Hindi ko alam kung paano ko maeexpress ang pag-ibig pero parang ang bigat bigat nito. Kaya sa tuwing makakabasa ako ng kahit ano na may koneksyon dito..nasasabi kong eto pala ang nararamdaman ko.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito,
Kung hindi kita nakilala, di sana ako nabuhay,
Kung mamamatay ako at di kita nakilala
Hindi ako mamamatay, dahil
hindi ako nabuhay.
Nabasa ko yan sa LRT..berso sa metro..ayun lagi ng pumapasok sa isip ko..nakakahanga yung gumawa..pangarap kong makagawa ng ganyang tula :)
"Isaboy mo sa hangin ang lahat ng ninanais ng iyong puso na parang mga punla ng mga bulaklak at asahan mong hindi magtatagal at mamumukadkad ang mga ito sa napakaraming magagandang paraan.. "
Nagsimba kami isang linggo ng may mabasa ako sa mga tshirt ng mga choir members, tungkol sa pagibig..nakakainspire na sa bawat pagmamahal mo maraming mabubuting bagay ang maidudulot.
HAHAMAKIN ANG LAHAT
(Ni : Abdon Balde Jr.)
"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni Cherry. May halong biro. Para na rin niyang sinabing, "Pagputi ng uwak".
Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.
Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang.
Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak. Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at hirap.
"Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.
Isang linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa canteen.
"Para sa'yo , handa na ako", sabi ni Dindo.
"Oh shocks ! " sagot ni Cherry , nakangisi,
"Serious ka? Kami na ni Joko, noh ! "
Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang paa na may polio.
Malupit ang pag-ibig.
Ito man ang malungkot na parte pero.. ganito pa din kadakila ang pag-ibig!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento