Biyernes, Enero 24, 2014

Just Give Me a Reason! :)

     Alam ko namang may dahilan ang lahat. Hindi naman kasi tayo gagawa ng mga bagay ng wala lang, maliit man o malaki may dahilan yan! Kaya heto ako nagiisip ng mga dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa ito. Meron nga ba? Naman!


  •  Una, ewan ko pero may kakaibang "gladness" akong nararamdaman pag ginagawa ko to. Para kasi akong may kaibigan pag nagsusulat na parang nagkukwento lang ako sa kanya. Hay! Nakakabawas talaga ng pasanin.
  • Pangalawa, nakikilala ko ang sarili ko sa pamamagitan nito. Minsan nagugulat na lang ako kasi parang hindi ako yung nagsulat ng mga naisulat ko na. Ibang ako, ibang-iba talaga. Nasasabi ko na lang minsan ito pala ako.
  • Pangatlo, dahil dito marami akong narerealize, mga bagay na naiisip ko lang pagnaisulat ko na. Minsan kasi naiinis ako sa mga bagay-bagay pero pagnaisulat ko na sasabihin ko na lang " Ang korny ko pala!" Para kasing may maliliit na bagay na pinalalaki natin :) Sabi nga nila " Don't make a mountain out of a molehill." 
  • Pangapat, masarap magshare lalo na sa ganitong paraan. Dito ko kasi mas naeexpress ang sarili ko dahil hindi naman ako masalita.
  • At ang panghuli,  dahil gusto ko to at ito ako. Buhay ko na ang pagsusulat. Siguro pag pinagbawalan ko ang sarili kong gawin to hindi ako makakasurvive. Masarap kasing may sumasalo satin yung kalahating parte ng sarili natin. 
     Naisip kong gawin to para ipamukha sa sarili ko ang mga dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa ito! May nagsabi kasi sakin na wag akong mahiya ishare yung blog ko as long as I know the reasons why I am writing. Well, I end up doing this! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento