Miyerkules, Pebrero 26, 2014

Sige Lang Mainis Ka!

Sige Lang Mainis Ka!

Lumabas ka!
Wag munang isipin sila
Pwede namang magpahinga
Huminga ka muna

Tao ka lang at nagagalit
Sige lang ika’y magngitngit
Naiinis man ako
Alam ko namang saglit lamang ito

Mahal ko kayo
Pero anong ginagawa nyo?
Mapabuti sana kayo
Yun lang naman ang hiling ko

Hanggang kailan kaya ako
Magiging ganito sa inyo
Napapagod na ko
Ayaw ko namang sumuko sa inyo

Kailangan pa bang saktan ang sarili ko
Upang lahat kayo ay magbago?
Sabihin nyo na lang oh
Lahat naman ay gagawin ko!

2:38 pm
February 24, 2014





Lunes, Pebrero 24, 2014

Tumayo Ka at Ipadyak ang mga Paa

Tumayo Ka at Ipadyak Ang Mga Paa
12:44 am

Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Lasapin ang sarap ng umaga
Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Nararapat kang maging maligaya

Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Tumungo kung saan at maglaro ka
Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Hayaan sila’t hanapin ang saya

Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Wag pansinin ang sasabihin ng iba
Tumayo ka at ipadyak ang mga paa
Libutin ang mundo, ikaw ang reyna!

12:48 am

February 23,2014

Martes, Pebrero 18, 2014

Para Sayo Oh Piolo!

Andyan ka at andito naman ako
Ayan tuloy ako'y naninibago
Nandito man ako ikaw pa rin ang nasa isip ko
Nakikita pa nga kita sa mukha ng ibang tao

Bakit pa kasi ikaw ay nalayo
Isip ko tuloy ay parang tinotoyo
Malayo ka man ikaw pa rin ay  nasa isip
Gusto ko na lang tuloy ang matulog at managinip

Para kang si Piolo sa napanuod ko
Matikas at matalino na parang ang gwapo (haha :)
Medyo nababaliw na naman ako
Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa aking ulo.



10:32 am - 10:47 am
February 19, 2014
Malolos Sports and Convention Center

Sabado, Pebrero 15, 2014

Ang Pagtakas

Wala na naman akong magawa
Walang makausap at nakatulala
Wala na bang ibang pwedeng isipin?
Lagi na lang ikaw, ang nagpapalutang sa akin.

Bangag na bangag na ko kakaisip sa iyo,
Para kang multo, paikot-ikot sa aking kwarto.
Wag ka namang umistambay,
Manahimik ka na lang dyan sa inyong bahay!

Gusto ko nang tumakas sa kulungang ito,
Ang pagtatapat lang ang susi sa pagbubukas nito.
Hanggang kailan pa kaya ito?
Darating din ang araw na malalaman mo.


Biyernes, Pebrero 14, 2014

Undas sa Buwan ng Pebrero :)


My love
Is like the grasses
Hidden in the deep mountain;
Though its abundance increases,
There is none that knows.

Ito ay isa sa mga tulang kailangan kong ituro sa mga batang wala namang pakialam. Yung tipong ikaw naapektuhan na sa kanila parang wala lang kahit anung explain mo. Maubos man ang laway ko kakaexplain gusto ko pa ding ishare to malay ko ba naman baka sakaling may makarelate. Well, striking ang tulang ito para sakin dahil  obviously ganito ang nararamdaman ko.  
Hay! Ang hirap ikeep nakakabaliw na..araw-araw lumalala..ang hirap na pigilan. Nagpupumiglas na nga eh wala pa rin akong magawa. Valentine’s day na bukas hindi naman ako malungkot dahil kahit anong araw naman pwede akong magmahal kaya hindi ako napepressure. Medyo OA lang ang mga tao sa paligid na iniisip na “alonely” sila sa araw na to. Sa pananaw ko kasi may pagmamahal namang di kailangang ireciprocate, pwede namang unconditional diba?!? Kaya siguro eto ko nababaliw sa kakalihim ng nararamdaman ko. 
Alam ko namang sa pagtatapos ng araw na to single pa din ako, pero sinisigurado kong maraming taong nagmamahal sakin. Sana sya din J

-Undas ngayon para sakin. Araw ng mga patay…

Araw ng mga patay na patay sa pag-ibig. <3

Martes, Pebrero 11, 2014

Ang Pait ng Unang Halik

“I did it my way..”
 Ibinaba ni Papa Yoyo ang mikropono. Nagtawanan ang lahat ng nakapaligid.
 “Ana halika nga dito!” Bakit po? Ang sagot nya habang naghuhugas ng plato. Lumapit sya nang nakangiti at nagtataka sa mga nakapaligid na tao.
Hinawakan sya sa balikat  ng matandang lasenggero. Nagtataka man nakatayo pa rin sya sa harap nito. Dumampi sa kanyang mga labi ang mga labi nito. Amoy chico. Napakabaho ng amoy nito. Nalasahan nya pa ang alak na ininom nito.
Tulala syang bumalik sa lababo.  Pigil ang luha at bibig sa pagsasalita.
Ito ang naging simula.
 Naging kaibigan nya ang madilim na kwarto pati na rin ang malaking aparador sa loob nito.
“I did it my way..” mahina na ang pagkakarinig nya sa kantang ito. Nakakulong na sya sa kwarto. Nagtatago at hindi humihinga sa malaking aparador dito.

Sabado, Pebrero 8, 2014

Anong Bubuo sa Buhay Mo?

