My love
Is like the grasses
Hidden in the deep mountain;
Though its abundance increases,
There is none that knows.
Ito ay isa sa
mga tulang kailangan kong ituro sa mga batang wala namang pakialam. Yung tipong
ikaw naapektuhan na sa kanila parang wala lang kahit anung explain mo. Maubos
man ang laway ko kakaexplain gusto ko pa ding ishare to malay ko ba naman baka sakaling may
makarelate. Well, striking ang tulang ito para sakin dahil obviously ganito ang nararamdaman ko.
Hay! Ang hirap
ikeep nakakabaliw na..araw-araw lumalala..ang hirap na pigilan. Nagpupumiglas
na nga eh wala pa rin akong magawa. Valentine’s day na bukas hindi naman ako
malungkot dahil kahit anong araw naman pwede akong magmahal kaya hindi ako
napepressure. Medyo OA lang ang mga tao sa paligid na iniisip na “alonely” sila
sa araw na to. Sa pananaw ko kasi may pagmamahal namang di kailangang
ireciprocate, pwede namang unconditional diba?!? Kaya siguro eto ko nababaliw
sa kakalihim ng nararamdaman ko.
Alam ko namang
sa pagtatapos ng araw na to single pa din ako, pero sinisigurado kong maraming
taong nagmamahal sakin. Sana sya din J
-Undas ngayon para sakin. Araw ng
mga patay…
Araw ng mga patay na patay sa
pag-ibig. <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento