May isang tao akong kilala na nagsabing bawat tao sa buhay natin ay may kanya-kanyang time frame. Yung tipong lahat may hangganan. Lahat mawawala sayo sa ayaw mo man o sa gusto.Inisip kong mabuti, meron nga. Nakakalungkot mang isipin iiwan tayo o mangiiwan tayo ng mga taong naging napakahalaga sa atin sa isang tagpo ng ating buhay.
Nung Christmas vacation wala akong masyadong magawa sa bahay naisip kong maglinis na lang. Sa paglilinis ko nakita ko yung mga sulat ng malalapit kong kaibigan. Naluha na lang ako ng maisip ko yung memories namin nung high school na mas memorable kung ikukumpara sa college life ko. Mas nagemote pa ko nung naisip kong malayo na ang loob ko sa mga kaibigan ko na dating mga kasabay kong umiiyak sa bawat problema. Naalala ko yung isa ngayon dahil kaarawan nya. Sa totoo lang nahihiya na kong batiin sya. Pag na layo ka kasi sa isang tao pati puso mo parang nalalayo na din lalo na kung wala kayong komunikasyon. Ang hirap magkeep ng mga tao sa buhay dahil habang tumatagal ang panahon dumadami sila kaya yung iba parang nakakalimutan mo na. Nahihiya man ako binati ko pa din sya dahil tulad dati ganun pa din naman ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan.
Kung may time frame man ang lahat gusto kong masanay sa ganitong sistema ng buhay. Masanay na iwanan o mangiwan, para sa ganun hindi ako masaktan. Malungkot man ang katotohanang ito mas gugustuhin ko pa ding alalahanin ang mga karanasang naging masaya ako dahil may mga taong naging parte ng buhay ko. Sa huli pwede pa naman tayong bumawi. Hanapin mo ang taong yun at magsimula ka ng panibagong time frame na sisiguraduhin mong mas matagal at mas masayang alalahanin. Tumatakbo ang oras kaya siguraduhin mong sinusulit mo ang bawat minuto na nasa time frame mo pa ang taong mahal mo. Maging masaya ka habang kasama mo sya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento