Huwebes, Hulyo 31, 2014

Ako si Echo...ito ang istorya ko..

Nagtatrabaho ako sa Dubai
Para sa mga kapatid ko at aking tatay
Matatapos na ang kontrata ko
Kaya heto pinagmedical ulit ako

Pinauwi ako ng bansa
Kinakabahan at balisang-balisa
Nakaposas ang mga kamay ko
Nakatingin ang mga tao sa paligid ko

Umiiyak akong nagtungo sa aming bahay
Sa pagdating ko'y nagulat ang aking tatay
Pinagpahinga niya agad ako sa kwarto
Akala niya'y bunga lang ng pagod ang panginginig ko

Nagtapat ako sa kanya
Tumahimik siya bigla ng marinig niya
Mahal pa din daw niya ako
Kahit anu pa ang kalagayan ko

Ako nga pala si Echo
HIV positive ako
Patuloy akong lumalaban
Kasama ang mga taong nakakaintindi sa aking kalagayan.

Biyernes, Hulyo 25, 2014



“Carpe Diem”

                Sa dami ng namamatay araw-araw paano mo nasusulit ang araw mo? Hindi naman sa inoorasan kita pero ganoon na nga..haha J May nadaanan kasi kami kanina ang bata pa..parang uso lang kasi. Pagnamatay ka ba nagawa mo na kaya ang mga gusto mong gawin? Ewan ko. Suriin natin ang mga araw na dumaan sa buhay ko.
May mga dumaan na pagod na pagod ako. Sulit na sulit ba dahil lupaypay ang katawan mong ayaw ng kumain pa. Mas gugustuhin mong matulog na lang.  Yun bang pag kagaling sa skul punta ng Divisoria, Monumento o kaya South Supermarket. Maituturing mo bang sulit ang isang araw pag you’re so TIRED! (all caps with exclamation point pa)? Yun bang nagamit mo yung isang daang porsiyento ng lakas mo.
Paano yung ibang nagdaang araw na di ganun katindi ang experience mo? Nasayang na lang ba yun? Iko-consider mo na lang bang waley ang araw na yun. Zero to the point na walang magandang nangyari. Weakest day ever! Eh kung laging ganun sayang naman ang pagtira mo sa napakagandang mundo na ito.
Kung ganyan ang tingin mo sa usaping ito may sasabihin ako sayo. Sekreto lang to. Naisip ko to minsan pag gising ko ng gabi dahil mula tanghali tulog ako. Nasusulit ko ba ang araw ko sa pagtulog kong ito? Siguro. Pag gising ko ugali ko ng tumingin sa salamin, at doon ko nakitang kumikinang yung mga mata ko. Yung kinang na may saya. Satisfaction. Yung mapapasabi kang “Oh sarap!” nakapagpahinga kasi.
Nabubuo ang bawat araw sa ayaw man o sa gusto mo..kaya buuin mo ito sa parang nais mo..yung makakapagsaya sa puso mo. Hindi naman nasasayang ang lahat basta alam mong naging maligaya ka. Nasatisfy mo ang sarili mo. Mas maganda sana kung kasama mo yung mga taong mahal mo..o kaya naman nakatulong ka sa ibang tao. Kahit anu mang paraan ang gusto mo sulitin mo ang bawat araw na bigay sayo.

Carpe diem! Seize the day! 
LOST!
             Nagsimba kami noong Linggo..at doon nawala ang cellphone ko. Akala ko makikita ko pa, kaya parang ok lang. Sigurado kasi akong sa tricycle ko naiwan kaso wala na talaga. Medyo nakakahinayang ang cellphone kong pangkalso daw ng trak sabi ni tito. Sayang lang talaga yung sim. Naawa naman ako sa nakapulot di na kasi nagriring yun at namamatay-matay pa. Maswerte sya. Sa ilang araw na pagkawala nito marami akong napagisipan.
            Una, parang naging malaya ako. Wala na kasi akong iba pang iniisip na baka may nagtext na nangangailangan sakin. Tulad ng, “Dang wala pang ulam bili ka.” O kaya naman, “ Dianne nagkatampuhan na naman kami ni….anung gagawin ko?” Minsan naman, “Dee nagtext na naman siya..mga lalaki talaga.” At ang di pumapalyang, “Dang kamusta na kayo jan?” Naging malaya ako sa mga dating dumadagdag sa mga iniisip ko. Kaya worry free!
          Pangalawa, medyo nega. Muntik na ko masabon ng principal sa pangalawang beses. “ Tinatawagan ka namin kahapon di ka sumasagot.” Humirit na ako agad bago pa humaba ang sermon,”Maam nawala po kasi yung cellphone ko nung Linggo.” Naawa naman siya at huminahon ang boses ..bigla na lang niyang isiningit ang seminar na pupuntahan ko. Mahirap din pala pag walang means of communication.
            Pangatlo, noong mga araw na wala akong cp marami akong nagawa. Siguro nabawasan nga kasi ako ng iniisip. Nabawasan yung oras ko para sa iba. Narealize kong I’m always with them but not with myself. Mas marami na pala ang mga oras na ginugugol ko para sa iba kaysa sa sarili. Kaya sabi ko kailangan kong sulitin ang bakasyong ito. Yun bang di naman ako magaalala para sa ibang tao.
            Pangapat, masarap yung feeling na wala kang inaasahan. Inaasahang magtetext sayo kasi wala kang cellphone. Kaya malinaw na malinaw sa utak mong.. wag kang magassume walang magtetext sayo wala kang phone di ba? At least hindi feeling sawi.
Panglima, kailangan pa din naman itong gadget na ito. Lalo na kung may kailangan ka talagang itanong sa ibang tao..yung importante talaga. Kinailangan ko pang makitext sa co teacher ko para malaman ang sagot. Medyo feeling kawawa lalo na ng magtanong ang principal, ”Maam di naman sa minamadali kita ah pero bago ba kayo magseminar magkakacellphone ka na?” Sana nga. Sabi ko,” Sige po manghihiram na lang po ako sa kapatid ko.”  Hay. Buhay.
         Hindi naman sa nangbibintang ako. Susubukan ko kasi sanang tanungin yung tricycle driver kaso pagtapos ng araw na yun tatlong araw pa bago namin siya nakita ulit. Nagkakasalubong kami sa palengke at iniiwas ang tingin niya. Minsan sasakay sana sa kanya ang kapatid ko biglang humiga at parang walang nakita. Nung huling makita namin  siya humaharurot pa wag lang kaming makita. Pag sakay kasi namin ng jeep wala na kaya kung di sa bahay nawala malamang sa tricycle. Whatever. Kung may nawala man sayo. May matatagpuan kang bago.

                Ang pag-ibig hindi parang cellphone..pag naluma..papalitan L

                For donations just call me. Kaso nga walang phone. Kulit. J

Martes, Hulyo 15, 2014

Rescuers: Love and Hope

“Mahirap man at mabigat ang buhay mayaman pa rin ito sa pagibig.. at napapagaan ito ng pag-asa..”

 Naalala ko lang yung mga linya ni Sabrina Ongkiko isang public school teacher. Narinig ko ulit ang mga linya niya dahil sa pinapanuod sa aming video kahapon sa orientation ng mga bagong teachers. Hindi naman tungkol sa pag-aaral ang punto ko..iba kasi yung naalala ko nung narinig ko to. Medyo marami kasi akong palpak na nagawa. Na para bang 1 out of ten lang ang tama kaya nakukunsume din ako sa sarili ko lalo na if I’m not doing the right thing. Hindi sa di ko ginagawa yung tama..hindi ko lang sinasadya na di magawa. Ewan siguro dahil paglutang ang utak ko naoover-power ng mga katangahan ko ang isip ko. Kaya ayun talo.
Nakakatuwa lang na pag may nangyayaring di maganda dun makikita ang pagmamahal nila..at yun ang magbibigay sayo ng pag-asa. Nababalewala lahat dahil sa pag-ibig. Parang kaya mo na. Ok na. Wala ka ng hahanapin pa. Buhay ka na ulit at puno na ng pag-asa.

7:40 pm
July 15, 2014



Happy ever after did exist..it really does!

  “Ikaw ang bigay ng maykapal..tugon sa aking dasal..” Mangiyak-ngiyak ako ng marinig ko ito nung Sabado doon sa kasal ng kaibigan ko. Ewan ko ba naisip ko kasi parang kailan lang gumagawa pa kami ng projects noong high school ngayon papalapit na siya sa altar para tumungo sa ibang parte ng kanyang buhay. Ang nakakatuwa pa niyan medyo napressure ako. Mas lalo akong namumulat  sa edad ko. Ngayong buwan yung co-teacher ko dati ang ikakasal  at next year yung isang kaibigan ko pa sa Cavite. Nakakalokang iba na ang dahilan ng pagsasama-sama namin..panibagong stage ng buhay..parang pelikula.
            Sa mga naranasan nila minsan parang imposible na. Pero sa huli may nakalaan talagang happy ending. Kaya medyo nabuhayan ako ng loob..kahit na ang totoo niyan buhay na buhay ang loob ko..nadagdagan lang pala. Ang korni kasi talaga ng mga babae. Sila talaga ang laging nasa fantasy side ng storya. Sa kabila ng lahat..ito ang nasa isip ko..narealize kong happy ever after do exist..it really does!

7:13 pm
July 2, 2014
           

            

Huwebes, Hulyo 10, 2014

The Same Old Me
            Namumugto na naman ang mga mata ko. Ang sakit napapagod na ko.
            Dumating na yung letter mula sa D.O. lilipat na ko. Akala ko nung una naihanda ko ang sarili ko sa pangyayaring ito. Hindi pala. Naiiyak ako nung hinawakan na ko sa balikat ng isa sa matatandang guro na nakasama ko. Akbay ng pamamaalam. Yung favorite kong si Maam Susan masama ang tingin. Pinaglalaban niya kasi ako sa head namin,pero walang nangyari. Nalipat pa din ako. Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanila, malamang kasi maiiyak na talaga ko.
            Paguwi ko sa bahay tinanong ako ni Maria, “Bakit ganyan yang mata mo?” 
            Umiiyak na ko habang sinasabing, “Mary lilipat na ko.”
            Nagising na lang ang ate ko sa mga hagulgol ko. Kakatulog pa lang niya dahil gabi ang trabaho. Nagalala na siya akala kung anung nangyari hanggang panaginip daw niya dinig yung iyak ko. Sabi ni Maria,” Alam mo naman yan te mabilis ma-attach sa tao.” Hinayaan lang nila ang pagiyak ko. Dadaan na naman ako sa Six Degreees of Separation. Parang broken hearted na naman. Pinagkaiba lang maraming tao ang iniiyakan ko.
            Mahirap maging ganito. Kahit kasi maliliit na bagay na ginagawa ng ibang tao naaappreciate ko. I’ll end up loving them more than what I’ve expected. Kaya sa huli mahirap magpaalam. Walang nagbago. Ganito pa din ako. The same old me.

6: 44 am - 7:09 am
July 10, 2014


-          Nageemote wala pang klase. Mamaya ibang mga tao na naman ang makakasama ko. Panibagong mga dadaan sa buhay ko.