Miyerkules, Abril 9, 2014



Dream! Believe! Survive!

Sabi sa amin ni Maam Sanopo
Nabubuo ang salita dahil may pangangailangan dito
Parang ikaw lang at ako
Na siyang bumubuo sa mundo

Mahirap man itong isipin
Naghahanap ng dahilan at nakatingin sa hangin
Nandito ka at ako
Maniwala tayo may pagbabago

Hindi ko man alam ang inaantay ko
Ngunit parang may bumubulong sa puso ko
Nagsasabing magtiwala ka
Pramis! Ika’y magiging masaya

Minsan ang tiwala’y nawawala
Nakatuon sa malayo’t nakatulala
Buti’y may konsensyang nagsasalita
Wag kang tanga at maniwala

Dream! Believe! Survive!
Tayo na’t mag high five
Nakakatakot man ang daan
Lagi para sayo’y may nakalaan

Marami kang magagawa
Wag ka nga lang tumunganga
Halika na’t maging gabay
Maging inspirasyon sa iba at mag-akay

Wag magpatalo sa nararamdaman mo
Tapusin ang pagiisip kada minuto
Buhatin ang sarili at magpakasaya
Palitawin ang natatangi mong ganda






Martes, Abril 8, 2014

Thinking About Thinking ???



Minsan nakakapagod na, na ika’y laging mag-isa
Parang kulang na kulang pa kahit kumpleto na
Yung feeling mo na sayo na lahat
Hindi naman dahil lungkot ay ayaw paawat

Wala naman talagang problema
Yun nga ang problema mo wala na
Para kasing mas masarap kung may thrill
Kahit sabihin pa ng ibang chill

Alam mo naman pagkulang ka
So anung gagawin mo para makumpleto ka?
Hindi ko din naman alam
Tapos may mga bigla pang mamamaalam

Isip ka nang isip
Lalo na pag ika’y naiinip
Gusto ko na nga lang magkulong sa panaginip
Para makatakas sa mga iniisip

Masaya naman pag kayo’y magkakasama
Ayun pag magisa nageemote na
Ilang taludtod na aking nagagawa
Tila damdamin pa ri’y nagwawala

Hindi na kasi natuto
Nagdagdag pa ng sakit sa ulo
Ayan madala ka
Umiyak hanggang umaga

Sabi mo simula lamang ito
Oh anung dinadrama mo?
Wala lang naman
Wala lang akong kalaban

Tama na ang drama mo
Matulog na sa kwarto
Ipikit na ang mga mata
Laging may bagong umaga..

10:36 pm

Biyernes, Abril 4, 2014

Da Who?


  1. She knows when..am I going to cry..sasabihin niya na agad "Dianne" in her own tone na pinatitigil agad ang pagiyak ko kahit di pa nagsisimula..She also knows what.. to do paginis at punong-puno na ko..naappreciate ko yun kasi alam nya kung paano mapapagaan yung nararamdaman ko..ipapahiram nya yung earphone nya at magpaparinig ng music. She really knows me!


2. She knows what..am I going to feel..pag may ginawa siyang isang bagay. She's sensitive about it compared before. Malaki ang mata lahat ay nakikita..ni _ _ _ _! haha :) The best teacher in AP ( Araling Pangkire). Mahilig siya sa beauty products hindi niya alam na hindi na nya kailangan yun..maganda na kasi sya sa pagiging siya.


3. She knows how..to make me smile..to make me laugh..in short to make me happy. She's a fun loving friend. Ms. Vocabulary dahil maraming words ang nagmula sa kanya..nagkaroon ng transition o sabihin na nating bagong era ang language dahil sa kanya. "She sell chisel by the seizure." Laban ka? haha :)



4. He's great. I would love to be his younger sister..alam kong hindi ganoon kahaba ang pasensya nya pero masarap siyang maging kuya o ate kung gusto nya lang naman..marami kasi akong natututunan sa kanya..best adviser yan..kahit puro jokes may laman ang mga salita niyang tatatak sa utak..napakatalented..ubod nga lang ng sungit at mahilig manglait..walang dull moments pagkasama sya :) Huwag nyo siyang hanapin sa dilim siguradong mahihirapan kayo!


5. He's an Einstein..bukod sa mapanuri nyang senses madaming alam maligo lang ang hindi haha :) He's a good critic..balanse tumingin..astig din talaga..I admire everything about him. Kahit na tahimik nasa loob ang kulo..haha I mean marami siyang tinatagong galing..na pinipili niyang itago. Selfish lang haha :) Siya nga pala ang hari ng tulog. He can't help it!



6. Ang aming kalabaw haha :) He's thoughtful and sweet..kaso may pagkachildish..parang batang laging nagsusumbong sa nanay na nakatulis pa ang nguso. Ang hari ng FB! Upload dito upload dun. Mr. Picture din..emote kung emote..project kung project!

7. He's a gentleman? na ba o baby? para kasing bata na aasikasuhin pa..magpapapunas ng likod..magpapalagay ng powder..papamasahe atbp..in short kailangan niya ng yaya..yan ang lagi kong kaduet sa kanta..mabait na maldita..nagsusungit pa malaki naman ang mata haha :) Napakatalented din siyempre!




8. She's our mamaw..oh I mean mama haha :) may pusong inang isip bata kung mangasar at makipagharutan..palo dito palo doon..hampas dito hampas doon..isa siya sa may mga kapangyarihang gumanti sa mga pananakit ko..siya na siguro ang pinaka cool na ina na may pinakamalditang anak :)



        Magtatanggal na sana ako ng mga gamit sa locker ko kanina..natuon ang atensyon ko sa mga notebook na naubos ko kakasulat ng kung anu-ano..at nabasa ko to..isang taon na pala ang nakalipas ng magawa ko to sa sobrang pagkaaliw sa mga kaibigan ko. Mamimiss ko kayo :)





Fire and Ice




Ayoko ng lamig..panlalamig..
ang lamig na nanunuot sa buong katawan..
Ang nagpapahinto sa pagtibok..
ng puso mong marahan..

Pilitin mo mang ito'y wag pansinin
ito mararamdaman pa rin..
Dahan-dahan nitong pinagyeyelo
ang malambot mong pagkatao..

Gusto ko ng init..pagiinit..
Ang init ng pagmamahal..
Na siyang pumapaso..
Sa natutuyo mong puso..

Magdudulot ito ng sigla
At ginhawa sa tuwina 
Lumalagablab itong
Lalamunin iyong pagkatao 

Init at lamig
Ang humahati sa aking pagkatao
Gusto ko mang mamili
Hindi kaya ng puso ko.

9:47 am

Ang katahimikan ay di kadramahan..
..ito'y kapayapaan!

Kambal sa Uma :)



(Pinilit ko namang wag mabura..kaso kailangan ko na talagang maligo haha :)
Salamat napangiti mo ko..

Sabi niya gawin ko ulit ito
Ipagpatuloy pa ang nararamdaman ko
Hayaang dumaloy muli ang mga salita
Ilabas lang kahit di mo makita

May nakilala na naman ako
Isang katang-tanging tao
Naiintindihan niya ang aking mundo
Kahit na sobrang gulo nito

Tahimik lamang siya
At mahilig magbasa
Naniningkit ang mga mata
Ngunit maraming nakikita

Galak ang nadama
Nang sarili ko’y makita
Sa katauhan ng iba
Na parang kambal sa uma haha J

May kapatid na naman ako
Nakababasa ng aking pagkatao
Hindi na naman ako magisa
Pareho kasi kaming madrama

Para sayo ito
Salamat sayong payo
Nandito lang din naman ako
Para sayo J

Miyerkules, Abril 2, 2014

Puno ng Kulay ang Una Kong Paglalakbay

    Sa unang pagtapak ko sa silid-aralang iyon napuno ng emosyon ang puso ko. Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nakakakaba. Hindi ko alam kung anung dapat kong asahan. Lahat ng bagay ay bago at mga mukha ng iba’t-ibang tao. Tinatanong ko minsan ang sarili ko sino nga ba ako? Bakit ako nandito? Hala! Guro nga pala ko kaya ako naririto. Minsan lang kasi o sa simula ang hirap intidihin na guro na pala ako. Ang taga-pagbago, ang bigat no?
            Hindi ko alam kung sa lumipas bang dalawang taon na inilagi ko sa paaralang ito ay naging kapaki-pakinabang ba ko. Nasulit ko kaya ang pagiging guro o baka nagpraktis lang ako? Maraming buhay akong nasaksihan. Sila ang mga naging inspirasyon ko sa lahat. Akala siguro ng mga bata sila lang ang natututo, hindi lang nila alam na sila ang bumubuo sa pagkatao ko. May mga panahon mang lagi akong umiiyak hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Naisip ko kung hindi ko sila nakilala hindi naman ako magiging ganito. Alam ko marami ng nabago sa sarili ko. Iyakin pa din naman ako pero mas matatag na dahil sa inyo.
            Sa huling pagpasok sa silid-aralang iyon nanariwa ang kahapon. Ang simula ng lahat na siya ring naging katapusan. Nasabi ko sa sarili ko, “Bakit ganun pareho yung pakiramdam?” Nandoon pa rin kasi yung kaba na sa katapusang ito may magsisimula na namang bago. Mahirap iwan ang lahat, lalo na yung bumuo sa dalawang taon ng buhay mo. Minsan gusto kong maglupasay na parang bata at magiiyak tapos sasabihin kong “ Ayoko! Ayokong umalis dito!” Pero wala namang mangyayari pag ginawa ko yun. Walang magbabago.
            Iniisip ko na lang hindi naman mahalaga ang simula at katapusan…mas mahalaga ang paglalakbay. Ang paglalakbay kung saan may mga nakilala kang mga katangi-tanging tao. Mahaba pa ang daan. Hindi pa tapos ang paglalakad. Madadapa ka pa, tatayo, at muling magpapatuloy. Hindi naman sila mawawala dadagdag lang sila sa mga koleksyon mo. Sa napakahabang listahan ng mga taong nakasalamuha mo.
            Ngumiti ka na naging makulay naman ang una mong paglalakbay di ba?

-          - Taga-pagbago nga kami pero kami din naman nababago nyo.
-         - Gusto ko talagang yakapin sila isa-isa kaso nakakahiya. Gusto kong iparamdam kung gaano ko sila kamahal.

-          - Sana ganoon lang kadali ang lahat.

Huwebes, Marso 27, 2014

Listen..



I was swept away
Without a warning
Like night when the morning begins the day
I was swept away


     Wala namang masyadong epekto ang musika sa akin..wala naman talaga..yan..yang lalaki diyan hindi naman siya kagalingan sa pagkanta..ni hindi man lang tumatagos sa puso yung boses niya..mahinang klase..hindi lang naman ako pinatulog ng mga ganitong tao..paulit-ulit kong pinapakinggan yung mga kanta niya sa soundcloud..hay! hindi man lang ako narelaks..medyo konting himatay lang..para lang naman akong pinana sa puso..yung parang gusto mo ng humimlay forever at makinig na lang..hay kaya ayokong may naririnig na bago napupuyat ako..
     Ang pinakasexy sa lalaki ay ang mga mata nito..yung nagsasabi ng totoo..ang ngiti..yung kakaiba..saka da best ang boses..yung nakakamatay..yung nakakaspeechlees na mapapabuntong-hininga ka na lang..hindi ko na maexpress pa..wooh! I don't know how to sleep now! 
         Ang sarap makinig sa boses ng mga taong di mo kilala..naniniwala kasi akong "Music is the language of the soul" so parang pag nakarinig ako ng ibang boses ng ibang taong kumakanta ipinapakilala sakin ng taong yun yung kaluluwa nya ang buong pagkatao niya..haha at sinasabing "Hi! Ako to!" at dun ko mas nakikilala pa ang isang tao sa natatanging paraan..

          Well I enjoyed listening to these videos..nakakapuyat..panuorin nyo pa yung iba nilang kanta..ang astig..iba't-ibang personalities..


                 
       Siguro naman makakatulog na ko..I wish..goodnight :)