Biyernes, Enero 24, 2014

Just Give Me a Reason! :)

     Alam ko namang may dahilan ang lahat. Hindi naman kasi tayo gagawa ng mga bagay ng wala lang, maliit man o malaki may dahilan yan! Kaya heto ako nagiisip ng mga dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa ito. Meron nga ba? Naman!


  •  Una, ewan ko pero may kakaibang "gladness" akong nararamdaman pag ginagawa ko to. Para kasi akong may kaibigan pag nagsusulat na parang nagkukwento lang ako sa kanya. Hay! Nakakabawas talaga ng pasanin.
  • Pangalawa, nakikilala ko ang sarili ko sa pamamagitan nito. Minsan nagugulat na lang ako kasi parang hindi ako yung nagsulat ng mga naisulat ko na. Ibang ako, ibang-iba talaga. Nasasabi ko na lang minsan ito pala ako.
  • Pangatlo, dahil dito marami akong narerealize, mga bagay na naiisip ko lang pagnaisulat ko na. Minsan kasi naiinis ako sa mga bagay-bagay pero pagnaisulat ko na sasabihin ko na lang " Ang korny ko pala!" Para kasing may maliliit na bagay na pinalalaki natin :) Sabi nga nila " Don't make a mountain out of a molehill." 
  • Pangapat, masarap magshare lalo na sa ganitong paraan. Dito ko kasi mas naeexpress ang sarili ko dahil hindi naman ako masalita.
  • At ang panghuli,  dahil gusto ko to at ito ako. Buhay ko na ang pagsusulat. Siguro pag pinagbawalan ko ang sarili kong gawin to hindi ako makakasurvive. Masarap kasing may sumasalo satin yung kalahating parte ng sarili natin. 
     Naisip kong gawin to para ipamukha sa sarili ko ang mga dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa ito! May nagsabi kasi sakin na wag akong mahiya ishare yung blog ko as long as I know the reasons why I am writing. Well, I end up doing this! 

Sabado, Enero 11, 2014

Time Frame


  Grunge wood frame background, vintage paper texture 


 May isang tao akong kilala na nagsabing bawat tao sa buhay natin ay may kanya-kanyang time frame. Yung tipong lahat may hangganan. Lahat mawawala sayo sa ayaw mo man o sa gusto.Inisip kong mabuti, meron nga. Nakakalungkot mang isipin iiwan tayo o mangiiwan tayo ng mga taong naging napakahalaga sa atin sa isang tagpo ng ating buhay. 
    Nung Christmas vacation wala akong masyadong magawa sa bahay naisip kong maglinis na lang. Sa paglilinis ko nakita ko yung mga sulat ng malalapit kong kaibigan. Naluha na lang ako ng maisip ko yung memories namin nung high school na mas memorable kung ikukumpara sa college life ko. Mas nagemote pa ko nung naisip kong malayo na ang loob ko sa mga kaibigan ko na dating mga kasabay kong umiiyak sa bawat problema. Naalala ko yung isa ngayon dahil kaarawan nya. Sa totoo lang nahihiya na kong batiin sya. Pag na layo ka kasi sa isang tao pati puso mo parang nalalayo na din lalo na kung wala kayong komunikasyon. Ang hirap magkeep ng mga tao sa buhay dahil habang tumatagal ang panahon dumadami sila kaya yung iba parang nakakalimutan mo na. Nahihiya man ako binati ko pa din sya dahil tulad dati ganun pa din naman ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan. 
            Kung may time frame man ang lahat gusto kong masanay sa ganitong sistema ng buhay. Masanay na iwanan o mangiwan, para sa ganun hindi ako masaktan. Malungkot man ang katotohanang ito mas gugustuhin ko pa ding alalahanin ang mga karanasang naging masaya ako dahil may mga taong naging parte ng buhay ko. Sa huli pwede pa naman tayong bumawi. Hanapin mo ang taong yun at magsimula ka ng panibagong time frame na sisiguraduhin mong mas matagal at mas masayang alalahanin.  Tumatakbo ang oras kaya siguraduhin mong sinusulit mo ang bawat minuto na nasa time frame mo pa ang taong mahal mo. Maging masaya ka habang kasama mo sya. 

Sabado, Enero 4, 2014

A New Beginning :)

"Life is like riding a bicycle.To keep your balance, you must keep moving.
                                                                     -Albert Einstein

               I really don't know  how am I going to start this, but one thing is for sure - it's exciting!
Matagal na kong nagiisip kung dapat ko bang gawin to ang pasukin ang kakaibang mundo ng pagbablog. Kinakabahan ako kasi mukhang sobrang mamahalin ko to at baka hindi ko na magawa ang mga dapat kong gawin, pero may kakaibang fulfillment akong nararamdaman. Ang sarap ibahagi sa mga taong hindi mo kilala yung kalahati ng sarili mo yung hindi alam ng ibang tao. It is really a new beginning. Gusto kong magstart ang taon ko ng ganito yung nasasabi ko yung gusto ko. Well, goodluck for me! :)