Lunes, Disyembre 21, 2015


Para sa Patola, Upo at Kalabasa

Para sa patola
Na araw-araw nagpapakatanga
Para sayo ito
Na niniwala sa kanilang kwento

Patola matuto ka
Manindigan sa sarili magisa
Anu man ang sabihin nila
Wag na wag kang padadala

Para sayo upo
Parati ka na lamang bang uupo?
Matutunan mo sanang tumayo
Maglakad sa malayo

Diyan ka na lamang ba sa tabi?
At sa kahit kanino ay magpapaapi?
Hindi ganyan ang labanan
Wag kang magpaiwan

At sayo kalabasa
PArati ka na lamang bang aasa?
Aba magising ka
Baka inaantay mo'y wala na

Mata mo'y buksan na
Nang katotohana'y makita
HIndi yung lagi kang nakatanga
Oras mo'y ubos na

Para sa patola, upo at kalabasa
Panibagong taon ay parating na
Magbago ka na 
Baka mahuli ka.

December 18. 2015
9:53 pm

Damong Ligaw

Minsan may isang damo
Galit na galit akong tinabas ito
Sumunod na araw ay tumubo muli
Bakit nga ba pag usbong nito'y napapanatili

Anong klaseng damo kaya ito 
Wari damdamin ko'y niloloko
Sa tuwing aalisin ko ito sa aking landas
Mas malaki ang iniiwang butas

Hindi ba talaga ito mahalaga?
Para saan ang buhay nitong nagsusumiksik pa
Aking halama'y di makahinga
Ano ang aking gagawin sa damong nananagana?

December 5, 2015
7:20 am


Unread Pages

Nandyan ka lang naman 
Bakit pa pagtutuunan?
Di ka naman mawawala
Kaya sige tuloy ang paggawa

Kapanatagan ay nasa akin
Kaya kahit ano ay gagawin
Siguro nama'y walang mangyayari 
Kung ika'y nasa isang tabi

Akala ko'y ganun nga
Ngunit ika'y nabasa ng iba at nakita
Naunahan tuloy ako
Paano na ang aking kwento

December 5, 2015
1:29 am

Linggo, Mayo 24, 2015



Ang Pagpatay Tuwing Gabi

Pumapatay ako tuwing gabi
Pero hindi ng tulog na katabi
Pinapatay ko ang pagkabagot
Nang isip na ewan ko ba kung nalulungkot

Sinisimulan ko sa musika
Akala ko nakakalibang kahit paulit-ulit na
Bigla kang may maaalala
Ibabaling ang ginagawa sa iba

Minsan para pumatay nagdodrowing ako
Feeling ko pag gabi sketch artist ako
Tapos tatamarin dahil pangit ang nagawa
Kaya heto ako’t gumagawa ng tula

Paano ka papatay sa gabi?
Lalo na kung ang iyong sarili
Eh parang ikaw nga ang pinapatay
Ng gabing walang ingay

Subukan mong magpasagasa
Sa tahimik na kalsada baka ikaw pa ang maawa
Baka sa paghihintay ng sasakyan
Makatulog ka na lamang sa daan

Hulaan mo kung sinong magtatagumpay
Ang iyong mga matang matamlay
Ipipikit na lamang nya
Ang pagpatay ay mahihinto na

March 1, 2015
12:35 am – 01:02 am




“Double Dead”

Akala ko ba naman patay na
Eh bakit ngumingiti na naman sa tuwina
Kasi nandyan ka na naman
Napasuko na naman ako ni Superman

Hanggang kailan ba to?!?
Nakakabaliw kada minute
Dapat bang masanay sa ganitong pakiramdam
Na pagnawala’y pusoy magdaramdam

Paano kung huminto ulit?
Itong pusong nangungulit
Malamang patay na naman
Double dead walang laban

SLAC
Revisiting RPMS
March 26, 2015
8:00 am - 2:00 pm

“Shuttlecock”

Kung lilipad ako papunta sayo
Tatanggapin mo ba ang pagdating ko
Mukhang hindi naman
                                                       Sa hangin na lang maiiwan        

Minsan nga’y inaantay ako
Ngunit sa tuwina’y tinutulak papalayo
Medyo nakakapagod lang
Sa hangi’y nakalutang

Matatapos na baa ng laro?
Uuwi kayang nakayuko?
Sana’y sa susunod na laban
Iba na ang kapalaran

Oreta Sports Center
“Badminton Competition”
February 13, 2015
5:55 pm

Sabado, Abril 11, 2015


“Palakpakan”

May  palakpak na nagagalak
May iba ding nanguuyam sa paglagapak
May palakpak na masaya
May pagbati ang ngiti nya

May palakpak na wala lang
Ginagawa dahil sa utos na naiatang
May palakpak na may tuwa
Halos yakapin pa ang kapwa

Anung palakpak ang sayo?
Kuntento ka ba sa tunog nito?
Pakinggan mo…
Baka maaari pang magbago.


March 26, 2015
10:01pm




Linggo, Marso 1, 2015


Bakit ba sa Paris?

                 Bakit? Bakit ba? Bakit nga ba? Bakit  nga ba sa Paris?... Ang pagdadrama ko habang bianabasa ang visual aid ng co-teacher ko..wala lang napagtripan ko lang lagyan ng kakaibang tono ang pamagat ng flow chart nya ang haba kasi ng vacant ko at parang nabangag ako paggising ..napatingin sila at sunod-sunod ang tawanan ng marinig ang mga katagang iyon ng may iba’t-ibang emosyon. Noong una nagjojoke lang ako..kaso habang inuulit-ulit ko..parang dumidiin ang mga salita..kaya gumana na naman ang kakarampot kong utak..at puso..
                 Kasi naman naisip ko, una (nung wala pang tono ng emosyon ang mga salita) anu nga bang meron sa PARIS? Ah Eiffel Tower! And so?!? Yeah magandang architectural structure I mean great.. pero anu pang meron sya na wala ang iba?
                  Dumiin lalo ang mga salita ng maisip kong “City of Love” it0..nagkaroon tuloy lalo ng emphasis at stress sa mga salita habang binabasa ko..bakit nga ba? Bakit nga ba sya? Hindi ba pwedeng Manila? o ang Luneta? Yun bang sana naman malapit sa Pinas para maramdaman ko o namin kung anung klase ng pag-ibig meron dun. Anu bang klaseng pag-ibig ang nararanasan nila dun?  Kakaiba kaya ang aura yun lulutang ka talaga?
                  Puro wishful thinking na lang ang gagawin mo..pag ganito..hay..sabi ng co teacher ko,”Wala kang lovelife no?”  Paano mo nalaman?, sabi ko...kasi daw tulog ako ng tulog..inexplain nya lahat ng studies o researches na alam nya para ipamukha sakin ang point nya na zero ako pag dating sa usaping ito..ok! Wala naman akong laban.  
                   Sabi ni Ma'am,"bat kaya yung anak ko maganda naman matalino at mabait wala pa ring boyfriend..pero yung mga pangit alam mo na yun...di na maituloy ng principal namin ang pagkukumpara nya (siguro medyo nahiya) habang nagkukwento sya ng magkasabay kami sa jeep. Pababa na ko at humirit, " Ma'am hindi ko nga rin po alam kung bakit ako din wala pa.." Nahampas nya ko sa kakatawa. Hindi naman ako nagbibiro ah..haha :) 
                         And that thing called tadhana..ay mailap..

Ba't di salubungin 
Ang puso ko at kunin ng diwang malaya
Ikaw ang magpapayapa
Ikaw ang pagibig 
Pakinggan ang himig ko
Wag ka sanang lalayo..

-best lines ng TAdhana - Up Dharma Down...
nakakamatay pakinggan..nakakalunod..
napakasoulful..may ganun ba? whatevs..

