“Palakpakan”
May palakpak na nagagalak
May iba ding nanguuyam sa
paglagapak
May palakpak na masaya
May pagbati ang ngiti nya
May palakpak na wala lang
Ginagawa dahil sa utos na
naiatang
May palakpak na may tuwa
Halos yakapin pa ang kapwa
Anung palakpak ang sayo?
Kuntento ka ba sa tunog nito?
Pakinggan mo…
Baka maaari pang magbago.
March 26, 2015
10:01pm