Lunes, Disyembre 21, 2015


Para sa Patola, Upo at Kalabasa

Para sa patola
Na araw-araw nagpapakatanga
Para sayo ito
Na niniwala sa kanilang kwento

Patola matuto ka
Manindigan sa sarili magisa
Anu man ang sabihin nila
Wag na wag kang padadala

Para sayo upo
Parati ka na lamang bang uupo?
Matutunan mo sanang tumayo
Maglakad sa malayo

Diyan ka na lamang ba sa tabi?
At sa kahit kanino ay magpapaapi?
Hindi ganyan ang labanan
Wag kang magpaiwan

At sayo kalabasa
PArati ka na lamang bang aasa?
Aba magising ka
Baka inaantay mo'y wala na

Mata mo'y buksan na
Nang katotohana'y makita
HIndi yung lagi kang nakatanga
Oras mo'y ubos na

Para sa patola, upo at kalabasa
Panibagong taon ay parating na
Magbago ka na 
Baka mahuli ka.

December 18. 2015
9:53 pm

Damong Ligaw

Minsan may isang damo
Galit na galit akong tinabas ito
Sumunod na araw ay tumubo muli
Bakit nga ba pag usbong nito'y napapanatili

Anong klaseng damo kaya ito 
Wari damdamin ko'y niloloko
Sa tuwing aalisin ko ito sa aking landas
Mas malaki ang iniiwang butas

Hindi ba talaga ito mahalaga?
Para saan ang buhay nitong nagsusumiksik pa
Aking halama'y di makahinga
Ano ang aking gagawin sa damong nananagana?

December 5, 2015
7:20 am


Unread Pages

Nandyan ka lang naman 
Bakit pa pagtutuunan?
Di ka naman mawawala
Kaya sige tuloy ang paggawa

Kapanatagan ay nasa akin
Kaya kahit ano ay gagawin
Siguro nama'y walang mangyayari 
Kung ika'y nasa isang tabi

Akala ko'y ganun nga
Ngunit ika'y nabasa ng iba at nakita
Naunahan tuloy ako
Paano na ang aking kwento

December 5, 2015
1:29 am

Linggo, Mayo 24, 2015



Ang Pagpatay Tuwing Gabi

Pumapatay ako tuwing gabi
Pero hindi ng tulog na katabi
Pinapatay ko ang pagkabagot
Nang isip na ewan ko ba kung nalulungkot

Sinisimulan ko sa musika
Akala ko nakakalibang kahit paulit-ulit na
Bigla kang may maaalala
Ibabaling ang ginagawa sa iba

Minsan para pumatay nagdodrowing ako
Feeling ko pag gabi sketch artist ako
Tapos tatamarin dahil pangit ang nagawa
Kaya heto ako’t gumagawa ng tula

Paano ka papatay sa gabi?
Lalo na kung ang iyong sarili
Eh parang ikaw nga ang pinapatay
Ng gabing walang ingay

Subukan mong magpasagasa
Sa tahimik na kalsada baka ikaw pa ang maawa
Baka sa paghihintay ng sasakyan
Makatulog ka na lamang sa daan

Hulaan mo kung sinong magtatagumpay
Ang iyong mga matang matamlay
Ipipikit na lamang nya
Ang pagpatay ay mahihinto na

March 1, 2015
12:35 am – 01:02 am




“Double Dead”

Akala ko ba naman patay na
Eh bakit ngumingiti na naman sa tuwina
Kasi nandyan ka na naman
Napasuko na naman ako ni Superman

Hanggang kailan ba to?!?
Nakakabaliw kada minute
Dapat bang masanay sa ganitong pakiramdam
Na pagnawala’y pusoy magdaramdam

Paano kung huminto ulit?
Itong pusong nangungulit
Malamang patay na naman
Double dead walang laban

SLAC
Revisiting RPMS
March 26, 2015
8:00 am - 2:00 pm

“Shuttlecock”

Kung lilipad ako papunta sayo
Tatanggapin mo ba ang pagdating ko
Mukhang hindi naman
                                                       Sa hangin na lang maiiwan        

Minsan nga’y inaantay ako
Ngunit sa tuwina’y tinutulak papalayo
Medyo nakakapagod lang
Sa hangi’y nakalutang

Matatapos na baa ng laro?
Uuwi kayang nakayuko?
Sana’y sa susunod na laban
Iba na ang kapalaran

Oreta Sports Center
“Badminton Competition”
February 13, 2015
5:55 pm

Sabado, Abril 11, 2015


“Palakpakan”

May  palakpak na nagagalak
May iba ding nanguuyam sa paglagapak
May palakpak na masaya
May pagbati ang ngiti nya

May palakpak na wala lang
Ginagawa dahil sa utos na naiatang
May palakpak na may tuwa
Halos yakapin pa ang kapwa

Anung palakpak ang sayo?
Kuntento ka ba sa tunog nito?
Pakinggan mo…
Baka maaari pang magbago.


March 26, 2015
10:01pm




Linggo, Marso 1, 2015


Bakit ba sa Paris?