Linggo, Enero 4, 2015

Pressure Cooker

                “Hala! Hindi ko pa nagagawa yung project ko! At saka yung..at saka..” marami pang kasunod yan, linya ni Grace Ann dahil sa dami ng natambak na gawain. Pag nagsimula na syang maglitanya tungkol sa mga unfinished works nya  tatlo kaming nanggagalaiti na titingin sa kanya dahil nagsisimula ng pumasok ang enemy number one naming magkakapatid , ang PRESSURE.
                The use of persuasion, influence, or intimidation to make someone do something ang sabi ng dictionary habang dinedescribe ang capital P. As for me I would rather describe it as something that could make adrenaline rush. Hay! Hindi ko na kasi mabilang sa buhay ko kung ilang beses ako inistress ng pressure na yan. Sa ngayon inisip ko ang pinagmulan nito..at isa ay ang kapabayaan ko. Yeah right! My fault! Hindi naman kasi tatambak ang gawain kung di pinatambak. Kaya oo na  walang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko.
                Anyway, anu nga bang maitutulong sayo ng pressure? Well, it pushes you to your limit! Parang tuwalyang pinakukuluan sa pressure cooker para sa kare-kare..papalambutin ka nito..I mean gagawin kang flexible sa lahat ng bagay. At pag labas mo sa kaldero isa ka ng masarap na ulam. Well-experienced na tao.  Yung mukhang ang daming pinagdaanan..itsurang haggard?!? Siguro..sana hindi naman..haha J
                At anu sa tingin nyo ang ginagawa ko? Sa ngayon dinadagdagan ko pa yung pressure kaya nagtype muna ko bago gumawa ng lesson plan at kung anu-ano pa. I just chose to love it, because I can’t get away with it. Hinahamon ko na sya ngayon. Try me! ( Habang sinisigaw kong BUDANG! BUDANG! BUDANG! Dahil ginigising ko ang sarili ko para kumilos). Sana pag natapos ko to umandar na ang tinatamad kong utak at katawan na may hangover pa sa nagdaang bakasyon.
Kung nakakabili lang ng kasipagan pinakyaw ko na at di na ko nagtira pa! J
I am looking forward to an adventurous 2015! Ayoko na ng dull moments! Masarap ang aksyon! Napakabilis ng phasing ng 2014 at napakaraming nangyari parang tumanda ako ng ilang taon.Buti na lang di halata sa itsura haha J I guess!            
Para sa lahat hamunin nyo ang tadhana. Lumaban sa daloy. And you’ll gonna see yourself on the top of your dreams! Yung dating long term goal mo palapit ng palapit ng di mo namamalayan. Malay mo..andyan lang..andyan lang ang hinahanap mo..
Break a leg! Or else they’re gonna break yours! Have a great day!


Martes, Disyembre 30, 2014

Leader of the Band
            Noong buhay pa si tatay tuwang-tuwa siyang nakikita kaming sabay sabay na kumakanta..ang totoo nyan naiiyak pa yan..tears of joy syempre..fulfilling para sa kanya ang makita kaming sama-sama..yung pamilyang binuo nya at pinaghirapan..
            Di biro ang mga pinagdaanan nya pero dahil sa matinding pagmamahal nya eto kami ngayon..proud akong maging parte ng pamilyang to..ng bandang to..
            Gusto kong magpasalamat sa umaaapaw na pagmamahal na pinaramdam nya samin..sa mga aral nya..sa mga mukha ng buhay na ipinakita nya..ang dami di ko mabilang..kulang ang mga tala sa kalawakan..o ang hibla ng buhok ng lahat ng tao sa mundo para pakapagpasalamat ako..
            Pero alam ko yung makakapagpasaya sa kanya..yung iparamdam ko din sa iba yung pagmamahal nya hindi lang sa mga kapatid ko at kay nanay  kung hindi pati na rin sa ibang tao..ganun kasi sya nung nabubuhay pa..
            Kaya naniniwala ako sa forever..dahil ang pagibig walang katapusan..dumadaloy..umaagos..lumalago..nabubuhay..maswerte ako dahil sya ang naging tatay ko..naranasan ko na yung infinity..



            Bago matapos ang taon gusto kong tumayo muli..magpatuloy..gusto kong makita nya yung magagaling na anak nya na lumalaban sa buhay..kinailangan ko lang talaga maghybernate..parang naging upos na sigarilyo kasi ako..umabot sa kasukdulan..

            Pero dahil nga sa pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.. sa mga taong iniwan sakin ni tatay..kailangan maging Superbudang para makalipad sa pangarap! Yung pinangarap samin ng lider ng aming banda..


The leader of the band is tired and his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument and his song is in my soul
My life has been a poor attempt to imitate the man
I'm just a living legacy to the leader of the band

Ang Nakatagong Kabanata
Di ko na alam kung paano magsisimula muli..pero isa lang ang alam ko..it is not starting over but continuing without…di ko na kayang simulan ulit ang buhay ko dahil ayokong magsimula na wala sya..pero kaya kong magpatuloy para sa kanya..
Hapon noong araw na yun..kinakausap ako ng principal gusto nyang i-handle ko yung girls scout sa school namin..pagtapos ng paguusap na yun balik agad ako sa faculty para sana umuwi na kaso nabasa ko yung text ng kapatid ko. “ Ate umuwi na kayo ayaw na kumain ni tatay.” Hindi ko alam kung bat iba yung pakiramdam. Umiyak na ko at nagpaalam na di na ko papasok kinabukasan. Tahimik kami paguwi sa bahay..walang kibuan..si ate nagaayos papasok sa trabaho nya..gabi na nung makarating kami sa Cavite. Dumaan pa kami sa isang mall para bumili ng pang salad at iba pang pagkain na pwede kay tatay. May sakit kasi sya sa kidney sabi naman ng doktor kahit di daw ipa-dialysis kaya nang gamot dahil di naman daw ganun kalala. Pero nung gabing yun ibang-iba si tatay kung ikukumpara nung huli namin syang makita.
Nagwalk-out na si Gara nung binibilinan sya ni tatay. Halos lahat kami kinakausap na. Pinakain ko sya nung salad.. pakonti-konti lang yung nguya nya..sabay inom ng tubig na nakastraw dahil hirap na syang iangat ang katawan nya.
Lahat kaming magkakapatid nakapaligid sa kanya, maliban kay ate na pumasok sa trabaho. Lahat nagaasikaso, nagaabot ng kailangan, pero tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nya. Bihirang matahimik ang bahay namin pero sa pagkakataong yun tahimik. May kaba. Kanya-kanyang tingin sa bawat sulok ng kwarto. Walang umiiyak. Nakikinig lang. Nagpipigil.
Hawak ko yung kamay ni tatay..nasa gilid nya ko..di na ko umalis dun pagdating namin..” Tay, dalin ka na namin sa ospital ah.” Umiling sya. Wag na daw kaming magabala dahil alam nya kung hanggang kailan na lang. Feeling ko naninigas yung mukha ko kakapigil ng luha sa mga sinasabi nya.
“Magagaling kayong magkakapatid..ipagpatuloy nyo ang nasimulang pangarap..” sabi nya sakin..gusto ko ng sumabog..isa yun sa mga pinakamahirap na punto sa buhay ko. Hindi na ko nakapagsalita dahil alam kong pagsinubukan ko tutulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigil.
Mas lalo kaming pinatatatag. Dahil palala ng palala yung lagay nya. Naghanap si nanay ng ambulansya habang kami salitan sa paghaplos sa katawan ni tatay. Nakapaligid kami habang hinahaplos yung mga bahagi ng katawan ni tatay na unti-unti ng lumalamig. Alam ko naman yung nararamdaman nila..namin..takot. Kaya tahimik lahat.
Di mapakali si tatay..palibot-libot yung mga mata nya. “Matulog na kayo..wag nyo na kong intindihin..” Kunwari yumuyuko kami at pagpumikit na tayo ulit.
 Pagdilat nya nahuli na naman nya kaming gising sabi nya, “ Matulog na kayo!” Sa galit na tono ng boses nya. Higa at bangon na naman kami dahil di mapakali.
            Bigla syang nagsalita, “ Dang tulog na tayo..” Di ko na kaya..tumabi na ko sa gilid nya at umiyak..hinalikan yung ulo nya at kamay habang hinahaplos dahil nanlalamig na..pakiramdam ko sinsabi nyang sumusuko na sya..
            Mas matindi pa yung mga sumunod na nangyari. Sumisigaw na sya. Huminto ako sa pagiyak dahil lahat kami nagpapakalma na. Anu daw bang nangyayari sa kanya?Uminom daw ba sya ng alak? Sabi nya pa, “Pasaway ba ko?Pasaway ata ako eh..”
            Lahat kami sumagot ng hindi. Sabi ko, “ Napalaki mo nga kami ng maayos eh..” sabay yakap sa kanya..
            Hindi ko alam kung nararanasan to ng lahat ng tao bago mamatay ..pero nakikita nya na daw si Lola..sampung taon ng patay si Lola..pinapakuha nya na yung sapatos nya at tsinelas..para bang aalis na sya..
            Nagpapaupo sya dahil di nya na kayang buhatin yung sarili nyang katawan..di nya na kayang iangat ang paa’t kamay nya..bangon higa sya..hindi mapakali..pinatataas yung paa..maya-maya ipabababa..gusto daw nyang madumi at umihi..hindi nya daw maintidihan ang sarili nya..