          Ano nga bang bumubuo sa buhay mo? Ang nagpapatibay sa pagkatao mo?Maliban sa pamilya ko may mga espesyal na taong kumukumpleto sa katawang lupa ko. Hindi ako matapang pero may mga matatapang na mukha akong kaibigan na nagpapalakas ng loob ko araw-araw, mga taong humuhubog sa pagkatao ko ng di nila alam.
          Ilang araw na lang ang lilipas malapit na ang araw na siguradong ikalulungkot ko, yung araw na hindi ko na sila makikita araw-araw. Yun yung mga araw na siguradong wala na kong maririnig na tatawag saking Dirty,Gunggong,Chuchay,Aphrodirty, at iba pang bansag. Wala na kong mahahampas,makukurot,masasabunutan,makukwentuhan,maiiyakan.matatawanan,aasarin,at aawayin. Yung magsisimula ulit akong ako magisa, simula ng pagiging tahimik. Dumating na naman ako sa puntong kinatatakutan ko. Minsan natatakot na kong magmahal ng mga bagong tao, kasi alam kong dadating ang araw na maghihiwalay din kayo. Hindi na magiging tulad ng dati. May makikilala ka at may makikilala sila mahihirapan na kayong magsama-sama. Ang magagawa mo na lang alalahanin ang mga masasayang tagpo na pinuno ng kasiyahan dahil magkakasama kayo. Nakakatuwa pero nakakapanghina. Yung kasi yung mga pagkakataong gustong-gusto ko ulitin, yung mga tawanang nakakasakit tyan at panga kahit may mga nagaaway na sa sobrang asaran. Kahit ilang estudyante pa nga siguro ang manginis sayo kung andyan naman ang mga kaibigan mong handang magpatawa sayo mabubuo ang araw mo. Hindi ko alam kung alam nila na ganyan ang epekto nila sakin, pero sana nararamdaman nila sa bawat hampas ko kurot man o sabunot. Sa bawat pananakit na yun gusto kong sabihin, "Salamat binuo nyo na naman ang araw ko! Mahal ko kayo!"
          Malalapit lang naman ang mga bahay namin ilang sakay lang,isang text lang, isang message lang sa fb pero iba pa din yung nasa isang faculty kayo na parang magkakapatid. Nagiging tahanan kasi ang faculty room kung saan andun ang pagmamahal, ang pagtanggap at pagkalinga. Hindi ko alam kung paano. Pero hindi ko gagawin ang pagpapaalam sa inyo, sa mga bumuo sa buhay ko. Kukulitin ko pa rin kayo kahit magkakahiwalay na tayo, na sana pansinin nyo. Iba-iba tayo ng landas, pero pipilitin kong laging dumaan sa inyo para maalala na minsan nagsama-sama tayo. Salamat sa mga pangaasar kung di naman dahil dun wala tayong pagtatawanan at walang mga bagong salitang mabubuo na tanging mga katangi-tanging tao lamang ang makakaintindi. Maghiwa-hiwalay man hindi naman yun ang huli, dahil walang katapusan ang pagmamahal at yan ang lagi kong mararamdaman.

Yes I'm proud to be Dirty!
Salamat sa pagbuo sa buhay ko.
Salamat sa pagiging parte nito :)

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

Ano ba? Anu na?

Nakatulala, walang magawa
Parang ayaw kong magsalita
Napapaisip, lagi na lang bang sa panaginip?!?
Hay! Ako na ay naiinip.

Ambilis namang magbago
Nalilito na ako
Araw-araw na lamang ba?
Ako'y mangangamba..

Matatapos pa kaya ito?
O maiiwan na lang ng ganito?
Iba-iba kasi ang pagkatao..
Gulong-gulo na ako.



Sabado, Pebrero 1, 2014

Ito ang Pag-ibig!

          Hindi ko alam kung paano ko maeexpress ang pag-ibig pero parang ang  bigat bigat nito. Kaya sa tuwing makakabasa ako ng kahit ano na may koneksyon dito..nasasabi kong eto pala ang nararamdaman ko.

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito,
Kung hindi kita nakilala, di sana ako nabuhay,
Kung mamamatay ako at di kita nakilala
Hindi ako mamamatay, dahil hindi ako nabuhay. 

         Nabasa ko yan sa LRT..berso sa metro..ayun lagi ng pumapasok sa isip ko..nakakahanga yung gumawa..pangarap kong makagawa ng ganyang tula :)

"Isaboy mo sa hangin ang lahat ng ninanais ng iyong puso na parang mga punla ng mga bulaklak at asahan mong hindi magtatagal at mamumukadkad ang mga ito sa napakaraming magagandang paraan.. "

         Nagsimba kami isang linggo ng may mabasa ako sa mga tshirt ng mga choir members, tungkol sa pagibig..nakakainspire na sa bawat pagmamahal mo maraming mabubuting bagay ang maidudulot.


HAHAMAKIN ANG LAHAT
(Ni : Abdon Balde Jr.)

"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni Cherry. May halong biro. Para na rin niyang sinabing, "Pagputi ng uwak".
Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.
Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang.
Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak. Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at hirap.
"Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.
Isang linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa canteen.
"Para sa'yo , handa na ako", sabi ni Dindo.
"Oh shocks ! " sagot ni Cherry , nakangisi,
"Serious ka? Kami na ni Joko, noh ! "
Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang paa na may polio.
Malupit ang pag-ibig.

          Ito man ang malungkot na parte pero.. ganito pa din kadakila ang pag-ibig!