                 Bakit? Bakit ba? Bakit nga ba? Bakit  nga ba sa Paris?... Ang pagdadrama ko habang bianabasa ang visual aid ng co-teacher ko..wala lang napagtripan ko lang lagyan ng kakaibang tono ang pamagat ng flow chart nya ang haba kasi ng vacant ko at parang nabangag ako paggising ..napatingin sila at sunod-sunod ang tawanan ng marinig ang mga katagang iyon ng may iba’t-ibang emosyon. Noong una nagjojoke lang ako..kaso habang inuulit-ulit ko..parang dumidiin ang mga salita..kaya gumana na naman ang kakarampot kong utak..at puso..
                 Kasi naman naisip ko, una (nung wala pang tono ng emosyon ang mga salita) anu nga bang meron sa PARIS? Ah Eiffel Tower! And so?!? Yeah magandang architectural structure I mean great.. pero anu pang meron sya na wala ang iba?
                  Dumiin lalo ang mga salita ng maisip kong “City of Love” it0..nagkaroon tuloy lalo ng emphasis at stress sa mga salita habang binabasa ko..bakit nga ba? Bakit nga ba sya? Hindi ba pwedeng Manila? o ang Luneta? Yun bang sana naman malapit sa Pinas para maramdaman ko o namin kung anung klase ng pag-ibig meron dun. Anu bang klaseng pag-ibig ang nararanasan nila dun?  Kakaiba kaya ang aura yun lulutang ka talaga?
                  Puro wishful thinking na lang ang gagawin mo..pag ganito..hay..sabi ng co teacher ko,”Wala kang lovelife no?”  Paano mo nalaman?, sabi ko...kasi daw tulog ako ng tulog..inexplain nya lahat ng studies o researches na alam nya para ipamukha sakin ang point nya na zero ako pag dating sa usaping ito..ok! Wala naman akong laban.  
                   Sabi ni Ma'am,"bat kaya yung anak ko maganda naman matalino at mabait wala pa ring boyfriend..pero yung mga pangit alam mo na yun...di na maituloy ng principal namin ang pagkukumpara nya (siguro medyo nahiya) habang nagkukwento sya ng magkasabay kami sa jeep. Pababa na ko at humirit, " Ma'am hindi ko nga rin po alam kung bakit ako din wala pa.." Nahampas nya ko sa kakatawa. Hindi naman ako nagbibiro ah..haha :) 
                         And that thing called tadhana..ay mailap..

Ba't di salubungin 
Ang puso ko at kunin ng diwang malaya
Ikaw ang magpapayapa
Ikaw ang pagibig 
Pakinggan ang himig ko
Wag ka sanang lalayo..

-best lines ng TAdhana - Up Dharma Down...
nakakamatay pakinggan..nakakalunod..
napakasoulful..may ganun ba? whatevs..

Linggo, Enero 4, 2015

Pressure Cooker

                “Hala! Hindi ko pa nagagawa yung project ko! At saka yung..at saka..” marami pang kasunod yan, linya ni Grace Ann dahil sa dami ng natambak na gawain. Pag nagsimula na syang maglitanya tungkol sa mga unfinished works nya  tatlo kaming nanggagalaiti na titingin sa kanya dahil nagsisimula ng pumasok ang enemy number one naming magkakapatid , ang PRESSURE.
                The use of persuasion, influence, or intimidation to make someone do something ang sabi ng dictionary habang dinedescribe ang capital P. As for me I would rather describe it as something that could make adrenaline rush. Hay! Hindi ko na kasi mabilang sa buhay ko kung ilang beses ako inistress ng pressure na yan. Sa ngayon inisip ko ang pinagmulan nito..at isa ay ang kapabayaan ko. Yeah right! My fault! Hindi naman kasi tatambak ang gawain kung di pinatambak. Kaya oo na  walang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko.
                Anyway, anu nga bang maitutulong sayo ng pressure? Well, it pushes you to your limit! Parang tuwalyang pinakukuluan sa pressure cooker para sa kare-kare..papalambutin ka nito..I mean gagawin kang flexible sa lahat ng bagay. At pag labas mo sa kaldero isa ka ng masarap na ulam. Well-experienced na tao.  Yung mukhang ang daming pinagdaanan..itsurang haggard?!? Siguro..sana hindi naman..haha J
                At anu sa tingin nyo ang ginagawa ko? Sa ngayon dinadagdagan ko pa yung pressure kaya nagtype muna ko bago gumawa ng lesson plan at kung anu-ano pa. I just chose to love it, because I can’t get away with it. Hinahamon ko na sya ngayon. Try me! ( Habang sinisigaw kong BUDANG! BUDANG! BUDANG! Dahil ginigising ko ang sarili ko para kumilos). Sana pag natapos ko to umandar na ang tinatamad kong utak at katawan na may hangover pa sa nagdaang bakasyon.
Kung nakakabili lang ng kasipagan pinakyaw ko na at di na ko nagtira pa! J
I am looking forward to an adventurous 2015! Ayoko na ng dull moments! Masarap ang aksyon! Napakabilis ng phasing ng 2014 at napakaraming nangyari parang tumanda ako ng ilang taon.Buti na lang di halata sa itsura haha J I guess!            
Para sa lahat hamunin nyo ang tadhana. Lumaban sa daloy. And you’ll gonna see yourself on the top of your dreams! Yung dating long term goal mo palapit ng palapit ng di mo namamalayan. Malay mo..andyan lang..andyan lang ang hinahanap mo..
Break a leg! Or else they’re gonna break yours! Have a great day!