“Shuttlecock”
Kung lilipad ako
papunta sayo
Tatanggapin mo ba ang
pagdating ko
Mukhang hindi naman
Sa
hangin na lang maiiwan
Minsan nga’y inaantay
ako
Ngunit sa tuwina’y
tinutulak papalayo
Medyo nakakapagod
lang
Sa hangi’y nakalutang
Matatapos na baa ng laro?
Uuwi kayang nakayuko?
Sana’y sa susunod na
laban
Iba na ang kapalaran
Oreta Sports Center
“Badminton
Competition”
February 13, 2015
5:55 pm
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento