“Hala!
Hindi ko pa nagagawa yung project ko! At saka yung..at saka..” marami pang
kasunod yan, linya ni Grace Ann dahil sa dami ng natambak na gawain. Pag
nagsimula na syang maglitanya tungkol sa mga unfinished works nya tatlo kaming nanggagalaiti na titingin sa
kanya dahil nagsisimula ng pumasok ang enemy number one naming magkakapatid ,
ang PRESSURE.
The
use of persuasion, influence, or intimidation to make someone do something ang
sabi ng dictionary habang dinedescribe ang capital P. As for me I would rather
describe it as something that could make adrenaline rush. Hay! Hindi ko na kasi
mabilang sa buhay ko kung ilang beses ako inistress ng pressure na yan. Sa
ngayon inisip ko ang pinagmulan nito..at isa ay ang kapabayaan ko. Yeah right!
My fault! Hindi naman kasi tatambak ang gawain kung di pinatambak. Kaya oo na walang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko.
Anyway, anu nga bang maitutulong
sayo ng pressure? Well, it pushes you to your limit! Parang tuwalyang
pinakukuluan sa pressure cooker para sa kare-kare..papalambutin ka nito..I mean
gagawin kang flexible sa lahat ng bagay. At pag labas mo sa kaldero isa ka ng
masarap na ulam. Well-experienced na tao. Yung mukhang ang daming pinagdaanan..itsurang
haggard?!? Siguro..sana hindi naman..haha J
At
anu sa tingin nyo ang ginagawa ko? Sa ngayon dinadagdagan ko pa yung pressure
kaya nagtype muna ko bago gumawa ng lesson plan at kung anu-ano pa. I just
chose to love it, because I can’t get away with it. Hinahamon ko na sya ngayon.
Try me! ( Habang sinisigaw kong BUDANG! BUDANG! BUDANG! Dahil ginigising ko ang
sarili ko para kumilos). Sana pag natapos ko to umandar na ang tinatamad kong
utak at katawan na may hangover pa sa nagdaang bakasyon.
Kung nakakabili lang
ng kasipagan pinakyaw ko na at di na ko nagtira pa! J
I am looking forward
to an adventurous 2015! Ayoko na ng dull moments! Masarap ang aksyon! Napakabilis ng phasing ng 2014 at napakaraming
nangyari parang tumanda ako ng ilang taon.Buti na lang di halata sa itsura haha
J I guess!
Para sa lahat hamunin nyo ang tadhana. Lumaban sa daloy. And you’ll
gonna see yourself on the top of your dreams! Yung dating long term goal mo palapit
ng palapit ng di mo namamalayan. Malay mo..andyan lang..andyan lang ang
hinahanap mo..
Break a leg! Or else they’re gonna break yours! Have a great day!