            Sabi ni Mary, matulog ka na kasi..sige ipikit mo yung mata mo..sabay hawak nya sa mga mata ni tatay..makakatulog saglit pero magigising ulit..pauli-ulit na nangyari yun..
            Hindi ko alam pero inis na inis ako sa ambulansya sa sobrang tagal..hindi ko maiwasang masabi na akala ko sa pelikula lang nalelate ang ambulansya pati pala sa totoong buhay..
            Humina na ang pagsasalita nya..hanggang sa hindi na..pagiling at pagtungo na lang ang nagagawa nya..pumalibot na kaming lahat  habang hinahaplos ang bahagi ng katawan nya..na lumalamig..palamig ng palamig..pinaupo namin sya habang lahat na kami yumayakap..lahat nagsasalita..nagaantay ng sagot nya..
         Lahat may ginagawa..nakaikot kami kay tatay..nagpapatawa pa si Mae at Mary..hanggang sa di na rin sya makatungo at makailing..mata na lang nya ang gumagalaw..kaya sabi ni Mae “ Tay tingin ka sa maganda wag kang tumingin dyan kay Budang..tay..” hanggang dun na lang..yung huling pag galaw ng mata ni tatay..pahina na ng pahina ang pulso nya..at paghinga..
            Pakiramdam ko nun ako na ang  pinakawalang kwentang Mapeh teacher na nagseminar ng first aid pero di magamit yung natutunan..
            At tulad nga sa mga teleserye dadating ang tulong pagwalang wala na..di na umabot sa ospital si tatay..iyak na kami ng iyak sa sasakyan..
            May mas sasakit pa dun..yung paguwi mo at ibabalita mo sa mga kapatid mo ang nangyari..na wala na..wala na talaga si tatay..sa mga panahong yun dun na umagos ang luha..palitan ..walang tigil..parang di na matatapos..
            Kinaumagahan kailangan ng asikasuhin ang burol..kakadating lang din ni ate galing sa trabaho..tulala..di nakakausap..tahimik na umiiyak sa jeep habang itinatago ang mukha sa likod ko..papunta na kami sa funeraria..at pagdating dun pinapipili kung anu ang kabaong na gagamitin ni tatay..ang sakit din pala pag tatay mo na yung pinipilian mo ng kabaong mas masakit pa sa iniisip mo..pero sa panahong yun parang wala akong karapatan maging mahina..dahil si nanay sinusuntok ang pader at di na nya daw kaya.. si ate naman di na makausap..
           Hindi lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Ang haba ng kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..
            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin para sa kanya..lang yun ang nagpamukha sakin na wala na si tatay..pati kasi death certificate ako nagasikaso natutulala ako habang nakatingin sa nakatype na pangalan nya doon..mas lalong nagsisink in sa utak ko..na wala na sya..
            Naipon lahat..parang namanhid na ko sa sakit..pero ang alam ko bibigay din ako isang araw..
Nailibing na si tatay..di naman kami nahirapan dahil tinulungan kami ng mga tito ko..at buti naman hindi nahimatay si nanay..ilang araw namin syang inihanda sa araw na yun..
            Mahaba pa ang kabanata ng buhay..kaya dapat ipagpatuloy. Di na daw kaya ni nanay sa Cavite maaalala nya lagi si tatay..kaya nilipat ko ang  mga kapatid ko dito..
            Ilang linggo at buwan kaming nagaadjust sa isa’t isa..dahil lahat bago..yung mga alaga namin pinamigay na dahil hindi mahilig sa hayop yung mga kamaganak namin dito..sa tingin ko ang bilis inilayo samin yung mga alaala ni tatay..ang bilis ng mga pangyayari..
            Lagi kaming nagtatalo ni nanay..dumating yung araw na napuno na ko..umalis ako..tulad ng lagi kong ginagawa pag punong-puno na..o kulang na kulang..
            Nagsigawan sila ni ate..ang gulo-gulo ng lahat..buti na lang may mga kapatid pa akong handang magintindi samin..nagiiyakan kami bago matapos ang araw na yun..
            Sa ngayon patuloy kaming nabubuhay na wala sa piling namin si tatay..minsan nagtatawanan pero pag naalala si tatay alam na ang kasunod nun..yung iba nagtatago sa iba’t –ibang sulok ng bahay umiiyak..nagpapakabusy..at kung anu-ano pa..kanya-kanyang paraan para magpatuloy..

            Kasi sabi nga ni tatay..ipagpatuloy namin ang nasimulang pangarap..sa mga pangarap kong yun kasama ko sya kaya ipagpapatuloy ko..namin ..para sa kanya..

Lunes, Nobyembre 3, 2014

    Ano? Paano? Saan? Sino?
         Ano?..Ano na bang nangyayari sa mundo? Nagkulong kasi ata ako. Nagtago. Hindi ko alam kung paano. Minsan kasi nakakaduwag na. Nakakapanghina. Nakakatakot. Puro lungkot. 
     Paano? Paano magsimula..o baka magpatuloy. Kaya pala natatakot na kong tumipa baka kasi mailabas ko pa ang nadarama. Wala rin naman. Wala ring matatakbuhan. Hindi maikukubli ng pagbabasa ang lahat. Hindi maipapahinga ng pagtulog ang mga mata. Hindi mapapalitan ang mga oras na marami kang ginagawa. 
     Saan? Nasaan na nga ba kasi ako? Nawawala na. Nawawala sa pagkatao. 
     Sino na nga ba ko? Nakakalito.





Sabado, Setyembre 20, 2014




Huling Pahina

Ayoko nang tapusin ang libro
Matatapos din kasi ang bawat yugto nito
Gusto ko munang namnamin
Bawat salita ay damhin

Bilang lamang kasi ang mga talata
Tulad ng mga oras na ika’y nakikita
Bawat letra ay dapat lasapin
Na parang diyamanteng mamahalin

Natatakot ako sa huling pahina nito
May mabubuklat pa kaya akong ganitong libro?
Siguro nga wala na..
Dahil sa puso ko ika’y nagiisa.




Nasaan Ka Na?

Mas mabuti pa nga sigurong di muna kita makita
Kaysa mawala ka na parang si Elisa
Matagal nga siguro kitang aantayin
At pagdumating ang araw na yun ay aking susulitin

So ngayon chillax muna ko
Magliliwaliw muna sa mundo
Baka nga siguro late lang ang pagdating mo
Kasi baka nais “grand entrance” ang senaryo

Sige magpatagal ka pa
Pag ako nainip maghahabol ka
Nagiisa lang akong Budang
Siguradong buhay mo’y magiging kulang J haha

Isang gabi sa LRT..
paano ba naman lahat may katabi..

September 15, 2014





Tulaan ang ulan..
I-emote mo yan..


Nakikidalamhati din siguro sayo ang ulan
Kaya ngumiti ka na at tumahan
Pasikatin mo ang araw sa iyong bintana
Hayaan mong sigla ang sayo’y tumalima

Wag mong itago ang sarili sa madilim na ulap
Magpalutang-lutang sa hangin ng pangarap
Wag mong pabigatin ang buhos ng ulan
Pagaangin ang loob, hanapin ang kasiyahan

Baha man at bagyo ang dumaan
Lilipulin at tutuyuin ito ng araw ng kalakasan
Isaisip mong pansamantala lamang ang lahat
Wag linlangin ang sarili, wag magpaawat.


8:00 am


Alam mo ba kung gaano ako kalakas?
Ako yung lumalaban hanggang wakas
Oo nga at ako’y humihinto
Nagpapahinga lang upang sarili’y mabuo

Kailangan naman kasi ay huminga
Pahupain ang damdamin na nadarama
Minsan kailangan mong magisa
Para malaman mo kung nasaan ka na nga ba


Words fall through me
And always fool me
And I can't react..

9:19 am

Buti na lang may gitara
Ako’y nagiging abala
Idadaan sa musika
Ang lahat ng nadarama

Nailalabas lahat ng kanta
Na wari’y nagkukwento sa kasama
Kahit pa ika’y nagiisa
Maaaliw sa pampalubag na melodiya


Ikanta mo na lang..

9:57 am

September 19, 2014