Sabado, Mayo 31, 2014

Lalong Tumatagal..Mas Sumasarap..       
Nung mga nakaraan araw talaga naging duwag ako. Itinago ko ang sarili ko sa mga libro at mga pelikulang nagpapakalimot sakin ng lahat. Wala rin namang saysay. Tumakbo lang ako at tinalikuran ang lahat. Wala din namang nabago. Ganun po din naman ang nararamdaman ko. Nagbabasa ko para makalimot. Nanunuod ng kung anu-ano para sa gabing di ako makatulog sa mga iniisip ok lang kasi may pinapanuod ako nawawaglit lahat ng iniisip. Pero “It’s not working!” naalala ko minsan sabi yan ng isang pari.
            Kaya rin ginusto kong hindi magsulat kasi ayokong mabasa yung mga saloobin ko. Baka dumagdag din kasi sa hirap na dinadala. Ganun din pala di ko lang nailalabas, napupuno. Di ko makanta yung “Oh yes I’m a great pretender..” kasi di ko kaya. Ang hirap magsinungaling sa sarili. Nagmamatigas kahit di naman. Habang naliligo ako minsan gusto ko ng umiyak kaso walang tumutulong luha. Sabi ko pati luha ko nagyayabang na din na kaya ko. Nakalimutan ko na hindi lahat ng matapang kinakaya lahat. Pwede ring tanggapin ang pagsuko.. mas magaang. Acceptance lang naman pala bakit pa kinailangan ko pa magdrama.
            Sabi ni Brida dun sa binabasa kong gawa ni Paulo Coelho nasa sa atin na kung pipiliin nating snakes and scorpions o strong protecting force ang nakapaligid sa atin. Sa huli choice natin lahat. Ang buhay parang Dark Night unexpected lahat kailangan lang nating maniwala sa kabila ng dilim nating nakikita. Sa maliit na paraan na yun mapapamper natin ang sarili nating ok ang lahat. When you are at your weakest and lowest point you have no choice but to stand  up! Wala ka na rin naman kasing pupuntahan pa nasa baba ka na eh ang possibility na lang ay umangat ka.
            Pag gising ko kanina..  napangiti ako ng maisip kong “ Mabuburo na ata ko kakaantay.” Then a sudden thought came, “ Masarap ang buro habang tumatagal.”  Naalala kong sabi ni Tita Malou. Oo nga naman hindi lahat ng tumatagal nasisira, napapanis o nabubulok yung iba sumasarap. Gusto kong maging alak o kaya adobo habang tumatagal sumasarap. Mas nagiging better. So I’ll just need to be better.
We are not worthy of the things we have but we should make ourselves worthy of something! Nakakahiya naman sa ibang blessings na bigay Niya if we are going to be a loser. So tayu-tayo din pag may time. Di pwedeng langing nakahandusay sa sahig. Ito na ang climax ng buhay. Enjoy!
           
It’s just the way how we see things.
Namiss ko to! Ang paglalabas ng tunay na ako.
What a great day! Ngayon ko na lang ulit nasabi to.

Nakalimot akong laging may magandang umaga. Ngiti na. J

Linggo, Mayo 18, 2014


"Reality"

Minsan kahit gising ka na
Ayaw pang idilat ang mata
Paara bang ayaw makita
Ang lungkot ng umaga

Magbibisi-bisihan sa tanghali
Kahit init ng araw ay naghahari
Humanap pa ng ibang dapat gawin
Upang magisip ay di na naisin

Sa gabi nama'y nakapikit na
Ngunit isip ay mulat pa
Gising ang diwa at inuunawa
Ang mga pangyayaring nagwawala

Akala mo naman maloloko mo ang sarili mo
Ikaw lang naman ang higit na nakakakilala dito
Wag ka nang magtangka
Ibukas na lang ang puso't magsalita.



"Fragile"

Babasagin ang puso ko
Tila ba marupok na ito
Hindi na matagalan ang sakit
Hindi alam kung saan kakapit

Sa isang segundo ay maaaring manghina ako
Mawala sa pagkapit at maging ibang tao
Hindi ko na makilala ang sarili ko
Para ding nasa iba na kong mundo

Patuloy pa rin naman akong nangangarap
Na ang paraiso ko'y mahagilap
Ngunit malungkot ang paglalakbay na ito
Nasa kwebang kinakausap ang sarili ko

"The Red Pillow"

     When I was just a little girl I used to have a friend back then. I have my sisters to play with me whenever we had the time to do so. Happy times were spent with them but when I wanted to cry I would go to our room and let my tears be seen by my only best friend "the red pillow." I'm an introvert for some reasons that I can't tell. I want them to know it but I really can't. It's just that they might think differently about me if I'm going to tell it. So that secret was kept with my wonderful pillow who knows everything about me. Whenever I feel helpless I would go to him and cry as long as I wanted. Sometimes I'm wondering if that certain thing could be a person what would it feel? It was a relief everytime I let my emotions flow with him. I didn't even remember giving a name on it. But it was so special to me for what we have been through.  I don't have an imaginary friend but a real friend beside me whenever I need it. Sad to say I don't know what happened to it since it has been a long time. I'm just missing it now. I'm missing something who can listen to me.

Miyerkules, Mayo 7, 2014

Buntis Nga Ba Ako?

     "Nay buntis ako!  Ganito ba yung feeling pagpumutok na yung panubigan?"Ito yung natatandaan kong mga linya nung nananaginip ako. Binangungot na ata ako sa sobrang tulog nung mga nakaraang araw. Iyak ako ng iyak nun. At biglaang nagsink in sakin...buntis?!? Bakit nga pala ako mabubuntis? Boyfriend nga wala. Susmaryosep! Natigil ako sa pagiyak at hinawakan ang tiyan ko. Bumalik na ko sa ulirat. Naloka man ako sa panaginip na iyon napapatanong pa rin ako kung anong ibig sabihin nun. Kaya para matahimik ang aking isip naisipan kong maghanap ng kahulugan nito. Sabi kasi ng prof namin noong college yung ibang bagay daw na gusto nating mangyari sa totoong buhay lumalabas sa panaginip. So inisip ko naman kung may konek. Di naman ganun ang pagnanais kong magkaanak agad kaya mukhang may ibang kahulugan ito. Kaya heto may mga nahanap ako na nagbigay kahulugan dito.

What do dreams about being pregnant mean?
"At its core, this dream is about creativity," Mead says. "Women literally create new life out of their bodies. If you dream of being pregnant, you are likely craving time to be creative, or 'dreaming up' a new and exciting creative project that will come into existence down the line. This could be as small as a home-based renovation project or a large-scale artistic work."

If you are a younger woman who dreams of getting pregnant, but has no waking intention of doing so, it is likely that you are working through an archetypal transition into a new self-awareness

Dreaming of being pregnant may be a sign of your real fear of getting pregnant. In most cases, dreams about pregnancies represent psychological conditions, for instance you might be waiting for something to happen in your life and you have worries and fears about it.

     Ang daming explanations hindi ko tuloy alam kung anung paniniwalaan. Anyway masarap lang kasi magbasa tungkol sa kakaibang mga bagay. Excited tuloy ako sa mga susunod pang mga panaginip ko haha. Nakakabagot kung anu-ano tuloy naiisip ko. Pati tuloy panaginip pinatulan ko na. Makatulog na nga. 

Lunes, Mayo 5, 2014


"Alikabok"



Alikabok sa bintana'y balik ng balik
Parang mga alaala mong humahalik
Punasan man ito ng ilang ulit
Ilang minuto lang ito na nama'y mangungulit

Gusto ko mang linisin at alisin
Bakit ba ang hirap nitong gawin
Susubukan ko na lamang itong titigan
Baka sakaling masanay na lamang sa nararamdaman..



"And I wonder if I ever cross your mind?
For me it happens all the time"

- Need You Now
Lady Antebellum


"Ang Panyo"


Pinulot niya  ang panyo
At iyon  ang unang tagpo
Ibinigay sa akin ito
At siya'y nagsimula nang magkwento

Marumi man ang bagay na ito at di alam kung kanino
Buong puso ko itong tinanggap at itinago
Sabi nila ang magbibigay sayo nito
Ay magiging dahilan din ng pagluha mo

Di naman ako naniniwala doon
Kaya aking nilabhan at sa bulsa'y baon-baon
Doon ko siya unang nakilala
Naikwento nya na ata pati buhay ng pamilya

Lumago pa ang paguusap na yun
Tila ba hinahanap-hanap na maghapon
Tumubo na at namunga
Punong-puno ito ng pag-asa

Ilang taon na ang nagdaan
Nasanay akong laging may sinasandalan
Yung tipong pag-iiyak ako
Uupo lang siya sa tabi ko

Alam niya naman kasing kaya ko
Kailangan lang iiyak ang mga problema ko
Nawalay man ako sa mga kaibigan ko
Siya naman ang pumuno sa bawat minuto

Pero totoo nga at ang kasabihan
Napalayo siya at ako'y naiwan
Naiwan akong magisa at luhaan 
Akala ko nga'y di na ko tatahan

Simula noon nawala na ang pagkahilig ko sa panyo
Iiyak na lang ako kahit luha'y tumutulo
Parang ayoko ng may kapitan pa
Baka masanay na naman at sa huli'y puro panghihinayang na

Isa sa mga senaryong dumurog sa aking puso
Ay nang malaglag ang panyo mula sa jeep na sinasakyan ko
Walang kalaban-laban habang ito'y aking pinagmamasdan
Lumalayo ang jeep at ang panyo'y di na mahahawakan