Maghintay Ka Muna J
Sa bawat
paglalakbay ko
Iba’t-ibang
tao ang nakakatabi ko
Tumingin ka
man sa bawat kanto
Iba’t-iba rin
naman ang makikita mo
Mayroon
diyang nagaantay
Naiinip pa nga’t
nagpapaypay
Meron din
namang cool lang
Kahit ilang
oras na ang bumilang
Ayun si Lolo!
Ang tanda na nya oh!
Buti
sinamahan ni Lola kahit pa nababato
Ang sarap
naman ng pagibig nila
Damang-dama
pa din kahit matatanda na
Si ate naman
magisa
Nakatulala na
para bang balisa
Ano kayang
iniisip niya?
Sa panahong
humihinto ang kanyang mata
Si kuya naman
nganga
Na parang di
alam ang ginagawa niya
Hindi na lang
kasi magtanong
Para isip ay
di na gumulong
Paano kaya
kung diyos ako?
Makikita ko
ang koneksyon nyo sa ibang tao
Sasabihin ko,
“ O ikaw lumapit ka dito!”
Ika’y
nakalaan kasi para sa taong to!
Ang
paghahanap sa taong makakasabay
Ay maaaring
sa simula, gitna o dulo ng paglalakbay
Pwedeng
nakatulala siya tulad mo
At pwede din
namang nakanganga tulad nitong kuyang katabi ko
Ang
katotohana’y clueless lahat tayo
Kung may
makakasabay ka nga ba sa paglalakbay mo
Ang mahalaga
ay nasulit mo
Ang mga taong
naghintay at tumabi sayo J
8:05 am – 8:26
am
May 24, 2014
SSS
Meycauayan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento