. Namatay daw dahil sa komplikasyon sa kidney. Mas lalo ko pa siyang hinangaan ng nalaman kong dinonate niya ang isa niyang kidney para sa asawa niya. Nakakalungkot  na namatay din ito makalipas ang isang taon. Ganoon siya katapang. Isa siya sa mga taong tinitingala ko.Kaya nga kahit high school na ko tuwing June 24 bumabalik ako sa kanya para batiin siya sa kaarawan niya.
Pagnahihirapan ako sa mga gawain ko ngayon iniisip ko siya. Kung gaano siya katatag sa mga nangyari sa kanya. Iniisip ko na lang na maliit pa yung mga problema ko. Marami pa kong mararanasan. Marami pa kong batang matuturuan. Isang mahaba pang pakikipagsapalaran.
Nakakatuwang sa paglalakbay ko may nagpakrema dito..ang nagpaputi sa kape ko..nagpasarap..nagpaliwanag sa isip ko..
-       Namiss ko si Maam Daisy Bago Crema. Nakikibalita nga daw siya kay nanay nagulat nang malamang naging teacher din ako.

-       Epekto iyo ng dalawang tasang kape. Sana makatulog na ko. Goodluck! 

Bulag Ka Ba? Sana Ika’y Makakita


            Naisip ko lang maraming taong bulag, minsan ako rin naman. Pero bulag tayo sa iba’t-ibang paraan.
§  Una, pagbubulag-bulagan kahit alam mo naman at nararamdaman. Todo deny ka lang at niloloko ang sarili.
§  Pangalawa, bulag talaga. As in hindi makakita, walang alam at wala sa isip. Wala ding pakiramdam.
§  Pangatlo, bulag  na feeling nakakakita hindi naman pala. Akala niya alam niya hindi naman pala.
§  Pangapat, may bulag din sa sariling paniniwala. May mga sariling imahe siyang nakikita. Pansarili lang ang lahat, yung iba nawawala na sa paningin nya.
§  Panglima, ang nakakakita ng lahat pero siya ang di nakikita. Magbubulag-bulagan na lang siya kasi no choice na.

-          May mga bagay talagang mas nakikita ng puso..hindi ng mga mata..

            The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched - they must be felt with the heart. – Helen Keller

This is it! Pansit!

          Ito ang pagkaing pinaka-inaayawan ng ate ko. Dalawa lang naman ang dahilan nya. Una, dahil sobrang naumay siya dito noong pilit na ipaubos sa aming dalawa ng tita ko ang tira-tirang pansit dahil pinagsabay ang kaarawan naming dalawa. Pangalawa, dahil sa isang alaala na di namin makakalimutan..isa lang sa napakarami naming pinagsamahan..
            Tuwing may handaan sa barangay namin at imbitado ang aming pamilya as usual hindi ako sumasama. Mas gugustuhin kong maiwan sa bahay kasama si tatay. Nakakahiya kasing makisalamuha sa mga taong di ko araw-araw nakakasama kaya ang ending nagpapabalot si nanay para saming dalawa  ni tatay. Minsan paguwi nila nanay galing sa handaan may uwi silang pansit. Siyempre tuwang –tuwa ako at nilagay na ito sa plato para kainin. Ginawa ko ang unang pagsubo at nang papangalawahan ko na may kumuha ng tinidor..si ate pala..
            Sabi ko na lang, “ Anu ba yan kumain na nga kayo dun nakikiagaw pa kayo dito!”  
            Hinawakan niya bigla ang buhok ko at nginudngod ang mukha ko sa plato habang sinasabi, “ Eh di kainin mo!”
            Wow ang sarap ng pansit! Damang –dama ko.Hindi ko nalasahan pero naramdaman. Buong mukha ko ba naman ang kumain eh. Tumulo na lang ang luha ko. Akala ko kasi dati sa mga teleserye lang talaga nangyayari yun, nakakaiyak pala talaga sa totoong buhay. Siyempre sa huli wala ni isa samin ang kumain ng pansit. Natapos ang araw na nasa magkabilang sulok kami ng kwarto at umiiyak. Siya, dahil napagalitan ni tatay sa nangyari. Ako, dahil sa pagkakangudngod at nakokonsensya na rin siyempre. Naisip ko kung hinatian ko kasi si ate hindi siya mapapagalitan ni tatay. Pwede naman kasing magbigay nagdamot pa ko. Mula noon mas natuto pa akong magbigay, lalo na sa mga kapatid ko.
            Kaya ngayon sa tuwing makakakita ako ng pansit ito ang naaalala ko. Natatawa na lang ako. Siyempre super laughtrip pag andyan din yung mga kapatid ko na nakakaalam sa nangyari. Nagrerequest pa silang ireplay namin. AYOKO NGA!  Masyado ng pamilyar ang mukha ko sa lasa ng pansit. J


Huwebes, Marso 6, 2014

Minsan...


            Minsan ayokong maglabas ng nararamdaman sa iba..alam ko kasing di nila ako maiintindihan..kakaunting tao lang kasi ang nakakaintindi sakin..mga nasa malayo pa..yung iba malapit nga pero malayo naman haha..ang ironic ng buhay..
            Minsan yung akala mong di ka maiintindihan yun pa pala yung makakaintindi sayo..
            Minsan akala mo mabigat yun pala magaang lang..pinabibigat mo lang..
       Minsan akala mo di ka niya maiintindihan yun pala..sobrang naiintindihan ka niya..pareho pa pala kayo ng iniisip..
            Minsan wala sa itsura..kasi laging nasa puso lang pala..nakakatakot lang talaga ang itsura nya..haha J pero may nasasabi siyang maganda..
            Minsan parang ok siya hindi naman pala..
           
            Minsan akala mo minsan lang pero palagi na naman pala.. pero gaano nga ba kadalas ang minsan?           

            a. paminsan-minsan
            b. minsan lang
            c. palagi

            Minsan para kang tanga yun pala hindi lang minsan araw-araw pala..haha J
Minsan lang to kaya pagbigyan nyo haha :) What a day!  
           


           


            

Ang Sulat

Hindi ako magaling magkwento pero gusto kong isalaysay ang buhay ng isang taong malayong-malayo sa tatay ko, pero napahanga niya ako. Isa siyang taong sa paningin ng mga anak nya ay walang kwentang ama. Sugarol,mabisyo at walang direksyon ang buhay, yan ang mga deskripsyong karaniwan kong naririnig sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sumasangayon naman ako dahil yun din naman talaga ang pinapakita nya,aminado pa nga siya at minsa'y nagyayabang pa. Ganun pa man kahit kailan di nawala ang respeto ko sa kanya dahil mas nakakatanda siya at hindi kami tinuruan manghusga ng iba.
“Bakit pa kasi namatay si Tita Au eh dapat si Daddy na lang”,sabi   ng isa sa mga anak niya. Nalungkot man ako sa narinig  wala naman akong nagawa. Nakakalungkot na manggagaling sa bibig ng sarili mong anak ang mga ganung salita.
Dumating sa puntong nagbakasyon ng ilang buwan ang buong angkan nya at naiwan siyang magisa. Naisasama siya o naaalala pag walang drayber ang pamilya.
Sinubukan kong kausapin ang isa sa mga anak nya. Puro hinanakit lang ang narinig ko at walang kahit kaunting liwanag sa isip nya. Wala akong nagawa. Lalo lang akong nanghina.
Kakaunti lang kaming nakakaintindi sa kanya kaya siguro naisipan nyang lumayo at hanapin ang sarili nya. Ilang buwan siyang nawala. Nagtatanungan kami ng mga kapatid ko kung asan na sya. Kami lang naman ata kasi ang may pakialam sa kanya.
Kahapon, natunton na niya ang pinapasukang trabaho ng kapatid ko. Namimiss nya na daw kaming tatlo. Hindi sya makaalis dahil stay in sya sa trabaho. Maraming kwento pero isa lang ang pumukaw sa atensyon ko.
Bago sya umalis nagiwan siya ng sulat sa kapatid ko. Pakibigay daw sa asawa niyang matagal na niyang di nakikita. At ito ang nilalaman nito:

“The mind can easily forget.. but the heart can always remember..
I love you..
I miss you ..
I need you..”

            At dito umiyak na kaming tatlo..humanga ako..mas minahal ko pa ang taong ito.