“ Marka ng Pag-ibig ”
Kinagat ako
ng aso
Tila ba wala
ng lunas dito
Malalim at
masakit
Puno ito ng
pait
Ang
nakamamatay na laway nito
Ay dumadaloy
na sa dugo ko
Wala na kong
magawa
Nanghihina na
at namumutla
Maaaring
malalala na ang epekto nito
At magdulot
ito ng pagkabaliw ko
Kahit turukan
pa siguro ng gamot
Ang sakit
nito’y di na malilimot
Ang kagat nito’y
magmamarka
Sa balat ko’y
makikita at maaalala
Na minsa’y
may mga pangil na sa aki’y dumampi
Nagpabaliw sa
puso kong nagtitimpi
8:30 am –
8:48 am
June 9, 2014
Pagamutang Bayan ng Malabon
Bunga
ito ng mga paghihintay..salamat sa
ballpen at papel ako’y parating nalilibang..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento