Ang Pagpatay Tuwing Gabi
Pumapatay
ako tuwing gabi
Pero
hindi ng tulog na katabi
Pinapatay
ko ang pagkabagot
Nang
isip na ewan ko ba kung nalulungkot
Sinisimulan
ko sa musika
Akala
ko nakakalibang kahit paulit-ulit na
Bigla
kang may maaalala
Ibabaling
ang ginagawa sa iba
Minsan
para pumatay nagdodrowing ako
Feeling
ko pag gabi sketch artist ako
Tapos
tatamarin dahil pangit ang nagawa
Kaya
heto ako’t gumagawa ng tula
Paano
ka papatay sa gabi?
Lalo
na kung ang iyong sarili
Eh
parang ikaw nga ang pinapatay
Ng
gabing walang ingay
Subukan
mong magpasagasa
Sa
tahimik na kalsada baka ikaw pa ang maawa
Baka
sa paghihintay ng sasakyan
Makatulog
ka na lamang sa daan
Hulaan
mo kung sinong magtatagumpay
Ang
iyong mga matang matamlay
Ipipikit
na lamang nya
Ang
pagpatay ay mahihinto na
March
1, 2015
12:35
am – 01:02 am